Prologue

352 Words
Lumaki akong mahirap pero mayaman naman ako sa pagmamahal ng magulang ko. Wala mang ipapamana sa amin ang magulang ko, pinamana naman nila sa akin ang magandang edukasyon. Kuntento na ako sa buhay na meron kami, nakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw pero kahit na anong kuntento mo sa buhay hindi pa rin maikakaila na kailangan mo ng pera para mabuhay ka kaya nagsikap ako para maiahon ang magulang ko sa hirap. Sawa na ako na lagi kaming minamaliit ng mga kamag-anak namin na may kaya sa buhay. Matatapobre sila at hindi nila alam tumulong kahit lumuha kami ng dugo ay hindi nila kami tutulungan. Naalala ko pa nung na dengue ang bunsong kapatid namin lumuhod ang nanay namin sa mga kamag anak namin na tulungan kaming mapagamot ang bunsong kapatid namin pero pinagtabuyan nila kami dahil hindi namin na pagamot ang kapatid namin namatay ito. Sobra akong nagalit sa nangyari, hindi ko lubos maisip na hindi kami kayang tulungan ng kamag anak namin. Masyado silang mayabang proket may kaya sila sa buhay, kung malaitin nila kami ay ganun na lang kaya naman tinatak ko sa isip ko ang nangyaring iyon at nagsikap ako. Nag aral ako ng mabuti para makahanap ako ng magandang trabaho at maiahon ko sa hirap ang magulang namin at gusto kong ipamukha sa mga kamag anak namin na kaya naming umahon sa hirap, mas hihigitin ko sila, mas magiging mayaman ako. Nung mag high school ako, nakakuha ako ng full scholarship sa isang sikat na school. Sobra ang tuwa ko ng makuha akong scholar, ang swerte ko para makuha dahil ang daming mga nag apply para maging scholar pero isa ako sa napili. Akala ko hanggang doon na lang ang swerte ko pero nalaman ko na isa ako sa napili na bibigyan ng scholarship at papag aralin sa France. Hindi mawala ang tuwa ko sa nalaman kaya naman ibinalita ko agad ito sa magulang ko at sinabi ang magandang balita. Hindi ko lubos akalain na pagdating ko sa France, magiging daan ito para matupad ko ang aking matagal na pangarap. * TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD