Chapter 1

1993 Words
CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Sabi ko na at nandito ka," Napatingin ako sa nag salita. Si Catherine, best friend ko. "Diba sabi mo titigilan mo muna ang pagiging workaholic mo at magpapahinga muna dahil uuwi na tayo ng pilipinas." Nakapamewang na sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako. "Last lang naman ito kailangan ko lang siguraduhin na maayos na ang lahat bago tayo uuwi ng pilipinas." paliwanag ko. "Ano pang silbi na binigyan mo ng authority si Samuel kung ikaw din ang aayos nito?" mataray na sabi niya. "Wala ka bang tiwala kay Samuel?" "Of course, I have." "Kung ganun bakit ginagawa mo pa din yan? Dapat si Samuel na ang gagawa niyan." "Sabi ko nga last na ito, hindi ako mapakali kapag wala akong ginagawa." "Tsk, napaka workaholic mo kasi eh, kahit mag shopping man lang hindi mo magawa. Ang yaman yaman mo na pero gusto mo pang magpayaman lalo. Anong saysay ng madami mong pera kung di mo rin naman gagamitin?" "Nabili ko na naman ang gusto ko kaya hindi na ako bibili ng sobra. Ang dami ko ng mga damit kaya hindi ko na dadagdagan pa. Ang paggagastusan ko na lang niyan ay ang pamilya ko kaya kapag nasa pilipinas na ako doon magagalaw ang pera ko kasi bibilan ko sila ng kahit anong gusto nila." In the first place naman kasi kaya ako nagsikap ng ganito dahil sa kanila. Gusto ko silang iahon sa hirap, ayoko ng maulit ulit yung dati na minamaliit kami. "Pero bakit kailangan mo pang i-sekreto sa kanila? Hindi ka nagpapadala ng malaking pera?" tanong niya. "Gusto kong silang i-surprise tsaka ayokong magpadala ng madami baka magtaka sila kung saan ko na kukuha ang pera na pinapadala ko atleast sa maliit na perang napapadala ko may idadahilan ako, na nagpart time job ako." sagot ko. Alam naman nila na may allowance akong nakukuha sa school kaya yung perang sinasahod ko sa part time ko ay pinapadala ko sa kanila. Totoong nagpart time job ako noon nung hindi ko pa nakakamit ang mga achievements na nakukuha ko ngayon. "Sa bagay baka kung ano pang isipin ng mga kamag-anak niyo. Baka ipagkalat nila na nagbebenta ka ng katawan. Mga kontrabida pa naman ang mga iyon." Alam niya ang mga pinag gagawa sa amin ng mga kamag-anak namin lalo na yung namatay yung bunsong kapatid namin at hindi man lang kami tinulungan. "By the way, hindi pa ba tapos yung mansion na pinapagawa mo?" "Hindi pa." sagot ko. Last year may pinagawa akong mansion malapit sa bahay namin. Gusto kasi ni mama na doon sa lugar namin kami tumira dahil doon niya last nakasama ang mga magulang niya kaya sobrang memorable ng lugar na iyon tapos yung pwestong pinagtayuan ng mansiong pinagawa ko ay ang lugar na laging tinignan ni mama kapag napapadaan kami doon. Flashback "Mga anak bilisan niyo ma-le-late na kayo sa klase niyo." sabi ni mama sa amin ni kuya habang nagluluto siya. "Opo mama." sabay na sagot namin ni kuya. Nauna munang naligo si kuya dahil mabilis lang naman siyang maligo dahil ayaw niya ng malamig habang ako medyo matagal dahil maarte ako sa katawan. Habang nasa cr si kuya hinanda ko muna ang uniform ko pati na rin kay kuya tapos inayos ko ang bag ko tinignan ko kung may nakalimutan pa ba akong ilagay. "Tin, ikaw na." sabi ni Kuya ng matapos siya. Kumuha na ako ng tuwalya at pumasok na sa cr pagkatapos ginagawa ko na ang dapat gawin. After 30 minutes natapos na ako, agad na akong nagbihis at nagpatuyo ng buhok. "Kain ka Tin." sabi ni mama ng makalapit ako sa kanila. "Bilisan niyong kumain at baka ma-late pa kayo." Pero sa totoo lang ang aga pa naman, advance lang si mama. Ayaw niya kasing ma-late kami sa school. "Mama 7 pa lang, 8 pa ang pasok namin." reklamo ni Kuya. "Mas magandang maaga kayo kesa sa naghahabol kayo ng oras." sabi ni mama na lagi niyang sagot kapag nagre-reklamo si kuya. Matapos naming kumain nilagay na namin ang mga pinagkainan namin sa lababo. "Tara na mga anak." sabi ni mama. Nagta-trabaho ni mama malapit sa school namin kaya sumasabay sa amin si mama tsaka isa pa, nababalita sa lugar namin na sa liblib na daan papunta sa school ay maraming mga na-re-r**e na mga kabataan kaya ayaw ni mama na mag isa akong naglalakad, ayaw naman niyang si kuya lang ang kasama ko dahil ang isang taon lang naman ang agwat namin, hindi niya kakayanan ang mga lalaking nag re-r**e. Habang naglalakad kami bigla akong napatingin kay mama at nakita kong may tinitignan siya kaya napatingin ako sa tinitignan niya. Isang lote na maraming mga damuhan at may nakapaskil na lot for sale. "Mama bakit niyo tinignan yan?" tanong ko. "Wala anak." sabi niya at nginitian ako. "Gusto niyo po bang bilhin yan?" tanong ko. "Naku, wala naman tayong pera pambili ng lote." sagot ni mama. Hindi namin sariling bahay ang tinitirhan namin. Nakatira lang kami kina lola. Gusto na ni mama na bumukod kami kasi lagi kaming may naririnig kay lola na masasakit na salita. Hindi kami gusto ni lola kasi wala kaming perang binibigay sa kanya pero ang ibang mga anak niya nagbibigay kaya panay ang parinig niya sa amin pero tinitiis lang namin dahil wala naman kaming ibang matitirhan patay na din ang mga magulang ni mama. "Kapag po makapagtapos ako at nakapag hanap po ng magandang trabaho, bibilhin ko po yan mama." sabi ko. Tinawanan lang ako ni mama. "Naku anak kapag nangyari yun baka nabili na yang loteng yan." sabi niya. "Pero kapag nandiyan pa yan mama bibilhin ko." sagot ko. "Oh siya kung yan ang gusto mo." sabi niya. End of Flashback Mabuti na lang hindi pa nabili ang loteng iyon tapos binili ko din ang katabing lote nito nun para mapagaptayuan ko ng dream house na pinapangarap ko kung bata pa ako at ngayon unti unti ng matutupad ang mga pangarap ko. "Kelan ba yan matatapos? Last year pa yan nag umpisa ah." reklamo siya. "Ano ka ba swempre ang daming damong nakatubo doon at may mga puno pa kaya natagalan silang tanggaling iyon at isa pa napakalaki ng mansion na pinagawa ko." sagot ko. "Bakit ba kasi ang laki laki eh anim lang kayo?" sabi niya. "Swempre kapag nag asawa si kuya doon na lang sila titira at hindi na sila mahirapan pang maghanap ng titirhan nila." sabi ko. "Baka naman umasa lang sa iyo ang mga iyon." sabi niya. "Hindi yun mangyayari dahil hindi kami pinalaki ni mama na maging ganun tsaka ayaw namin ni kuya na maging kagaya namin ang mga kapatid ni papa na kinakalimutan ang mga kapatid dahil lang yumaman." sagot ko. Alam kong hindi magiging ganun si kuya dahil galit na galit siya sa mga kamag anak namin na nagbingi bingihan at nagbulag bulagan ng kinailangan namin ng tulong nila. Gaya ko, pinangako niya din na magsisikap siya para maiahon kami sa hirap. "LADIES and Gentlemen, welcome to Ninoy Aquino Airport. Local time is 4am and the temperature is 35 °c. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about. Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight. If you require deplaning assistance, please remain in your seat until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you. On behalf of Philippine Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice stay!" Nagising ako ng magsalita ang fight attendant. Tumingin ako sa labas at palanding na ang eroplano. "Gosh, after ilang years naka uwi din tayo ng pilipinas" kinikilig na sabi ni Catherine. I agree. Apat na taon din ang nakalipas ng mapunta ako sa France. Miss na miss ko na ang pamilya ko gusto ko na silang makasama pero hindi pa nila alam na uuwi ako dahil gusto kong i-surprise sila. Dito na rin kami mag i-stay ni Catherine. Ililipat ko dito sa pilipinas ang main company ko kaya magiging branch na lang ang company ko sa France. Si Samuel, pinsan ni Catherine at secretary ko na ang mamahala doon. Siya ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat at alam kong hindi niya ako ta-traydurin. "Magho-hotel muna tayo o deretso ka na sa inyo?" tanong niya. "Maghotel muna tayo." sagot ko. "Tulog pa panigurado sina mama." Nang makalapag ng eroplano hinintay muna naming magsialisan ang ibang pasahero bago kami tumayo. "Manong sa malapit na hotel." sabi ni Catherine ng makasakay kami ng taxi. "Okay ma'am." sabi ng driver. Ilang oras lang ang biyanahe namin ay nakarating na kami sa hotel. Tinulungan kami ni manong sa pagbubuhat ng mga maleta naming dalawa. "Manong heto ang bayad." sabi ko inabot ko ang isang libo sa kanya. "Ay wala ka bang barya iha? Wala pa akong kita ngayon dahil maaga pa." sabi niya. "Keep the change na lang manong." sabi ko. "Naku, sigurado ka ba?" sabi niya. "Yes po." sabi ko. "Maraming salamat iha ang laking tulong nito sa amin." sabi niya at kita ko sa mata niya ang kasihayahan. "Wala po yun," sabi ko. Isa din ito sa pangarap ko noon kaya gusto kong umahon sa hirap. Ang makatulong sa mga mahihirap, kapag kasi pumapasok ako may nakikita akong mga nagpapalimos pero hindi sila pinapansin ng mga tao. Naaawa ako sa kanila kung may pera lang ako noon bibigyan ko sila lahat. "Yung ugali mo talagang ganyan hindi mo maiwasan," sabi ni Catherine ng makaalis si manong. "Pero mag ingat ka, minsan may mga taxi na manloloko." "Don't worry alam ko naman na hindi man loloko si manong." sabi ko. Hindi ko alam kung bakit paano pero kada may kaharap akong mga tao agad kong nalalaman kung katiwa-tiwala ba sila o hindi. Siguro malakas lang ang instinct ko kaya agad kong nalalaman kung sino talaga ang totoo o hindi. Laking tulong din yan sa akin lalo na at business woman ako. Sa mundo pa naman ng business kailangan matalas ang pandama mo dahil may iba sa kanila pinaplastik ka lang at kapag nakuha nila ang loob mo doon sila gagalaw para mapabagsak ka. Kaya dahil sa malakas ang instinct ko never pa akong naloloko ng mga gustong maging business partner ko. Ang iba kasi sa kanila gustong makapasok sa kumpanya ko para pabagsakin ako. Kilala kasi ako bilang Young Billionaire dahil sa idad na 22 years old ang dami ko ng achievement na nakuha kinakatakutan din ako dahil kaya kong mapabagsak ang isang kumpanya, walang may gustong galitin ako kundi magsisisi sila. Pumasok na kami ng hotel at nag check-in. Isang kwarto na lang ang kinuha namin dahil hindi naman kami magtatagal mamaya din aalis na kami, magpapahinga lang kami. "Kelan nga pala tayo maghahanap ng pagtatayuan natin?" tanong ni Catherine. "Siguro sa susunod na linggo para makapagpahinga tayo ng maayos." sagot ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Sigurado kang magpapahinga ka?" mataray na sabi niya. Nginitian ko naman siya. "Oo, balak ko rin na maki pagbonding kina mama kaya hindi muna ako magta-trabaho." "Good. Itabi mo muna ang pagiging workaholic mo," sabi niya. Kaya lang naman ako naging workaholic dahil gusto kong siguraduhin na hindi babagsak ang kumpanya ko. Ayoko naman na mawala sa lahat ang pagod ko, hindi ko pa napapadama sa pamilya ko ang mga na achieve ko. Gusto ko na gumaan din ang buhay nila gaya ng natatamasa ako. In the first place naman para sa kanila naman ang mga paghihirap na ginagawa ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD