CONSTANTINA'S POINT OF VIEW
"Matagal pa bago dumating ang kotse natin, next month pa dadating." sabi ni Catherine.
"Then bumili na lang tayo ng brand new." suggest ko. "Kailangan natin ng kotse, mainit dito sa pilipinas at traffic lagi."
Hindi naman sa maluho ako, mas convenient lang kasi talaga ang may kotse. Ang init init sa pilipinas kapag na stuck kami sa traffic. Kailangan din namin ng sariling kotse lalo na't dito na namin itatayo ang mga main building namin. Ang hassle naman kung lagi kaming mag co-commute.
"Sige bili tayo, ayoko ding maghintay ng isang buwan para mapadala ang mga kotse natin at isa pa kailangan ko na din ng bagong kotse yung matipid sa gas yung kahit milya milyang layo ang puntahan ko hindi agad ako maubusan." sabi niya.
Minsan na kasi siyang naubusan ng gas noon ng mag biyahe siya. Walang gas station sa lugar na napuntahan niya kaya ayun na stranded siya doon mabuti na lang may signal sa napuntan niya kaya natawagan niya ako para magpasundo tapos nagtawag na lang kami ng towing para mapalagyan ng gas ang kotse niya. Mula nung nangyari na iyon kapag alam niyang malayo ang pupuntahan niya pinapa full tank niya ang kotse niya at kapag malapit ng maubos ang gas niya agad siyang magpapagas.
"Okay magbibihis lang ako." sabi ko. "Casual lang ang isuot natin dahil mag co-commute lang tayo." Baka pagtinginan pa kami ng mga tao kung designer clothes ang isusuot namin. "At wag kang magdala ng bag na agaw atensyon baka ma holdap tayo ng di oras." pahabol ko. Nag ok sign naman siya.
Kumuha muna ako ng damit ko sa maleta pagkatapos pumasok ako sa c.r para magbihis. Nagsuot lang ako ng t-shirt na color off white kung titignan parang luma ang dating niya pero bago lang ito then nagsuot ako ng rip jeans at rubber shoes. Minessy bun ko lang ang buhok ko dahil bibili lang naman kami ng kotse pagkatapos pinili ko ang black small shoulder bag ko na walang kahit na anong tatak, sobrang plain lang niya. Nilagay ko lang sa loob ang cellphone at wallet ko then lumabas na ako ng c.r tapos si Catherine naman ang pumasok at nagbihis.
Paglabas niya nakasuot siya ng black plain big t-shirt maliit lang siya kaya parang dress na sa kanya ang damit niya tapos naka leggings at rubber shoes lang siya. Naka small shoulder bag din siya pero kulay off white. Naka ponytail naman ang buhok niya.
"Tara na?" tanong niya.
"Yes." sabi ko.
Sabay kaming lumabas ng room namin. Nang makalabas kami ng hotel at sukay sa taxi na nakapara sa harapan ng hotel.
"Kuya sa pinakamalapit na bilihan ng kotse." sabi ko.
"Okay po ma'am." sagot ni manong.
Mabilis naman ang biyahe, walang masyadong traffic kaya nakarating agad kami sa bilihan ng kotse. Nagbayad kami kay manong at lumabas ng taxi. Mabuti na lang at Car Dealer ang pinagdalhan sa amin ni manong para naman makapili kami ng magandang brand.
Naglakad na kami papasok ng building, pinagbuksan naman kami ng guard na nakabantay. Napatingin ako ako sa kanya at ng makita niyang nakatingin ako nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya. Hindi talaga maalis sa ugali ng pilipino ang pag ngiti sa isang tao kahit hindi kilala, ito ang na miss ko sa pilipinas eh. Nang pakapasok kami may dalawang babaeng employee ang lumapit sa amin.
"Yes ma'am?" sabi ng babaeng maliit ang buhok. Sa unang tingin pa lang halata mong mabait siya pero yung isang babae halatang maldita. Nahuli ko pa nga siyang pasikretong inirapan kami, akala niya sigiro hindi ko nakita.
"Bibili kami ng kotse." sagot ko.
"Ano pong klaseng kotse ang gusto niyo?" Tanong nung babaeng maliit ang buhok.
"Kahit ano basta komportable." sagot ko. Wala namang problema sa akin kahit anong kotse, manual at automatic naman ang drivers license ko.
"Ako sana yung kotse na pwedeng i-drive ng malayuan, yung hindi agad mauubos ang gas." sabi naman ni Catherine.
"Sige po ma'am dito po ipapakita ko sa inyo." sabi niya.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Naunang naglakad sina Catherine at Constantina habang ang dalawang employee ay nasa likuran nila.
"Tricia bakit mo ba sila ine-entertain? Halata naman na walang pambili yang dalawang yan." bulong ng babaeng mahaba ang buhok. "Nag fe-feeling lang ang mga yan pero ang totoo nandito lang sila para mag picture tapos aalis din naman sila."
"Ano ka ba Gabby wag mo namang pagsalitaan sila ma'am, costumer pa rin sila." bulong ding sabi ni Tricia. "Tsaka may kasabihang don't judge the book by it's cover."
"Tsk, alam ko na walang pambili ang mga yan, sa pananamit pa lang nila halata na." mataray na sabi ni Gabby.
"Bahala ka diyan basta aasikasuhin ko pa rin sila kahit hindi sila bibili." sagot ni Tricia.
"Sayang lang oras mo sa kanila hindi ka naman makaka kota sa kanila." sabi ni Gabby pero hindi siya pinansin ni Tricia at sinundan sina Catherine at Constantina.
"Ma'am heto pong Kia Picanto may 29.23 Litter po ito pwede po ito sa malayuang biyahe." suggest ni Tricia kay Catherine.
"Really?" tanong ni Catherine at nilapitan ang kotse. Hindi naman siya mapili sa brand basta matibay at hindi agad mauubos ang gas okay lang sa kanya.
"Opo ma'am." sagot ni Tricia.
"Okay kukunin ko ito." sagot ni Catherine pagkatapos tinignan ang kaibigan habang nagtitingin ng kotse. "May napili na ako Tin ikaw?"
"Hmm, kukunin ko na lang itong Mercedes-benz, minsan na akong nakagamit ng ganito at komportable naman ang upuan." sagot ni Constantina.
Palihim namang umirap si Gabby ng marinig ang sinabi ng dalawa.
"Pshh, kung pakitang tao talaga ang mga ito akala mo may pambili." bulong niya.
"Miss kukunin na namin ang dalawa." sagot ni Catherine.
"Talaga po? Kung ganun po kukunin ko lang ang mga papeles para mabili niyo na po iyon." sabi ni Tricia.
"Sandali." sabat ni Gabby. Naiinis na kasi siya dahil alam niya ang style ng dalawa, kunwari bibilhin at hihintaying kunin ng umasikaso sa kanila ang papeles pero kapag bumalik ito wala na sila. Minsan ng nangyari iyon sa kanya. "Mawalang galang na lang ha? Alam kong hindi kayo bibili ng kotse kaya kung pwede wag niyo ng pagurin ang kasamahan ko." masungit na sabi niya.
Napakunot naman ang noo nina Constantina. "Sinong may sabing hindi kami bibili? Kaya nga sinabi namin na bibilhin na namin diba?"
"Alam ko na ang style niyo kunwari bibili kayo pero ang totoo ay hindi naman." mataray na sabi ni Gabby.
Nainis naman si Catherine sa pagtataray ni Gabby, ayaw niya sa lahat ang tinatarayan siya kaya naman sisigawan na sana siya pero pinagilan siya ni Constantina.
"Bakit mo naisip na hindi kami bibili?" mahinahong tanong ni Constantina.
"Of course dahil sa pananamit niyo, halatang wala kayong pambayad." nakangising sabi ni Gabby at medyo tumawa pa. Nag cross arm din siya sa harapan ng dalawa. "Kilala ko na ang gaya niyo na nagpapanggap na mayaman para i-post sa social media at makahanap ng mayayamang mapapangawa."
Naiinis na si Constantina sa sinasabi ni Gabby pero nagtitimpi lang siya. Para sa kanya hangga't kayang mag timpi magtitimpi siya.
"You know what kahit na hindi bibili ang mga costumer niyo hindi mo dapat sila tinatarayan ng ganyan dahil pwedeng i-post ng mga tinarayan mo sa social media ang pagtataray mo. Pwede kang mawalan ng trabaho sa ginagawa mo." sabi ni Constantina.
Nagtaas naman ng kilay si Gabby. "Bakit ano bang magagawa niyo? Sikat ba kayo sa social media?" Sasagot sana si Constantina pero may biglang nagsalita.
"Oh my, Ms. Consta?" masayang sabi ng isang babae. Napatingin naman si Constantina sa kanya.
"You are?" tanong ni Constantina sa babae.
"I'm Athena Herrero, asawa ako ni Piolo Herrero, may ari nitong Car Dealer na ito." pakilala niya. "Alam mo bang gustong gusto kitang makilala dahil humahanga ako sayo. Ang bata bata mo pa pero ang layo na ng narating mo."
"Ma'am kilala mo ba sila?" sabat ni Gabby sa boss niya.
"Oo naman, siya si Miss Consta, ang pinakabatang Multi-billionaire sa bansa." pakilala ni Athena.
Nanlaki naman ang mata ni Gabby sa sinabi ng boss niya. Hindi siya makapaniwala na ang tinatarayan niya kanina ay isa pa lang bilyonaryo. Bigla naman siyang kinabahan ng maalala ang mga pinagsasabi niya.
"Ano pa lang ginagawa niyo dito?" tanong ni Athena.
"Bibili sana kami ng kotse." sagot ni Constantina. "Pero sa ibang shop na lang kami bibili." Parang binuhusan naman ng malamig si Gabby sa narinig dahil sa kaba.
"Ha? Bakit? Wala ba kayong nagustuhan?" nagtatakang tanong no Athena.
"Meron naman." sagot ni Constantina.
"Pero bakit lilipat kayo sa ibang shop? Magaganda naman ang mga tinitinda naming mga kotse." sagot niya.
"I know. Gusto ko ang mga kotse dito." sagot ni Constantina.
"Pero bakit lilipat kayo?" tanong niya.
"Itanong mo na lang sa employee mo." sabi ni Constantina at tinuro si Gabby.
Tumingin naman si Athena kay Gabby.
"Gabby? Anong nangyari?" tanong niya pero hindi makapagsalita si Gabby. Pinagpapawisan na ito ng malamig dahil sa kaba. Natatakot siya na mawalan ng trabaho. "Bakit hindi ka nagsasalita?" Pero wala pa ring imik si Gabby kaya binalingan niya ng tingin si Tricia. "Anong nangyayari Tricia? Bakit aalis sina miss Consta? May ginawa ba kayo na hindi nila nagustuhan?" Medyo tumataas na ang boses niya kasi nararamdaman na niya na may nangyaring hindi maganda.
"Ah, ma'am kasi po tinarayan po ni Gabby sina ma'am, sinabihan niya ang mga ito na walang pambili dahil lang sa mga suot nila." pag amin niya. Ayaw niya sanang magsalita perp natatakot siya sa boss nila baka sisantihin din siya nito.
"WHAT?!" gulat na tanong ni Athena. "Bakit mo naman ginawa iyon Gabby?" galit na sabi niya.
"Kasi ma'am nangyari na po kasi ito nung isang araw. Kunwari bibili sila pero ang totoo nag picture lang sila para may ma post sa social media." utal na sagot ni Gabby.
Hindi naman makapaniwala sa sinagot nito sa kanya. "My gosh Gabby, kahit na sabihin natin na nagpapanggap lang sila, hindi ibig sabihin ay babastusin niyo na sila. Kaya nga kayo nagta-trabaho dito para mag entertain ng costumer bibili man sila o hindi." galit na sabi niya.
"Ma'am sayang lang ang effort namin sa pag e-entertain sa kanila kung hindi din naman sila bibili, sana hindi na lang sila pumasok para hindi kami na pagod." katwiran siya.
Hindi maiwasang mapairap nina Constantina at Catherine sa sagot ni Gabby. Napakababaw ng dahilan niya.
"Hindi mo ba alam ang salitang window shopping?" tanong ni Catherine. "Minsam kaya sila tumitingin tingin sa mga kotse para i-inspired nila ang sarili nila, na balang araw makakabili din sila ng kotse. At isa trabaho niyo talaga ang mag entertain ng costumer bibili man o hindi, kung ayaw mo pa lang mapagod sana hindi ka na lang magtrabaho." Hindi talaga niya mapigilan ang pagtataray, naiinis siya ng sobra sa nakakabobong dahilan ni Gabby.
"Tama siya, hinired namin kayo dito para asikasuhin ang mga costumer kahit hindi man sila bibili basta na satisfied niyo sila. Malay mo mga sikat vlogger sila o sikat sa social media pwede nilang i-post ang magandang service ninyo at pwede silang makipaghikayat ng mga followers nila." sabi ni Athena. "Paano kung itong dalawang ito sikat na vlogger? Edi nasira na tayo sa mga tao? Wala ng pupunta dito dahil susungitan mo lang sila dahil hindi sila bibili?"
Natahimik naman si Gabby. Hindi niya alam kung paano niya masasagot ang boss niya dahil tama naman ito sa sinabi niya.
Napabuntong hininga na lang si Athena. "Pumunta ka mamaya ng office mag uusap tayo ng masinsinan." sabi nito. "Si Gabby lang ba ang nagtaray sa inyo?" tanong niya sa dalawa.
"Yes, maayos naman kaming ine-entertain nito." sabi ni Catherine at tinuro si Tricia.
"Good. Akala ko pinagtutulungan nila kayo." sabi niya.
"No, hindi siya nag isip na wala kaming pambayad basta inentertain niya kami." sabi ni Catherine.
"Mabuti naman." nakahinga ng maluwag si Athena akala niya masisira ang pangalan ng business nila.
Pinaghirapan nilang mag asawa ang pagtayo ng business nila. Hindi nila hahayaan na masira lang sa isang iglap dahil lang sa ugali ng kanyang employee. Ngayon natuto na siya, sa susunod na mag hire siya ng employee dapat may magandang pag uugali para hindi masira ang kanilang business.
To be continued...