Chapter 1
Aeliyah Craige POV
"Ang ganda mo talaga baby, manang-mana ka sa akin," anang ni mommy habang inaayus ang buhok ko.
"Syempre po, kanino pa ba ko magmamana? hehehe!" tanong ko at mahinang humagikhik.
"Baby hinaan mo lang ang boses mo baka marinig ka ng daddy mo tiyak na magtatampo 'yun," agad akong tumango at kinain ang cupcake na ginawa ko kanina.
"Bakit parang naririnig ko na pinaguusapan niyo ko?" napatigil ako sa pagnguya sa cupcake gano'n din si mommy sa pagaayus ng buhok ko.
"For my beautiful and lovely wife,"
Dugtong nito at inabot kay mommy ang hawak nitong bouquet.
"Ang duga mo naman daddy eh!"
Reklamo ko at nagpadyak ng paa habang nakatikwas ang nguso.
"Nasaan ang kiss ko honey?" pilyo na tanong nito kay mommy habang nakangisi.
"Ikaw princess, nasaan ang kiss ko?"
Tanong nito at binaling sa akin ang tingin habang nakaturo sa pisngi.
"Bakit si mommy may pasalubong tapos ako wala? Hmph!" pagtatampo ko habang magkasalubong ang kilay.
"Kiss muna bago pasalubong ni daddy,"
Ani nito habang nakaturo sa pisngi na para bang bata na humihingi ng candy.
"Promise?" tanong ko na parang bata.
"Promise," tugon ni daddy kaya agad akong tumayo at hinalikan ito sa pisngi.
"Nasaan na po 'yung pasalubong ko? Hehehe!" excited na tanong ko kahit na kaya ko namang bumili ng mga gusto ko.
Nakasanayan ko na laging may dalang pasalubong si daddy tuwing babalik dito sa bahay galing kompanya.
"Pumili ka dito sa dalawa princess."
Tinuro ko ang isang kamao ni daddy habang si mommy ay nasa tabi namin habang nanonood sa amin.
"Huli ka! Hahaha!" sigaw ni daddy habang tumatawa pagkatapos akong pisilin sa ilong.
"Ang duga mo naman daddy eh! Sabi mo meron akong pasalubong!" sigaw ko at agad na nag piggy back sa likod nito.
"A-Ah! A-Aray ko princess!" ngumiti ako at piningot ang tainga nito bago kinuyumos ang mukha.
"Mukha ka nang baliw daddy, hahaha!"
Sabi ko at sinabayan ng malakas na tawa habang patuloy parin sa paggulo sa buhok nito.
"Ikaw talaga princess, twenty-four ka na pero isip bata ka parin," ngumuso ako at pinisil ang ilong nito.
"Hahaha! Kayo talagang magama, samahan niyo nalang ako dito sa kusina para makapagluto na tayo ng dinner."
Pagaya ni mommy habang tumatawa at inalalayan akong bumaba.
Wala kaming kasambahay dito sa bahay dahil mas gusto ni mommy na maging independent daw ako at hindi umasa sa iba. Kaya dalasan ang naglilinis at gumagawa ng gawaing bahay.
"Good evening Mr.Craige, nais ko po sana kayong makausap para sa important na bagay," sabay-sabay kaming napalingon sa pinto ng may marinig kaming nagsalita.
"Come in. Do'n tayo magusap sa office ko," Inayus ni daddy ang buhok niya at ngumiti na humarap sa amin ni mommy.
"Good evening po Mrs. Craige," bati ng secretary ni daddy bilang paggalang.
"Hon, princess, kakausapin ko lang ang secretary ko." paalam nito at humalik sa noo ni mommy gano'n din sa akin bago umakyat ng hagdan kasunod ang secretary nito.
"Nakakatakot 'yung secretary ni daddy no? Mommy," anang ko habang nakatingin sa babaeng kasunod ni daddy.
Napakaseryo ng mukha nito habang nakasuot ng pormal na damit habang may dalang papeles.
"Hay na 'ko baby, mabuti pa maghanda ka nalang ng juice at cookie's na ginawa mo kanina sa office ng daddy mo at ako ay magluluto ng dinner natin," agad akong tumango at sumunod kay mommy sa kusina.
Pagkatapos kong magtimpla ng juice at ihanda ang cookie's ay dinala ko na ito habang nakalagay sa tray.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng office ni daddy ay binitawan ko ang isang kamay na nakahawak sa tray para kumatok pero bago ako makakatok sa pinto ay narinig ko ang sigaw ni daddy sa loob.
"Hindi ako makakapayag! Hindi pa 'ko nasisiraan ng ulo para gawin ang gusto niya!" napalunok ako at dahan-dahang nilapat ang tainga sa pinto.
Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang narinig so daddy na sumigaw ng gano'n kalakas at kahit na hindi ko siya kita ay alam kong nanggagalaiti na ito sa galit.
"Pero Mr.Craige wala nang ibang paraa-"
"Tumahimik ka! Hindi mo alam ang sinasabi mo!" putol ni daddy sa secretary nito.
"I'm sorry sir, 'yon lang po ang paraan para hindi tuluyang bumagsak ang kompanya at ang lahat ng negosyo niyo,"
"Hindi importante sa akin ang pera! Mahalaga sa akin ang anak ko at hindi ako papayag na ikasal ang anak ko sa taong hindi niya mahal! Napakabata pa ni princess para sa ganiyang bagay!"
Muntikan ko ng mabitawan ang tray na hawak ko pero maagap ako kaya agad ko itong nasangga at hindi nakagawa ng kahit na anong uri ng ingay.
"Pa'no si Ms.Aeliyah sir? Ano nalang ang magiging kinabukasan niya? Hahayaan mo po ba siyang magtrabaho para lang maikayod ang kaniyang sarili at kahit na kumayod pa siya ng kumayod ng pera ay hindi parin sapat para mabayaran ang utang ng inyong kompanya, alam ko po na wala akong karapatan na makealam pero bilang secretary ay may karapatan po akong sabihin kong ano ang nararapat," mahabang lintaya ng secretary nito.
"Sabihin mo kay Groge na pumayag na 'ko sa kasunduan,"
Nabitawan ko ang tray na hawak ko pero hindi ko ito inalintana at agad na tumakbo paalis.
"Princess!"
Someone's POV
"Boss! Hindi parin niya sinasabi ang impormasyon na kaylangan natin," that's why I heard slamming the door behind me.
"Let me handle this," he nodded and went out.
"Why can't you tell us the information that we needed?" I ask this man in front of me and calmly as I seat on the chair without looking at her.
"Your wasting my time," I said while holding my jaw with my teeth clenched.
"How about I traced your tattoo so that it will more beautiful," I said and punctured the knife in his arm.
"Arhg!" he scream in pain.
I really love it when I see people scream in pain. It's give pleasure to my ears.
"How about we draw something on the other arm of your's?" I asked him while smiling evilly.
"G-Ginawa ko lang po 'yon para maging ligtas ang pamilya ko," he said while pleading.
"Really?" I took the gun i held and shot the man in front of me.
"Boss! Saan ka pupunta?" I just keep walking and ignore him.
Aeliyah Craige POV
"Princess kausapin mo 'ko," yumuko at pinahid ang butil ng luha ko sa pisngi.
"Lumabas na po muna kayo. Kailangan kong magpahinga," utus ko at mabigat ang mga paa na umupo sa kama.
"Para rin ito sa kapakanan mo, alam mo ba 'yon?" napatawa ako ng mapakla at diritso ang mga mata na tumingin kay daddy.
"Ano po ba ang hindi mo maintindihan? A-Ayaw kong magpakasal," sabi ko at hindi napigilan ang pagpiyok dahil sa pagpigil ng emosiyon na gusto kong ilabas.
"Sa tingin mo ba gusto ko-"
"Baby magpahinga ka na muna. Kakausapin ko lang ang daddy mo,"
Pareho kaming napalingon sa pinto ng pumasok si mommy at nagsalita.
"Wala na tayong dapat pagusapan, buo na ang disisyon ko sa ayaw niya man o sa hindi magpapakasal siya bukas na bukas," desididong sabi ni daddy bago umayus ng tayo.
"Nahihibang ka na ba Clifton?!" hindi ni mommy napigilan ang sumigaw at diritso sa mga mata na tumingin kay daddy pero agad din itong umiwas.
"Bukas pupunta dito ang makeup artist para ayusan ka, nakausap ko na si Groge at ang anak niya kaya wala ka nang dapat ipagalala," agad akong tumayo at lakas loob na nagsalita.
"Bakit gano'n lang sa 'yo kadali ang lahat? Ni hindi mo lang po ako tinanong kong okay lang ba sa akin!" tanong ko at hindi napigilan ang sumigaw.
"Sa tingin mo ba princess ginusto ko ang lahat ng nangyayari?! Hah?!" agad na pinigilan ni mommy sa braso si daddy na lumapit sa akin.
"Oo! Dahil kayang-kaya naman nating kumayod ng pera sa malinis na paraa-"
Naputol ang sasabihin ko ng isang malakas na sampal ang natamo ko sa kanang pisngi dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"Wala kang galang! Lahat ng bagay na gusto mo binibigay namin ng mommy mo! Tapos ngayon ito ang igaganti mo sa amin!" napahikbi ako at yinakap ang sariling tuhod habang ramdam parin ang sakit na natamo ko sa kanang pisngi.
"Clifton tama na!" sigaw ni mommy kasabay ng mabilis na yapak na papalapit sa akin.
"'Wag mo nang kunsintihin ang anak mo! Hindi sa lahat ng oras nandito tayo sa tabi niya kaya kailangan niyang matuto at tumayo sa sariling paa!" sigaw ni daddy bago 'ko marinig ang malakas na pagsara ng pinto.
"Shhhh... b-baby 'wag ka na umiyak."
Pagalo sa akin ni mommy habang hinahagod sa likod pero kahit ito ay ramdam ko na umiiyak.
"M-Mommy," tanging na sabi ko bago ito mahigpit na yinakap habang humihikbi.
KINABUKASAN
"Wow! Ang ganda mo pala kaya kahit light makeup lang ay okay na," biro ng isang sikat na makeup artist habang nilalagyan ng foundation ang mukha ko.
"Gurl alam mo kanina pa kita nakikitang malungkot diyan, diba dapat maging masaya ka dahil ito ang especial na mangyayari sa buhay mo?" anang ng isang gay makeup artist na nagaayus ng buhok ko.
Lumipas ang isang oras ay natapos na sila sa pagaayus sa akin na hindi ako nagsasalita. Pakiramdam ko ay matutuyuan na 'ko ng laway dahil nanatiling tikom ang bibig ko mula pa kanina ng dumating sila dito sa bahay.
"Isuot mo na ang gown. Sabihin mo nalang sa amin kong tapos ka," tumango ako at kinuha ang gown nang makalabas sila.
Napakaganda ng gown at kahit na sinong babaeng magsusuot nito ay matutuwa dahil sa ganda at puno ng makikintab na alahas na halatang million ang halaga.
Tumingin ako sa reflection ng salamin habang hawak ang gown. Parang panaginip lang ang lahat at kong panaginip nga ito ay gusto ko ng magising.
"Gurl tapos ka na ba? Kailangan mo ba ng tulong?" narinig kong tanong ng isang makeup artist sa tapat ng pinto.
"Kaya ko ang sarili ko," walang emosiyon kong sagot at sinuot ang gown.
Ayaw ko mang gawin ay wala akong magagawa at sa oras na matali ako sa lalakeng papakasalan ko ngayon ay 'yon na rin ang simula ng pagkadilim ng mundo ko na kahit kelan ay hindi na muling mag kakaroon ng liwanag.
"Okay na, pumasok na kayo." utos ko habang nakaupo sa kama.
"Kyahhhh!" tinakpan ko ang dalawang tainga ko dahil sa lakas ng palirit ng dalawang bakla na pumasok.
"Gurl kong hindi lang ako bakla kanina pa kita niligawan, miss pwede ba kitang ligawan?" anang nito at nag boses lalake.
Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa sinabi nito dahil para itong hindi bakla kong kumilos at magsalita.
"Ayan mas bagay sa 'yo nakangiti lalo kang gumaganda hindi 'yung nakasimangot para kang pinagbagsakan ng langit at lupa," saad ng isang baklang makeup artist.
"Tapos niyo na ba siyang ayusan?"
Seryoso ang mukha at boses na tanong ni daddy nang makalapit sa amin habang nakasuot ng black suit.
"Opo Mr. Craige,"
"Opo Mr. Craige," sabay na sabi ng dalawa at umalis.
"Let's go princess." pagaya ni daddy at inabot ang kamay sa akin.
"Kaya ko po maglakad magisa," tanggi ko at hinawakan ang gown at naglakad palabas ng silid.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nangyari kagabi. Sa unang pagkakataon ay napagbuhatan niya ako ng kamay.
"Hon let's go. Kanina pa nagiintay ang sasakyan sa labas," pagaya nito kay mommy at inabot ang kamay dito pero katulad ng ginawa ko ay tumanggi ito.
Tahimik lang kaming naglalakad habang si mommy ay inalalayan akong maglakad.
Nang makarating kami sa sasakyan ay naunang pumasok si mommy at ako habang si daddy ay nasa tabi ko. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang si mommy ay mahigpit na hawak ang kamay ko na para bang gusto akong pigilan pero kong ako ang masusunod ay hindi ako mag dadalawang isip na gawin 'yon.
Nang makarating kami sa tapat ng simbahan ay naunag bumaba si daddy at pinagbukasan kami ng pinto bago inalalayan na bumaba at pumunta sa tapat ng malaking simbahan habang hinihintay na mag bukas.
"Iwanan niyo po muna ako dito magisa,"
Pakiusap ko habang malayo ang tingin.
"Hindi ka namin pwedeng iwanan dito princess, ka-"
"Kong gusto niyo po matuloy ang kasal iwanan niyo 'ko dito, 'wag po kayong magalala hindi ako tatakas," anang ko na agad naman nilang ginawa at naunang pumasok sa loob ng simbahan.
Maya-maya pa ay bumukas ang malaking pinto ng simbahan kasabay ng romantic na background music. Gusto ko sanang matawa dahil doon. Ni hindi ko nga kilala kong sino ang lalakeng papakasalan ko.
Nag simula akong maglakad sa red carpet at katulad ng inaasahan ko ay ako ang sentro ng lahat.
Tumingin ako sa lalakeng papakasalan ko. Gwapo ito pero hindi ito ang lalakeng pinapangarap ko. Binaling ko ang tingin kay mommy at daddy na hindi maikakaila ang lungkot sa mga mata nito. Tama ba na magpatali ako sa lalakeng hindi ko mahal?
Tumigil ako sa paglalakad at pinahid ang luha sa pisngi na hindi ko na namalayang bumagsak. Hindi dahil sa kasiyahan na nararamdaman kong hindi dahil sa bighati at takot na nararamdaman oras na magpakasal ako sa lalakeng kasalukuyang nasa tapat ng altar.
"I-I'm sorry," nauutal na paumanhin ko bago inalis ang heel's na suot at tumakbo palabas.
"Princess!" sigaw ni daddy gano'n din ang ilang bisita na nagtataka.
Hinawakan ko ang gown na suot at mabilis na tumakbo hanggang sa makalabas ako ng simbahan.
Luminga-linga ako sa paligid bago muling tumakbo pero napatigil ako ng makarinig ako ng isang malamig na boses ng lalake.
"Stay there." utus nito bago ko narinig ang yapak nito papalapit sa akin pero bago pa 'ko makalingon ay bigla itong may tinakip na panyo sa bibig ko at nakaramdam ng hilo.
"You're mine now," anang nito pero bago pa 'ko mawalan ng malay ay isang malambot na bagay ang naramdaman ko sa labi.