ERINA NAPATIGIL ako dahil sa tanong niya sa akin, nararamdaman ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa tanong niyang iyon, hindi ko ine-expect na bigla niyang tatanungin ang bagay na iyon. He caught me off guarded. “Just kidding,” bigla niyang ngiti. Nawala naman ang momentum ng nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Bwisit itong lalaking ito, talaga bang paglaruan yung damdamin ko? “Ikaw talagang bata ka, kaya walang nagtatangkang maging boyfriend ka eh,” sambit nito sa kaniya. “Alam mo, mamaya merong kainan doon sa amin, buti na lang andito ka bakit hindi ka sumama. Si Vienne andito,” sambit ng matanda. Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Vienne, sino iyon? “Really? She’s here na? I though pumunta siya ng Davao?” tanong ni Atticus sa matanda. “Huh? Ang tagal na non, boss talag

