ERINA HABANG nasa pangpang ako at pinagmamasdan lang ang pag-agos ng tubig sa paa ko. Nagulat naman ako nang biglang may paa akong nakita sa tabi ko kaya agad kong itinaas ang ulo ko upang makita ko kung sino iyon. Napatigil ako nang makita ko si Atticus na nakatayo doon. “Oh andito ka, kanina nandoon ka kausap si Duke ah?” tanong ko sa kaniya. Napangiti naman siya sa akin sabay hawak sa kamay ko na siyang pinagtaka ko. “Gusto mong umalis? Libutin natin yung hindi pa natin nakikita dito sa Batanes,” sambit niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya sa akin. “Meron din naman akong bahay bakasyunan na binili ko dito, hindi naman nila alam iyon eh, I want to stay there for a while.” Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. Alam ko naman kung bakit gusto niya doon eh.

