ERINA “Is there a chance, that you can love me?” NAGISING ako sa pagkakatulog matapos ang mahabang gabing iyon, napatingin ako sa tabi ko at nakita ko na wala na doon si Atticus. Kahit na wala siya doon, amoy na amoy ko pa din ang amoy niya sa kama ko. Hindi ko alam kung matatanggal ba ito dito, pero dama ko ang kagaanan ng loob ko sa tuwing naamoy ko iyon. Pero patuloy pa din na tumatakbo sa isip ko ang sinabi niya kagabi, talaga bang sinabi niya iyon? Para din akong tanga na ang tagal din mabawi ang sarili ko dahil sa bagay na iyon. Hindi ko alam kung totoo ba na sinabi iyon pero hindi ko naman sinagot ang bagay na iyon, kasi paano ko masasagot kung hindi pati sa sarili ko hindi ko alam ang sagot. Napahinga ako nang malalim sabay napabangon sa aking higaan. Ala-sais pa lang naman

