ERINA NAKARATING na kaming dalawa ni Atticus sa bahay nila Duke, grabe hindi ko expected na ganito kalaki yung bahay nila Duke. Parang pwede ng tirahan ng madaming tao dito eh. “God, ano’ng suot ba yan Atticus?” tanong ni Duke ng buksan ang gate. Nakasuot lang naman kasi siya ng puting hoodie na manipis tapos jeans at sunglass. Simple lang pero ang lakas pa din ng dating niya. Actually, yung hoodie na iyon akin iyon eh, ewan ko sa lalaking ito kung bakit hiniram, buti na lang malaki sa akin so kapag sinuot niya tama lang sa kaniya and wala ding print so pwedeng panlalaki at pambabae. “Wala akong maisip na suot, puro t-shirt and sando na lang yung nandjan so nanghiram na lang ako kay Erina,” sambit niya dito. Napatawa naman si Duke sabay napailing-iling dahil sa sinabi nito. “Iba d

