ERINA
HINDI na mahirap sa akin ang sinasabi niya dahil matagal na din ako sa app na ito, katulad nga ng sinabi ko na ito ang tumulong kay Lola. Pero kung tutuusin, madami pa pala akong hindi alam. While doing some research mas lalo kong naiintindihan how application works.
Isa pa sa pinagtataka ko ay ang location kung saan ang system niya. Like akala ko sa ibang bansa siya, it’s only here in the Philippines at Pilipino din ang gumawa ng application. To think na madaming gumagamit ng app na ito and ginagawa ang bagay na ginagawa ko.
Pero mas lalo akong na-curious dahil sa nabasa kong Sanctuary Island, where lahat ng gumagamit ng app especially ang mga streamers ay may chance na ma-invite sa Sanctuary Island. Kaya kahit hindi na sakop ng data na-curious ako sa island na sinasabi sa application.
Isa siyang island na kung saan pagmamay-ari ng Del Valle, which kamag-anak ni Sir Atticus, kaya mas lalo akong naku-curious sa mga bagay-bagay. Sabi dito na sila ang may ari ng Island but nawala sa kamay nila iyon limang taon na ang nakakalipas at napunta sa kamay ng Silvester.
Where this Island showcases the beauty at ang malayong pamumuhay sa syudad. Dahil you can go here to experience the fun of life. Pero ano’ng ibig sabihin no’n? Isa pa this island only admits adults, dahilan para mas lalo akong ma-curious doon that there is something sa island na iyon.
MATAPOS ang research and insights ko binigay ko na kay Sir Atticus ang papers but as usual wala siya ngayong gabi dahil sa date niya. Medjo madilim na din at ito na naman ako nag-over time na naman. Kulang na lang talaga ako na din ang maging guard dahil minsan hindi ko na alam kung ano pa ba ang trabaho ko dito.
Habang nag-aayos na ng gamit ko bigla namang tumunog ang cellphone ko dahilan upang mapatingin ako doon.
Umupo muna ako sa upuan at sinagot ang tawag mula sa cellphone ko.
“Hello La, napatawag ka?” tanong ko sa kaniya.
[“Ay aba syempre nami-miss kita, masama na ba ngayon tumawag?”] napatawa naman ako dahil sa pamimilosopo niya.
“La naman eh, nagtatanong lang naman ako. Kumusta pala kayo, okay naman ba yung kalagayan ninyo? Yung pera na pinadala ko last month natanggap ninyo ba? Don’t worry makakasahod na ako by next week, magpapadala ulit ako,” sambit ko sa kaniya.
[“Hay nako Erina, okay lang ako dito. Isa pa pwede ka namang hindi magpadala muna. Ang lalaki mo magpadala, kada two weeks ka pa kung magpadala. Natatambak lang dito. Isipin mo yung sarili mo baka naman mamaya hindi mo na tinitirahan yung sarili mo jan?”] sambit niya sa akin.
“La, okay lang ako dito, besides para din naman iyan sa maintenance ninyo at sa check-ups okay na iyan.”
[“Eh kailan ka ba uuwi dito? Si Rafael, tanong nang tanong sa akin tungkol sa ‘yo.”] napatawa naman ako dahil sa sinabi niya.
“Hayaan mo siya La, may trabaho ako dito hindi naman ako pwedeng umalis na lang basta-basta eh,” sambit ko.
[“Hay nako Erina, tumatanda ka na, ano wala ba talaga?”] tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko na may kasamang ngiti dahil alam ko kung ano ang kaniyang sinasabi mo.
“Ano’ng wala?” tanong ko sa kaniya.
[“Wala ka bang plano mag-asawa. Tumatanda na ako, gusto ko naman makita yung apo ko sa ‘yo,”] napatawa naman ako dahil sa sinabi niya.
“La naman, nakaka-pressure naman kayo, jowa nga walang nagtatangka asawa pa agad ang gusto,” natatawa kong sabi sa kaniya.
[“Eh paano ka magkakaroon ng asawa niyan kung lagi kang nakatutok sa trabaho mo. Hulaan ko, nasa trabaho ka pa din ngayon ‘no?”] tanong niya. Napahinga naman ako nang malalim sabay napangiti.
“Nako La pauwi na dina ko, masyado ka naman. Need ko lang mag-overtime dahil meron akong inasikaso pa. May inutos kasi yung boss ko,” sambit ko sa kaniya.
[“Buti pa sa boss mo may attensyon ka dito kay Rafael, wala.”] Napahagalpak naman ako nang tawa dahil sa sinabi niya.
“Seryoso ba La, si Rafael talaga yung pag-uusapan natin ngayon? Ang sabi ko nga sa kaniya wala akong plano pa ngayon. Kung gusto niya, manligaw ng iba kasi ako gusto ko munang mag-isa. Enough na muna yung ganyan, need ko muna magpayaman,” sambit ko sa kaniya.
[“Hay nako, malapit ka na mag-trenta, gusto ko naman magkaroon ng apo para naman hindi n akita kulitin,”] sambit ko sa kaniya.
“Ay gusto mo ba talaga, pwede naman na akong maghanap ng lalaki dito at magpabuntis para bongga na, ay ganito pupunta na lang ako sa bar tapos hahanap ako ng gwapong lalaki yung matanggad, matangos ilong, trip ko din yung moreno eh, tapos ang ganda ng hubog ng katawan. Oh diba ‘pag nakahanap ako no’n doon, kahit hindi ko kilala magpapakama agad ako ng mabuntis ako, bet?” pagbibiro ko sa kaniya.
[“Hay nako puro ka biro, malamang alam mo naman ang ibig kong sabihin. Hindi lang anak, dapat lalaki na din na aalagaan ka yung magmamahal sa ‘yo para kapag nawala ako meron susuporta sa ‘yo,”] bigla naman akong nalungkot dahil sa sinabi niya.
“La naman ayan na naman tayo sa ganyan niya oh,” sambit ko.
[“Hay nako Erina, hindi na ako bumabata at doon din naman talaga tayo papunta lahat. Hindi ko naman sinasabi na ngayon ako mawawala, pero sa mga susunod na taon. Paano ka? Tatanggapin ka ba ng Nanay at Tatay mo eh ni hindi ka nga nila magawang kunin sa akin nung bata ka pa?”] sambit niya sa akin. Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya. Medjo nakaramdam ako ng kalungkutan dahil doon.
“La naman, need pa ba natin ungkatin iyon? Masaya naman tayong dalawa ah, besides madami-dami na din ipon ko. Pwede na akong magtayo soon ng small business natin tapos bahay,” sambit ko.
[“Hay nako Erina, isipin mo din ang sarili mo. Makita ko lang na ayos ka okay na din ako. Huwag mong hintayin na pupunta na lang ako sa kabilang buhay eh hindi pa din ayos yung buhay mo.”]
“Kaya ayaw kiyang kausap La eh puro ka ganyan. Sige na La, bitawan na natin yung topic na ‘yan. Basta magsabi ka sa akin kung may kailangan ka, kung pera man kaya kong ipadala agad okay?” sambit.
[“Sige na apo, ingatan ang sarili.”] Binaba na niya ang tawag. Napahinga na lang ako nang malalim sabay tinanggal ang suot kong salamin sabay napatingala sa kisame.
Minsan din iniisip ko kung tama pa ba yung ginagawa ko sa buhay ko eh. Hindi ko na alam kung makakahanap pa baa ko ng lalaki na aalaga sa akin at susuportahan ako. Parang nag-iba yung pananaw ko sa kanila simula nung gumawa ako ng livestream. I feel like ang gusto lang nila eh katawan ng babae para maibsan ang libog na nararamdaman nila. Hindi ko naman nilalahat, pero ang hirap din alamin kung sino ba sa kanila yung pinaka-genuine.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan para umuwi na, nang magulat ako nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok sa loob si Sir Atticus suot ang duguan niyang damit.
Nagkatinginan lang kaming dalawa, kita ko sa kaniya ang gulat sa mga mata niya, pero sa nakikita ko ngayon, ibang Atticus ang nasa harapan ko. Hindi pangkaraniwang na Atticus na nakikita ko sa trabaho na nagsusungit sa empleyado dahil hindi niya nagustuhan ang mga gawa nito.
Ang nakikita ko ngayon ay isang madilim na pagkatao na punong-puno ng mabigat na aura, yung aura pa lang na alam mong kakatakutan mo na. Yung aura na, hindi pangkaraniwang at yung tingin niya ay sobrang talas kulang na lang ay mapatay ka noon.
“Erina, ano pang ginagawa mo dito?” seryoso niyang sabi. Napahinga naman ako nang malalim sabay napangiti.
“Uhm nag-overtime po ako kasi tinapos ko din po yung sinasabi ninyo sa akin kanina,” sambit ko sa kaniya. Lumapit naman ako sa kaniya at kita ko ang tilamsik ng dugo sa mukha niya.
“Ayos lang po ba kayo sir Atticus? Mukhang duguan kayo,” sambit ko sa kaniya. Napaiwas naman siya ng tingin sabay tinignan ang damit niya na puro tilamsik ng dugo.
“Ayos lang ako, sige na umuwi ka na,” seryoso niyang sabi. Agad naman niya akong nilagpasan ng lakad sabay tumungo sa table niya.
“Sir, pwede ko naman po kayong dalhin sa ospi—”
“I said go Erina,” sambit niya sa pinakamababang boses dahilan upang tumindig ang balahibo ko dahil sa takot.
“Y-yes Sir aalis na po,” sambit ko. Agad kong kinuha ang gamit ko at inisip nang umalis. Hindi ko na nagawa pang tumigin sa kaniya muli kahit na dama ko ang kaniyang pagtitig sa akin. Sa buong buhay ko na kasama ko si Sir Atticus ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot sa kaniya.
Yung feeling ng something dark as night yung aura niya. Isama pa ang mga dugo na nababalot sa kaniya dahilan para mas bumigat ang pakiramdam ko sa kaniya.
It feels like meron siyang tinatago, pero hindi ko alam kung ano. At kung ano man ang tinatago niya. Parang ayaw ko ng alamin pa.