ATTICUS
“Woah!! This is the best day of our life dude!” sigaw niya sa akin. Napailing-iling na lang ako habang umiinom ng alak. Seriously, bakit ba lagi niyang gustong uminom ng alak kung in the end ganito rin naman.
“Enough with the sh*t Justin, nakakahiya ka na, madaming nakakakita sa atin oh,” inis na sabi ko.
“Why dude? Hindi na tayo bata, let’s enjoy the moment besides, this is my treat, minsan na nga lang tayo magkitang magpipinsan tapos hindi ka pa nakikisama sa ganap.”
“Hayaan mo na siya Atticus, he’s right, enjoy the moment dude, bakit pa tayo nag-bar kung bawal naman pala tayong magsaya. Besides, nakahain na sa harapan natin yung mga putahe o, pipili ka na lang ng gusto mo,” sambit niya habang nakatingin sa mga babae na nasa harapan namin.
“Really, you really called them a food? They don’t seem appetizing. Alamin, mo naman yung hilig mo hindi yung ganito. Really lowering your standard just for those girls showing their boobs in front of you?”
“Wow Atticus, come on, minsan lang ito oh. Anjan na sila sa harapan mo titirahin mo na lang, bakit hindi ka pa pumili. Si Justin makaka dami na ikaw wala pa din.” natatawang sabi ni Duke sa akin.
“Dahil wala akong type sa kanila. Even I want to f*ck them hard. Hindi ko makita yung point kung bakit ko gagawin ang bagay na iyon. Dahil kahit katawan ko aayawan sila,” sambit ko. Napailing-iling na lang siya dahil sa sinabi ko.
“Wow, goodluck for that, mukhang sa tally nating tatlo ikaw ang kulelat, dahil ba mas gusto mong madugong laban kesa sa bumayo sa kama?” natatawang sabi niya.
“No dude, he wants to f*ck hard until blood flashes to his body,” lasing na sabi ni Justin.
“F*ck dude, you’re so drunk, itigil mo na nga ‘yan,” sambit ni Duke.
“Okay, okay. Pakisabi kay Dad na bukas na ako uuwi ah, I need to release this heat. Good night boys, this man in front of you will have a flight tonight. May kailangan pa akong dalhin sa langit eh, see you.” Agad naman siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan sabay may hinatak na lang na babae kung saan at umalis ng bar.
“Wow, hindi na ako magtataka one day magkaroon ng anak ‘yan dahil nakabuntis ang g*go,” sambit ni Duke.
“Another Del Valle, wow isa na namang sakit sa ulo.”
“Damn dude, ano wala pa din talaga? Mukhang nilamon ka na talaga ng trabaho mo ah.”
“Why? Kailangan ko pa bang isipin yung mga bagay na iyon kung meron din akong malaking trabaho na kailangang gawin?” tanong ko sa kaniya. Napatigil naman siya sa kaniyang pagngiti sabay biglang naging seryoso.
“Speaking of that, wala pa ding bang nangyayari? Isang taon ng na sa Silvestro ang isla,” sambit niya sa akin. Napahinga naman ako sabay napahawak sa aking noo.
“Wala pa din, mahirap pumasok sa isla, kaya kailangan pang unahin yung mga sangay nila dito sa labas para lang maisip kung paano pumasok doon.”
“Yeah, I know, but Atticus hindi mo naman need gawin din yung mga bagay na iyon. Tito Tanner, can handle it remember?” sambit niya sa akin.
“Masamang tao na ba ako sa paningin mo Duke?” tanong niya sa akin.
“Why, did you ask it? Pinsan kita dude, overwhelmed lang nung nalaman kong isa ka sa mga mafia na na-encounter ko noon. Hindi ko maisip na yung isang katulad mo na tahimik lang noon eh gumagawa na ng move ngayon to kill someone,” sambit niya sa akin. Napainom naman ako sabay napasandal nang maayos sa upuan.
“Hindi ka ba natatakot na ikaw naman yung habulin nila soon?” tanong niya sa akin. “Wala lang, masyadong delikado yung pinasok mo. Paano kung nakabangga mo na din yung kasing lakas mo na kaya kang ipapatay?” tanong niya sa akin.
“Baka una ko na siyang napugutan ng ulo bago niya pa ako mapatay. I will not allow someone to kill me na hindi nahirapan. Wala pang taong nakakagawa no’n sa akin,” sambit ko sa kaniya.
“Ayaw mo bang tumigil jan sa ginagawa mo?” tanong niya sa akin.
“Why would I? I found the pleasure that I’m looking for here, seeing someone die in front of me make me happy.”
“Dude, easy nakakatakot ka na,” sambit niya sa akin.
“Hihinto lang ako kung gugustuhin ko at kung may magkakayang sumubok akong pahintuin. Besides, isa ito sa pinaka madaling paraan para makapasok sa Sanctuary Island ni Tito Tanner na ngayon ay madaming pinagbago. Prostituting, Illegal gambling, illegal drugs, and such mga bagay na sanay ako,” seryoso akong sabi sa kaniya. Binaba ko ang baso sa lamesa sabay napatayo sa aking pagkakaupo.
“Asaan ka pupunta?” tanong niya sa akin.
“I have things to do, balitaan mo na lang ako kung ano’ng nangyari kay Justin,” sambit ko sa kaniya. Agad na akong naglakad palabas ng bar at nagmadali na pumunta sa basement kung saan doon nakatago ang isa sa mga tauhan ni John Silvestro.
“Boss, andito ka na pala,” sambit niya sa akin.
“Nagsalita na ba siya?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi pa din boss,” sambit niya sa akin. Naramdaman kong kumulo ang dugo ko dahil sa sobrang inis at galit kaya agad kong kinuha ang baril sa lamesa sabay ikinasa ito at itinutok sa kaniya.
“Hindi ka magsasalita?” inis kong sabi. Nakita ko naman na biglang nanlaki ang mata niya dahil sa gulat sa akin.
“A-Atticus,” kinakabagan niyang sabi. Lumapit ako sa kaniya sabay sabay hinatak ang kaniyang ulo palikod at itinutok sa leeg niya ang baril.
“Alam mong isang putok ko lang nito mamatay ka kaagad hindi ba?” inis kong sabi sa kaniya.
“A-ano pa ba ang kailangan ninyong malaman, sinabi ko na sa inyo kung paano pumasok sa loob, a-at t-tsaka g-gumawa n-na din ako n-ng pa-paraan p-para makapasok ka sa loob. Pinadala ko sa opisina mo,” sambit niya. Napatigil ako dahil sa sinabi niya.
“Ano’ng sabi mo?” seryoso kong tanong.
“Hindi ba sinabi ko na merong invitation ang isla. Hindi ka basta-basta makakapasok sa loob. Pero pinagawan na kita ng invitation kaya makakapasok ka doon,” sambit niya sa akin. Napahinga ako nang malalim sabay hinatak pa ang kaniyang ulo at mas idiniin ang baril sa kaniyang leeg dahilan upang makita ko siyang mas matakot.
“P-parang a-awa mo na A-Atticus, pakawalan mo ako h-hindi kita isusumbong kay boss,” sambit niya sa akin. Bigla namang nawala ang aking pagkainis dahil sa sinabi niya.
“Talaga, hindi mo ako isusumbong?” tanong ko sa kaniya.
“Oo, seryoso ako, hindi ko sasabihin ang mga plano mo. Maniwala ka sa akin,” sambit niya sa akin. Dahan-dahan kong pinakawalan ang pagkakahawak ko sa kaniyang buhok at inilayo ang baril sa leeg niya. “Maniwala ka sa akin Atticus, pakawalan mo lang ako mas mapapadali ang pagpasok ninyo ni sir Justin sa loob ng Island. Ituturo ko sa inyo yung mga lugar kung saan andoon sila boss, para mas madali niyong ma-corner si boss at makuha agad ang gusto ninyo.”
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. “This is great,” sambit ko sa kaniya. Wala ng iba pang iniisip ay kinalas ko ang tali sa kaniya upang pakawalan siya.
“Seryoso ka Atticus, pinapakawalan mo na ako?” tanong niya sa akin. Napatayo naman ako nang maayos sabay napangiti sa kaniya at napatango-tango. Agad naman siyang lumapit sa akin sabay niyakap ako ng mahigpit.
“Salamat, salamat boss, utang ko sa ‘yo yung buhay ko. Hindi ko sasayangin ito, tutulungan kita makapasok doon,” sambit niya sa akin. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
“Talaga? Paano mo gagawin iyon, kung wala ka na?” sambit ko sa kaniya. Agad kong itinutok ang baril sa leeg niya sabay kinalabit ito dahilan upang matalsikan ako ng kaniyang dugo sa katawan ko. Ang ngiti ko ay unti-unting naglaho ng marinig kong may bumagsak sa likuran ko.
“Bago mo pa ako masaksak sa likod ko, sinisigurado kong nakaharap mo na agad si kamatayan.” Dahan-dahan namang lumuwag ang yakap niya at agad na bumulagta sa harapan ko.
Tumagas ang dugo sa sahig kasama na doon ang unti-unti niyang pagkawala ng buhay. Napatingin ako sa likod ko at hindi ako nagkamali na meron siyang hawak na kutsilyo na balak niyang isaksak sa akin.
“Ano pang ginagawa ninyo, ligpitin ninyo na ito. Itapon ninyo sa harapan ng hideout nila, ng malaman ni Silvestro na nalagasan na siya ng isang kampo niya.” Agad kong hinagis ang hawak kong baril at lumabas na sa basement na parang walang nangyari.
Sumakay ako sa sasakyan ko at walang ano-ano ay bumalik na sa opisina upang kunin ang sinasabi niyang inbitasyon.
Pagkabalik ko doon ay siyang aking pagkagulat nang makita ko na nadoon pa si Erina. Bakas sa kaniyang mukha ang takot dahil sa nakita ako nitong duguan. Kahit na gustuhin kong magpaliwanag sa kaniya, alam kong hindi niya ako maiintindihan. Kaya pinaalis ko na siya.
Binuksan ko ang drawer na ko at nakita ko doon ang invitation na binigay ng tauhan ni Silvestro. Dahil may magaganap na magarbong party sa isla, ito lang ang isa sa mga paraan para makapasok doon. Dahil meron kanya-kanyang tago ng pagkakalinlanlan ang mga tao doon, dahil magaganap ang isang malaking illegal gambling at halos lahat ng kilalang tao ay malamang pupunta doon. Maliban sa pamilya na sangay ng Del Valle.
Mahirap pasukin ang isla na iyon kung pangalan namin ang ginagamit namin, dahil alam ni Silvestro na kung may kapasok sa kampo ng Del Valle, siguradong mabibisto ang kaniyang ginagawa doon.
Montes, Lee, Canlas, Del Monte, Sta Maria. Mga apelyido na kunektado sa Del Valle. Simula ng mapasakamay ng Silvestro ang isla doon na kami na-banned at nahirapan pumasok doon dahil sa takot nilang kunin muli ng Del Valle sa kanila ang isla.
Alam kong malaking talo kay Tito Tanner ang isla, pero mas malala ang magiging bunga nito sa mga susunod na taon kung mas lalo pang lumago ito sa kamay ng Silvestro. Kaya habang maaga, dapat ng putulin ang kapangyarihan nila.
At kapag dumating ang araw na ito, wala akong aaksayahin na kahit ano. Sisiguraduhin kong paglabas ko ng isla, meron na akong alam kung paano ko makukuha iyon.