ATTICUS
HABANG nasa bahay nila Tito Tanner, nanatili lang ako sa labas at iniintay na dumating siya.
“Dude naman, ano’ng sinabi mo?” tanong ni Duke sa akin.
“Nakita ako ni Erina kagabi na puno’ng puno ng dugo,” sambit ko sa kaniya.
“Hello dude’s andito pala kayo ang aga ninyo naman?” biglang sabi ni Justine. Napitingin naman ako sa kaniya at agad kong napansin ang hickey sa leeg niya.
“Ano na naman kaya ang sasabihin ni Tito kapag nakita ‘yang hickey sa leeg mo?” tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang napahawak sa kaniyang leeg dahil sa sinabi ko.
“T*ngina, ang sabi ko sa kaniya ako lang pwede gumawa eh, gusto pa talaga magkaroon ng bakas sa ginawa namin kagabi,” inis niyang sabi. Napaupo na lang siya habang nakahawak sa kaniyang ulo. “T*ngina ang sakit ng ulo ko, hindi na talaga ako iinom ng ganon karami,” bigla niyang pagbabago ng topic.
Nagkatinginan naman kami ni Duke sabay napailing-iling.
“Hindi na ako maniniwala jan,” sambit ni Duke sa kaniya. “Ilang ganyan ka na pero ginagawa mo pa din. Tapos ayaw pa walang ka-f*ck after t*ngina,” sambit ni Duke.
“Syempre, prize iyon dahil successful na hindi ako nagsuka nung uminom ako,” natatawa niyang sabi.
“Bakit hindi mo gayahin si Mister Lover boy natin dito,” sambit niya sabay turo sa akin.
“What?” tanong ko sa kaniya.
“Erina ka na naman, si Erina na naman ang topic eh,” sambit ni Justin. Napahinga ako nang malalim sabay napailing-iling.
“Baliw, ayan ka na naman eh you bring it up again,” sambit ni Duke.
“Bakit, lover boy siya ‘di ba? Iyon yung meaning no’n kay Atticus?” sambit ni Justine. Napatawa naman si Duke sabay binatukan siya.
“Bobo mo talaga, alam mo maganda mong gawin, kapag tapos uminom umuwi ka na agad at magkape ng mahimasmasan ka naman. Ginagawa mo kasi puro ka iyot, kaya puro kalibugan na sa utak mo,” sambit ni Duke. “Laging may kinakama ang g*go eh.”
“At least masaya, eh ito?” sambit niya sabay turo sa akin. “Alam mo dude, patusin mo na si Erina sinasabi ko sa ‘yo maganda yung babaeng iyon, medjo hindi lang marunong manumit, pero tignan mo ayusan mo lang iyon ang ganda na no’n. Baka pagkaguluhan pa iyon sa office ninyo at ikaw na lang ang magseselos,” natatawang sabi ni Justine. “Hindi puro ka na lang busy sa pagiging CEO mo at the same time pagiging bloodnight mo.”
“Alam mo bago mo pakialamanan yung secretary ko, ayusin muna natin yung pagpunta sa Sanctuary Island. Did you get your invitation?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya ng seryoso sa akin dahil sa bigla kong tanong.
“Hindi ko alam, baka nakuha ni Tyrone kanina, but I’ll check it. Pero seryoso ka na ba?” tanong niya sa akin. “This is crazy dude, tandaan mo once lang tayo makakapasok doon, and walang kasiguraduhan kung makakalabas tayo doon. Si John Silvestro eh mahirap na kalaban, thinking kung bakit natalo si Dad sa kaniya at nawala yung Island sa amin.”
“I know, kaya nga sa buong gabing iyon dapat malaman na natin yung pasikot-sikot sa Island. Isa sa mga kailangan lang nating alamin ay kung paano natin mapupuntahan si Silvestro,” sambit ko sa kaniya.
“Well, hindi ko alam. Dad’s really make that Island only for fun, pero seryoso hindi ko pa nalilibot yung island. Sobrang laki no’n dude, at madaming pasikot-sikot. Kung titignan mo, madaming facilities doon at ang structure noon ay parang mountain papataas lahat, I’m not sure kung meron bang laman yung ilalim no’n eh,” sambit niya.
“For sure meron iyon, kaya nga meron silang lumalabas na mga applications and such para mas lalong lumaki yung kita nila. At matalino sila, hitting the most desire of all men, dahil alam nila sa simpleng ganonn lang kikita agad sila ng malaki,” sambit ni Duke.
“Saan sa Foreplay?” tanong ni Justine. “Well, yeah kahit ako, t*ngina napapatambay minsan doon eh, dude minsan hindi ko na lang iniisip na kalaban namin ang Silvestro kapag nanonood ako doon. T*ngina men yung mga b**bs ang lalaki,” sambit ni Justine.
“Pwede ba, Justine, ayusin muna natin ‘to,” seryoso kong sabi sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay napangiti.
“Teka nga lang hindi mo pa ba chine-check yung app na ‘yon? Feeling ko meron kang matitipuhan do’n. T*ngina dude ang gagaling nilang magpalabas. Like f*ck, kung andoon ako sa loob ng camera, t*ngina baka hindi na makalakad yung mga ‘yon.”
Agad naman siyang binatukan ni Duke dahil sa sinasabi niya. “Itigil mo ‘yan tigang na tigang ka na naman.”
“For sure Dad will be mad at me kung malaman niya na gumagastos ako sa k*nginang app na ‘yon para magbigay ng pera sa mga streamers doon. Pero sino ba naman hindi maghuhulog t*ngina. Patawarin ninyo ako Dad pero sumusunod lang naman ako sa utos ng kweba. Kung sinabi niyang pumasok, edi papasok ako, ganon lang kadali iyon,” pagbibiro ni Justine.
“Ewan ko sa ‘yo, pagkatapos ng babae mo kagabi meron ka na namang natitipuha.”
“Ano Justine, aayusin ba natin ‘to o hindi?” seryoso kong sabi ko sa kaniya. Bigla naman siyang napatigil sabay napatingin sa akin.
“Easy dude nakakatakot ka,” sambit niya. Napahinga na lang ako nang malalim sabay napailing-iling. “Pero sige, okay na pupunta na tayo doon, siguraduhin mo lang na makakalabas tayo Atticus, ayaw kong maging pulutan ng kampo ni Silvestro,” sambit niya sa akin.
“Parang hindi ka naman, takot mamatay,” sambit niya sa akin.
“T*ngina mo, hindi talaga kita sasamahan k*ngina mo. Huwag mo nga akong tinatakot ng ganyan Atticus!” sigaw niya. Napailing-iling na lang ako dahil sa sinasabi niya.
“Oo na, basta ayusin mo yung gagawin mo. Makakalabas tayo doon. Ang kailangan lang natin si John Silvestro pagkatapos noon, kung magkaharap man tayo, doon na lang natin isipin kung ano ang gagawin.” Napatango-tango naman siya bilang sagot.
Maya-maya ay biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at sinagot.
“Hello, Erina?”
[“Hello sir, dumating na po si Ms. Giselle para po sa fitting and shooting niya para sa advertisement ng brand,”] sambit niya sa akin.
“Okay sige, meron pa akong meeting need ko pa itong tapusin,” sambit ko sa kaniya.
[“Okay sir, sorry kung na-interrupt ko kayo, gusto kasi ni Ms. Giselle na malaman na nandito na siya.”]
“Okay then tell to her na pupunta na din ako,” sambit ko sabay baba ng cellphone.
“Grabe naman dude, kapag si Erina iiwan na agad tayo. Bonding naman tayo,” sambit ni Justine sa akin.
“Bonding? Ginawa naman natin kahapon ah, busy ka lang sa mga babae mo kahapon,” sambit ko sa kaniya.
“Morning bonding, problema kasi sa ‘yo eh kapag Erina na usapan tatalikuran mo na agad kami. Ganon ba talaga kapag limang taon mo ng secretary?” tanong niya sa akin. “Iba din si Erina ‘no natagalan yung ugali mo,” natatawa niyang sabi.
“Pero come to think of it, dude, ayaw mo ba talaga kay Erina?”
“Bakit naman napunta sa ganyang tanungan? Hindi ba pwedeng trabaho lang yung sa aming dalawa? Besides I need to go dahil andoon na si Giselle,” sambit ko.
“Sakto andoon si Giselle, patulong mo na lang kay Giselle na mag-ayos si Erina, nako dude sa ganda ni Giselle for sure matutulungan ka no’n para gawin din maganda si Erina.” Agad namang binatukan ni Duke si Justine.
“Aray t*ngina nakakadami ka na ah, ano bang problema mo.”
“Pinagpapantasyahan mo ata yung kapatid ko eh, t*ngina nito oh, aysin mo nga buhay mo, dahil sa katigangan mo pati yung pinsan mo papatusin mo na,” sambit ni Duke.
“T*ngina Duke, ayusin mo nga utak mo. Jeez, hindi tayo aabot sa ganyan ‘no. Besides, I complimented her, dahil yung genes na dumadaloy sa kaniya eh genes din na dumadaloy sa akin, pati sa inyo. I’m just appreciating our genes you know,” sambit ni Justine.
“Alam ninyo kung wala na kayong matinong sasabihin aalis na ako,” sambit ko sa kanila. “Justine, pag-usapan na lang natin sa susunod na araw.” Agad na akong umalis dahil kailangan na ako sa opisina.
PAGDATING ko doon, agad na sinalubong ako ni Giselle.
“Atticus, saan ka ba galing?” tanong niya sa akin.
“Sa bahay nila Justine, andoon din yung Kuya mo ah,” sambit ko sa kaniya.
“Really? Hindi na naman umuwi kahapon sa bahay eh. But yeah, akala ko hindi ka pupunta dito.”
“So, ano tapos na ba yung shoot?” tanong ko sa kaniya.
“Yeah, break pa dahil kakatapos lang namin sa isang pictures kanina,” sambit niya sa akin.
“By the way si Erina asaan?” tanong ko sa kaniya.
“Ah si Secretary? Andoon sa office mo, dumating kasi si Kuya Tyler kanina kaya in-entertain niya muna,” sambit niya. Napataas naman ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya.
“What did you say? Si Kuya andito, bakit?” tanong ko sa kaniya.
Napakibit balikat naman siya dahil sa sinabi ko. “Ewan ko eh, pero masaya siya kanina nung sinalubong na siya ni Erina eh, baka gusto ng energizer sa umaga,” sambit niya. Napahinga na lang ako nang malalim at agad na tumungo sa office.
PAGDATING ko doon, balak ko pa lang buksan ang pintuan pero nauna itong buksan ni Erina dahilan upang magkagulat kaming dalawa.
“Sir anjan ka na po pala,” sambit niya sa akin.
“E-Erina,” sambit ko sa kaniya. Napangiti lang naman siya sa akin sabay lumabas sa office. Halata ko sa kaniya ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Sinundan ko lang siya na lumayo papaalis sa office at kita ko na nagmamadali siya. Sa palagay ko, dahil nakita niya akong duguan kagabi, kaya gano’n ang naging reaction niya.