ERINA
NAPAHINGA na lang ako nang malalim, hindi pa din matanggal sa akin ang nakita ko kahapon kay Sir, hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari. Medjo nag-aalala ako dahil sino ba naman ang hindi mag-aalala kung makakita ka ng tao na duguan hindi ba?
Inayos ko na lang ang sarili ko sa harapan ng salamin, yung salamin na suot ko lalo na din ang blazer ko. Yung hair bun ko ay inayos ko din para makabalik na ako sa trabaho.
Bago pa ako makalabas ng banyo naririnig ko naman ang ingay sa labas. Mga marites na naman na nagkakalat ng chismis.
“Sabi ko nga sa ‘yo, nakita ko nga si Sir kahapon merong kasamang babae si Sir nakita ko, like ang saya nila as in. Sa tingin mo meron na talagang jowa si Sir?” tanong ni Zia sa kanila.
“Ay I’m telling you, alam ko siya yung laging kinikita ni sir Atticus sa bar eh, lalo na yung birthday ni ma’am Zamarah, like girl ang perfect talaga nila. I think nga isa din siya sa magiging ambassadress ng brand natin ngayong month like sana talaga kasi ang perfect nila.” Napailing-iling na lang ako dahil sa mga naririnig ko. Hindi ko alam kung paano sila nagiging ganon katapang na pag-uusapan ang tao na kinakatakutan nila.
Hinintay ko lang sila na pumasok sa loob upang maabangan ko at makita ko ang magiging reaction nila. Pagpasok naman nila bigla silang napatigil ng mapatingin sa akin. “Ay sh*ta manang, ay sorry Erina,” biglang sabi ni Taylor. Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. Walang hiya itong babaeng ito ah!
“Akala namin kung sino, ikaw lang pala secretary, kalerkey ka,” sambit ni Leigh.
“Ano yung pinag-uusapan ninyo? Sa tingin ninyo matutuwa si Sir kapag narinig na naman niya yung pangalan niya na kasama sa mga list ng kwento ninyo?” tanong ko sa kanila. Agad naman silang nagkatinginan sabay sinarado ang pintuan at agad na lumapit sa akin.
“Hindi ba lagi kayong magkasama ni Sir, ano bang ganap niya? Sila na ba ni Ma’am Zamarah?” tanong nila sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinasabi nila. Hindi ko nga alam kung ano na ang nangyayari sa buhay no’n tapos itatanong nila sa akin yung mga bagay na iyon?
“Alam ninyo, imbis na pag-usapan ninyo yung tao, better na bumalik na lang kayo sa trabaho. Kapag narinig kayo no’n sigurado akong yari na naman kayo doon,” sambit ko sa kanila.
“Ito naman, para ka namang others jan secretary eh, besides ikaw yung matagal ng nakakasama ni Sir. Doon sa opisina na takot ang lahat na pumasok, pero ikaw nakakaya mo at nakakasama mo siya doon sa loob. Buti nakaya mong magtagal ng ilang taon sa kulungan na iyon,” sambit nila sa akin. “Kahit ba talaga onting info jan wala kang mashe-share? Promise, hindi ito lalabas, atin-atin lang ito,” sambit ni Leigh.
Napahinga ako nang malalim sabay napangiti sa kanila. “Alam ninyo about kay Zamarah, napag-uusapan na siya sa board, pero not sure pa din kung siya ang papalit kay Giselle, because Giselle still gets the heart of the people at malaki pa din ang napapasok niyang pera dito sa company bilang ambassadress ng product natin. So yung kay Zamarah to be the next ambassadress is not sure yet,” sambit ko sa kanila.
“About naman sa love life niya, labas na ako doon, hindi ko din naman alam kung ano ang nangyayari dahil hindi naman namin napag-uusapan yung gano’ng bagay,” sambit ko sa kaniya. “I hope nasagot ko ang tanong ninyo.”
“Ano ba naman ‘yan secretary Favion, wala ka ba talagang alam o gine-gate keep mo lang sa amin? Atin-atin lang naman eh, besides ayaw mo ba no’n at least kapag nalaman mong meron ng jowa si Sir, baka hindi na siya magalit tapos hindi na din uminit yung ulo niya sa atin kasi masaya na siya, edi win-win situation tayo doon,” sambit niya sa akin.
“Alam ninyo go back to work, na sa fantasy world na naman kayo. Yung mga iniisip ninyo eh isang bagay na malabong mangyari,” sambit ko sa kanila.
“Eto naman, para talaga siyang others oh, minsan lang eh,” sambit nila. Napailing-iling na lang ako dahil sa sinasabi nila.
“Sige na back to work,” seryoso kong sabi sa kanila.
“Okay po manang,” sambit nila sa akin bago lumabas sa banyo. Napailing-iling na lang ako dahil sa sinabi nila sa akin. Napatingin naman ako sa salamin at napatigil. Nakita ko doon ang hindi ko maayos na itsura dahil sa salamin na suot ko, yung tali ng buhok ko, at ang hindi naman fashionable na suot kong damit. Pwede naman akong magsuot ng may color pero mas pinili ko na magsuot ng black dahil dito lang ako makakatago ng identity ko bilang streamer.
Napahinga na lang ako nang malalim sabay napangiti. I don’t need to look good in front of everyone dahil wala naman akong paki kung ano ba ang sasabihin nila. Basta makita ko lang ang sarili ko na okay, then it means I’m fine.
Lumabas na ako sa banyo at dumiretso na sa office. Pumasok ako sa loob upang gawin na ang bagay na need kong gawin, pero pagbukas ko ng pintuan napatigil ako nang makita ko si Sir Atticus na busy lang sa kaniyang upuan. Medjo seryoso din siya na nakatingin lang sa laptop niya.
Hindi ko mapigilan na hindi siya tignan, ibang-iba talaga siya kagabi pakiramdam ko hindi siya yung nakikita ko kagabi, the way he looks at me yesterday is different. Kahit yung galit niya dito ibang-iba sa lalaking iyon kahapon. It feels like ang lakas ng dark aura niya kagabi compare ngayon. Oh dahil dala ng dugo na nakakalat sa katawan niya?
Limang taon na kaming magkasama ni Sir Atticus dito, but we never tried to have a conversation to our personal lives, puro lang talaga siya sa work and such. Maybe kumustahan lang sa buhay, pero sa deeper than that is hindi na namin nagagawa.
Bigla naman siyang napatingin sa akin at kita ko ang magaan na aura niya kaya napangiti na lang ako sa kaniya sabay nag-bow.
“Erina, anjan ka pala,” sambit niya sa akin.
“Ah may inayos lang ako, medjo maaga pa kasi eh,” sambit ko sa kaniya. “Oo nga po pala sir meron po pala kayong meeting this 10 am. Merong magpe-present later,” sambit ko sa kaniya. Napatango-tango naman siya bilang sagot.
“By the way nagawa mo na ba yung pinapagawa kong proof read?” tanong niya sa akin.
“Hindi pa sir, pero pwede ko siyang gawin mamaya after ng meeting natin,” sambit ko sa kaniya. Umupo naman na ako at binuksan ang laptop ko para gawin ang iba ko pang bagay na gagawin.
Pagbukas ko naman ng laptop nagulat ako na nakabukas pa pala doon ang foreplay na website. Hindi ko pala siya napatay nung last stream ko. Napalunok na lang ako dahil andito lang si sir sa loob ng office at pwede niyang makita yung website na ito.
Balak ko na sanang patayin pero agad na may nag-notif sa messages ko. Binuksan ko naman iyon at nakita kong muli ang madaming messages ni DareDevil sa akin. Napatingin lang naman ako kay sir at kita ko na busy siya sa kaniyang ginagawa kaya, binuksan ko muna ang messages sa akin ni DareDevil.
DareDevil: when is your next stream? Can’t wait to watch you again.
DareDevil: Daddy’s been waiting for you, why didn’t you go on live tonight? I’m f*cking waiting for you.
DareDevil: Hindi ko alam kung bakit hindi ka nag-online but still waiting.
Napahinga ako nang malalim dahil iilan lang iyon sa mga chats niya sa akin sa app. Hindi ko naman alam kung bakit ba hinahanap-hanap niya ako eh ever since na nag-start ako dito hindi naman ako consistent na nago-online. Pero nung naging follower ko siya dito sa app walang araw na hindi siya nagcha-chat sa akin.
Kapag ginagawa ko ang bagay na ito, meron akong boundaries na ginagawa, nalaman ko na some streamers nagkakaroon ng meet up sa mga fans nila and do it, minsan ginagawa nila live or just a prize for being a top fan and top dropper ng diamonds so ang bayad no’n yung sarili nila. But to me, hindi ko pa ever na try yung ganong bagay.
I want to tease my audience pero yung point na meet up and makikipag-s*x sa kanila is not my thing. Meron pa din akong limitations and boundaries na binibigay ko sa sarili ko and isa na ang bagay na iyon. Kahit simpleng chats lang sa fans ko hindi ko din ginagawa so that walang attachment pero dahil nagulat ako na pinoy pala itong nagda-drop sa akin so I chatted him. Akala ko titigil na siya, pero siya yung todong kulit sa akin.
Napahinga na lang ako nang malalim sabay ni-log out ang aking account at nag-start nang gawin ang mga back logs ko.
NANG mag ten am na. Pumasok na kami sa loob ng meeting room, set na lahat ng mga nandoon pati na dina ng magpe-present pero kita sa mukha ni James yung kaba niya. Napatingin naman ako sa kaniya at nginitian siya. Ramdam ko yung tension niya lalo na nung pumasok si Sir sa loob.
Umupo kami sa upuan at pinanood lang sila na mag-report. Ang daming tinanong ni sir Atticus sa kaniya dahilan para ma-stutter siya at tuluyang masira ang kaniyang presentation.
“So tell me, bakit si Zamarah? Lagi kong naririnig dito na nagkakaroon ng haka-haka about our ambassadress na si Zamarah even though we Giselle is still here, so dahil iyan ang na sa report mo bakit?” seryosong tanong ni sir Atticus. Napahinga na lang ako nang malalim sabay napatingin kay James. Kita ko ang tension sa kaniyang mukha dahil sa tanong.
“Uhm k-kasi p-po, t-that’s the p-people w-wanted to see,” utal niyang sabi.
“But have you check some post and articles that they don’t want Giselle to be our ambassadress?” tanong niya.
“Uhm no sir, it’s just that, this collection that we’re making can give justice by Ms. Zamarah.”
“So you’re telling me that my cousin Giselle can’t? Iyon yung point mo,” sambit niya. “Then how sure of you na yung design na pine-present mo ngayon eh magugustuhan ni Zamarah? How sure of you that it will become marketable and everyone will love it?” seryosong tanong nito.
“I say this design of yours is far from what I expected. Be mindful sa mga bibili hindi sa magiging brand ambassador,” sambit niya sabay tayo sa kaniyang kinauupuan at naglakad palabas ng meeting room. Napatingin naman ako kaagad kay James at kita ko ang panlulumo sa mukha niya dahil alam kong matagal niyang pinaghandaan at pinag-isipan iyon. Mas lalo pa siyang natuwa nung nagkaroon ng humor about sa pagiging ambassador ni Zamarah sa line collection ngayon.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya.
“James, kausapin kita mamaya okay?” sambit ko sa kaniya. Agad akong lumabas sa meeting room at sinundan si Sir Atticus.
Pagdating ko doon, nakita ko lang siyang nakaupo sa kaniyang upuan habang nakahawak sa kaniyang noo at nakapikit. Napahinga na lang ako nang malalim at tinapangan ang sarili ko na pumasok sa loob.
“Kakausapin ko na lang po si James about sa nangyari kanina,” sambit ko sa kaniya. Naglakad ako patungo sa aking upuan at nilagay doon ang gamit ko.
“Did I overdo it?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa tinanong niya.
“I wanted to make it perfect, I don’t want everyone to be afraid of me, but I do things that made them afraid, so tell me did I overdo it?” tanong niya. Napahinga naman ako nang malalim sabay napangiti sa kaniya.
“I guess sanay naman na sila na ganon ka sir and that’s for the company’s future, if hindi nila aayusin yung trabaho nila, walang mangyayari,” sambit ko sa kaniya.
“But how about you?” tanong niya sa akin. “Natatakot ka ba sa akin?”