ERINA NAPAKUNOT ang noo ko dahil sa tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong ang mga gano’ng bagay. Pero this is the first time na nakita ko si Sir Atticus na ang baba at iniisip ang emosyon ng iba. “Ano po bang gusto ninyong malaman, yung may sugarcoat or yung wala?” tanong ko sa kaniya. “I want the truth Erina,” sambit niya sa akin. Napahinga ako nang malalim sabay napangiti sa kaniya. “Actually, nakakatakot ka. Yung presence ninyo medjo hindi okay, but at least sanay naman po ako so no need to worry about that at isa pa kilala ka naman na ganyan ka na, so ano pa ba yung need mong problemahin doon?” tanong ko sa kaniya. “Yeah, I know but yesterday.” Napatigil ako dahil hindi ko alam kung bakit niya sinabi ang bagay na iyon. Hindi ko naman na pinapansin an

