ERINA HINDI KO mapigilang hindi mapangiti dahil sa sinabi ni Duke sa akin kanina. “Nakakaloka bakit ikaw ba Duke?! Grabe paano na ako, sa tingin mo kaya mo akong mapanindigan?! Ahh!” “Hoy ang iingay mo!” sigaw sa akin ni Cianne ang kaibigan ko nung 4th year college kami at hanggang ngayon kaibigan ko pa din. “Kasi naman te, jusko hindi ko alam kung magpa-palpitate ba ako or something pero kasi nakita ko si Duke, grabe ang heavenly talaga ng appeal niya, like paano ako gagalaw ‘pag nakikita siya, paano ako haharap sa kaniya eh hindi maayos yung ayos ko. Tapos yung nag-iba ako ng tali sinabihan lang niya ako ng you look great, t*ngina! Jusko ang dami naman nila sa family eh, like ang gwapo din naman nung mga pinsan niya, pero iba talaga si Duke eh, sana kahit isa sa kanila Lord, tat

