ERINA MATAGAL din akong hindi nakapag-stream dahil sa dami ng ginagawa, hindi ko alam kung bakit sobrang daming pinapagawa ni Sir sa akin ngayon, parang dito na ako matutulog sa office dahil sa sobrang dami ng pinapagawa niya. Hindi ko alam kung ano no na naman na sa utak nito eh. “F*ck, ayusin mo naman yung trabaho mo? Ano sa tingin mo magiging maayos yung ganyan?” tanong niya doon. Napahinga na lang ako nang malalim dahil sa pagsigaw niya sa isang employee. Agad namang lumabas ang pinagalitan niya sa loob ng opisina. Napatingin naman ako sa kaniya at kita sa mukha niya ang inis. Hindi ko alam kung ano na naman ba ang naakin niya at ganito na naman ang ugali. Parang six days na yung lumipas simula nung maayos pa siya kausap ngayon hirap na hirap na naman akong pakisamahan itong dimuh

