ERINA NAGPATULOY lang kaming magkausap nitong lalaking ito, well kagaya ng sinabi niya na kailangan niya ng kausap. Hindi ko na nga alam kung ano yung kwento niya eh. Kasi tawa at emoji na lang din yung binibigay kong reaction. Naglakad naman ako pabalik sa loob ng opisina. Pagpasok ko naman, agad ko ng pinatay ang cellphone ko pero patuloy pa din na nagcha-chat si DareDevil sa akin. Pagpasok ko sa loob nakita ko na busy lang si Sir Atticus habang nakangiti sa harap ng kaniyang cellphone. Napailing-iling na lang ako dahil ayon na naman siya at nag-iiba ng mood. Sanay na din ako, sa limang taon na kasama ko siya, nakita ko na ang pag-iiba-iba niya ng ugali kaya kung makita ko siyang masungit tapos bigla na lang matutuwa parang normal occasion na siya sa akin. “Sir ito na po yung

