ERINA NANATILI pa din sa isipan ko ang sinabi ni Sir Atticus, like wow ngayon lang niya naisip yung bagay na iyon? Parang dati ayaw na ayaw pa niya na hindi match ang colors ng employee niya lalo na pagdating sa akin kailangan daw magma-match kami ng color. Tapos ngayon sasabihan niya ako na try colorful clothing next time? Ano trip ng utak nito? Magpa-fashion show na ba kami? MAYA-MAYA ay nakarating na kami sa bar na sinasabi niya, bwisit para tuloy akong nahiya ngayon dahil sa dami ng tao. Akala ko naman sila-sila lang sa loob, pero okay na din. Jusko kahit papaano nakaka-intimidate kaya yung pamilya nila Sir Atticus. “Sir, siguro back out na ako,” sambit ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo. “Why?” tanong niya sa akin. “Para akong ina

