ERINA “Just kidding, hindi mo naman need sagutin iyon Erina, I’m just messing you around. Pero kung ano man ang nararamdaman mo sa kapatid ko, pag-isipan mo g*go pa naman ito baka saktan ka,” sambit niya. “After ninyo lumabas na kayo jan baka ano’ng ispin ko na gagawin ninyo.” Agad naman siyang umalis at iniwan kaming dalawa ni Atticus na may ilangan sa isa’t isa dahil sa ginawa niyang pagtatanong. Minsan maganda din naman yung pagbibiro ng Kuya niya, pero hindi ko trip ang sense of humor niya lalo na mukhang maiipit pa ako sa isang sitwasyon na ayaw ko. “Uhm m-mag-aayos muna ako ng gamit natin,” utal kong sabi sa kaniya. Agad naman na akong kumilos at iniwan na nakatayo doon si Atticus. Napahinga lang ako nang malalim upang mawala ang pagkailang ko dahil sa tanong ng Kuya niya.

