ERINA MASAYA lang kaming nag-swimming dahil syempre enjoy the moment. Meron akong nakakausap sa mga pinsan ni Atticus, pero busy din sila sa mga sari-sarili nilang ginagawa. “Sh*t, look over there merong pogi oh,” sambit ni Giselle. Napatingin naman kami doon at hindi nga siya nagkakamali. May itsura ito at maganda din ang katawan pero parang mas may maganda at gwapo pa sa lalaking iyon eh. Napalibot ako ng tingin at napatigil ako sa pwesto ni Atticus na kasalukuyang nakatingin sa akin. Meron siyang hawak na inumin at kita sa itsura niya ang pagkaseryoso lalo na’t nakatingin siya sa akin. Binigyan ko lang siya nang magandang ngiti sabay kinawayan siya. Mukhang magagalit na eh, hindi ko alam kung bakit pero para naman gumaan yung nararamdaman niya. MAYA-MAYA naisipan muna namin

