bc

Her Unwanted Life

book_age18+
114
FOLLOW
1K
READ
dark
arranged marriage
drama
mxb
heavy
betrayal
cheating
rejected
weak to strong
Neglected
like
intro-logo
Blurb

She dreamed her life to be a fairytale-like story, a story that has its own happy ending. Ayaw niya kasing magkaroon nang buhay ang kaniyang mga anak na mayroon siya noon, she doesn't want to be a mistress like her mother and an illegitimate child of her father. Ayaw niyang makasira ng isang masaya at kompletong pamilya. Ngunit hindi yata umaayon sa kaniya ang kaniyang gusto. Ang buhay na iniiwas-iwasan niya'y siya ring buhay niya ngayon. She's a mistress, she ruined a happy family.

Ano'ng magagawa niya gayong mahal niya ang lalaki? She never wanted this life and she wanted to get away from this. Ngunit ang problema'y kahit saan siya magpunta, siya at siya pa rin ang uuwian ng lalaki.

Kakayanin kaya niyang ipagpatuloy ang kanilang ipinagbabawal na relasyon o mas pipiliin niyang lumayo na nang tuluyan nang sa gayo'y hindi na tuluyang masira pa ang pamilya ng pinakamamahal niya?

chap-preview
Free preview
SIMULA
STRIPPED SIMULA M A H A L I A Hindi pa man sumisikat ang araw ay dilat na agad ako. Araw-araw, ito na ang gawain ko. Gigising nang maaga upang ihanda ang mga gagamitin ko. Nagsimula ako ng alas-kuwatro nang madaling araw at natapos ako nang malapit ng mag-alas-sais ng umaga. Nakakapagod ngunit wala akong magawa kundi ang gawin ang bagay na ʼto. Ito lang din ang alam kong trabaho na pasok sa natapos ko. Elementarya. Kahit isang taon man lang sa high school ay hindi ko nagawa. Dahil sa kakulangan ng pera. Maaga ring namulat sa reyalidad na kailangan mo munang kumayod bago magkalaman ang iyong sikmura. Nang matapos ako sa paglalaba ay muli akong pumasok sa aming bahay. Maliit lang ito kumpara sa mga bahay na nasa syudad. Halos kasing laki ng CR sa mga mall ang bahay namin. Ang kuwarto namin ay siya ring kusina at sala namin. Nilapitan ko ang halos paglumaan na ng panahong kabinet. Kinuha ang mumurahing wallet at saka iyon tiningnan. Nadismaya nang makitang limampong piso na lang ang natitira sa aking pera. Napabuntonghininga ako. Tumingin ako sa kama namin, kung saan nakahiga at mahimbing na natutulog si Mama. Aakalain mong malakas ngunit ang katotohanaʼy hindi na niya kaya pang maglakad. Ibinalik ko ang tingin sa limampong piso at saka iyon hinawakan nang mahigpit. Ito na lang ang natitira, ito na lang ang pagkakasyahin ko sa kakainin namin buong maghapon. Lumabas ako ng bahay upang bumili ng agahan. Isang three in one na kape ang binili ko at sa tabi ng sari-sari store ay ang lumang bakery na siyang binilhan ko naman ng tinapay. Dalawang pirasong tinapay sa halagang sampong piso. May natira pa sa limampo, may makakain pa kami mamayang gabi. Pagdating ko sa bahay ay saktong gising na si Mama. Dali-dali ko siyang tinulungang makabangon at tinulungang makasandal sa pader na gawa sa plywood. May butas-butas pa. "ʼNay, ayos ka lang?" ang palagi kong tanong, paulit-ulit at halos minu-minutong tanong ko. Ngumiti lang siya at saka marahang tumango. Napangiti ako. Hinalikan ko na muna ang kaniyang noo at nagpaalam na magtitimpla lang ako ng kape. Sa araw-araw na ginawa ng Panginoon ay walang nagbabago sa takbo ng buhay ko, ng buhay naming dalawa ng ina ko. Hindi ako makapagreklamo dahil alam kong walang saysay. Araw-araw din naman akong nagsusumikap at subukang makaangat. Alam kong hindi sapat ngunit alam kong darating ako roon. -- Pagkatapos kong mag-agahan na tanging ang kape't isang pirasong pandesal lang ang siyang laman ng tiyan. Agad akong gumayak upang puntahan ang isang village malapit sa aming lugar. Nilakad ang halos tatlumpong minuto. Bitbit ang maliit na pag-asang sana'y may makuha akong labahan, na siya lang din alam kong trabaho. Pagdating ko roon ay mahigpit ang mga guwardya sa tarangkahan papasok sa village. Agad naman akong nakapasok nang makita nila ang laman ng dala kong lumang bag. Ito ang kauna-unahang makapasok ako rito. Limang minuto pa bago ko marating ang mga malalaking bahay. Mga bahay na nagpapalakihan. Malalaman mo kung sino ang mayaman sa laki ng kanilang mga bahay. Una kong kinatok ang may puting pinturang tarangkahan. Naghintay ng isang minuto bago nagbukas ang gate nito. "Who are you?" tanong ng isang dalaga, nakataas ang kaniyang kilay at hindi nakaligtas sa akin kung papaano ako nito tingnan mula ulo hanggang paa. "Bago ka bang katulong?" Ngumiti naman ako bilang paggalang. "A-Ah, hindi po. Labandera po kasi ako. Nagbabakasali lang ako na baka may ipapalaba kayo," sagot ko. "Pasensiya na pero kumuha na kami ng sarili naming katulong," sagot niya at saka isinarado na ang tarangkahan. Ngunit imbes na sagutin ako nitoʼy agad niyang isinara ang gate. Pabagsak. Napabuntonghininga lang ako. Isang bahay pa lang naman iyon, marami pang bahay rito sa village na maaari kong pagtanungan. Ngunit halos malibot ko na ang buong village ay wala pa rin akong nakikitang trabaho. Kung hindi ako sinusungitan ng iba, tinatawag na pulubi, ay kadalasang hindi nila ako sinisipot. Mataas na rin ang sikat ng araw at mainit na rin ito. Pinagpapawisan na ako't nakakaramdam na rin ng uhaw. Bumuntonghininga akong muli nang marating ko ang panghuling bahay, kung saan ito ay maliit lang kumpara sa mga bahay rito. Pinaghalong kulay ng pula at puti ang pintura, na hindi ko alam kung bakit. Nawawalan man ako ng pag-asa ay tumuloy pa rin ako. Pinindot ang door bell ng tatlong beses. Ngunit walang sumagot. Inulit ko pa iyon at ilang minuto lang ay bumukas ang pulang gate na may numerong 106. Bumungad sa akin ang isang lalaking magulo ang buhay, nakasuot lang ng boxer at walang suot na pang-itaas. Mabilis akong napaiwas ng tingin. "Who are you?" ang tanong na hindi lang isang beses ko narinig sa araw na ʼto kundi maraming beses sa bawat araw na kinakatok ko. "I-Isa po akong labandera at nagbabakasali pong magpapalaba kayo," na siya ring sagot ko. Hindi ko siya kayang tingnan dahil sa kaniyang ayos. Baka isipin nito na may pagnanasa ako sa kaniya. Ngunit nadismaya ako nang isasara na nito ang tarangkahan. Biglang pumasok sa isipan ko si inay. Nilakasan ko ang loob kong pigilan ito sa pagsara. "Hindi ako magpapalaba," mabilis niyang sabi. "K-Kahit ano'ng trabaho na lang po. P-Pangkain lang po namin," pagmamakaawa ko. Nakakaramdam na rin ako ng pagod, ng pagkauhaw sa mga oras na ito, dahil halos dalawang oras ako naglalakad at kumakatok sa mga bahay-bahay rito. "I have no jobs to give you. Kaya pwede bang umalis ka na't naiistorbo mo ang tulog ko?" Umiling ako. Pinipigilan ko pa rin ang pagtangkang pagsara niya sa tarangkahan. "N-Nagmamakaawa po ako." Tumingin ako sa kaniyang mukha. Alam kong nagmumukha akong disperada ngunit ito lang ang sa tingin kong paraan para may pera. “Don't you understand that you're disturbing someone's life?!” mariin nitong sabi, masama rin siyang nakatingin sa akin. Alam ko. Alam ko ang sinasabi nito. "Kaya, Miss. Pwede bang umalis ka na bago ko ipatawag ang mga guwardiya't ipakaladkad ka!?” Natakot ako sa banta nito. Kaya agad akong sumuko. "P-Pasensiya na po," sagot ko at tumalikod. Ngunit dahil sa gutom at sa hilo, biglang nagdilim ang paningin ko't hindi ko na alam kung ano'ng sunod na nangyari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook