bc

ANG BABAE NA MATAGAL KO NG PANGARAP.

book_age12+
50
FOLLOW
1K
READ
drama
sweet
serious
spiritual
love at the first sight
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Lagi nalang bigo sa pag-ibig si Jake minsan Hindi na niya maisip kung may pag-asa pa ba siyang makahanap ng babaeng makakasama niya sa buhay.

Isa sa mga dahilan Ang kanyang estado sa buhay. Hindi Naman siya mayaman katulad ng iba. Ngunit Isang araw nakilala niya Ang Isang babae sa pamamagitan ng online apps ito na ba kaya Ang kanyang Wakas ?

Paano kung isang araw hahamakin si Jake sa isang tentasyon paano kung tadhana na mismo ang naghihiway sa kanila ? Maituturing ba nito na malas talaga siya sa pag-ibig ?

Totoong hindi madali hanapin ang makakasama mo sa buhay. Ang kwentong ito ay isang patunay na sa pag-ibig dapat alam mo kung ano ang tama at mali, marunong kang makontento at kailangang pahalagahan mo yung taong laging nandyan para sayo.

Sa Kwentong ito marami kang aral na matututunan lalo na sa pag-ibig dito masusukat kung gaano katatag ang isang tao pagdating sa relasyon.

chap-preview
Free preview
Nakilala sa Online apps.
Maagang nagising si Jake Del Monte sinipat niya ang orasan di nga siya nagkamali 4:00am palang nang madaling araw nakasanayan na niya kasing magising ng maaga kasi maaga naman ang pasok niya sa opisina. Muling siyang umikot at namaluktot gamit ang makapal niyang kumot gusto pa niyang matulog ulit araw ng sabado walang pasok kaya ipinikit niyang muli ang mga mata at nakatulog ulit. Nagising si Jake sa ingay ng kanyang cell phone si Yugo ang tumawag sinagot niya ito sa mahinang boses halatang bagong gising lang. Hello?? Anong sa atin? Sabi niya na tila nag papahiwatig na naistorbo ng kausap ang kanyang mahimbing na tulog. Sir ngayon ka pa ba nagising? “Halatang may pagtataka sa boses nito.” Nakalimutan mo yata na may lakad tayo ngayon. “Sabi ng kausap sa kabilang linya” Huh?? “Kunot noo nitong sambit” saan pare?? Sa Barangay ng Bagong Silang di ba imbitado tayo doon sa isang kasal at binyag mag Ninong ka.. Ay oo nga pala nakalimutan ko pagka sabi niyo’y pinutol na nito ang tawag at mubalikwas ng bangon patungo sa banyo siya namang dating ni Yugo sinigawan niya ang kasama at sininyasan na sandali lamang at maliligo lang siya. Dumatingg sila ni Yugo sa Barangay Bagong silang na tapos na ang seremonya ng kasal at binyag, walang katao-tao ang simbahan kaya naisipan nalang nilang dumiritso sa bahay ng kanilang pupuntahan alam naman ni Yugo ang papunta roon kasi ilang ulit na itong pa balik-balik sa lugar. Siya lang ang firstime na maka punta doon at inaasam asam ng mga residente ang kanya pagdating. Kaya pagka baba nila sa sasakyan sinalubong agad sila ng mga tao roon at tinatanong ang kasama nito kung siya ba si Jake na lagi nilang napapakinggan tuwing umaga at hapon. Tumango naman ang kasama, nginitian niya ang mga ito nakipag abot kamay din siya sa Mayor doon na isa din sa mga panauhin ng sandaling iyon matapos siyang makilala nito. Madami pa ang nangyari sa kanya bukod sa madaming nag pa picture at nagbigay ng papel na may pangalan pinakiusapan kasi siya ng mga taga doon na batiin naman niya ito sa kanya programa. Di nyo natanong si Jake Del Monte ay isa sa mga sikat na radio news anchor sa kanilang Probinsya mataas ang kanyang position sa kanilang Radio and Tv Station sikat ang kanyang local news program dahil sila lamang ang may aerial Tv at makikita din sa local cable malayo rin ang mararating ng signal ng kanilang radio station at sila pa ang number one sa rating kaya di kataka-takang kilala siya ng mga tao at pinagkakaguluhan kung pupunta sila sa mga Barangay-Barangay. Nakauwi siyang pagod nahiga siya sa kanyang kama ng bigyang may naalala siya. Kasalukuyang binibilang ng mga board of canvasser ang boto ng mga kandidato katatapos lang ng Barangay eleksyon tumakbo siya bilang Barangay Kagawad hindi man lang niya nararamdaman na kinakabahan siya alam na niya ang takbo ng resulta matatalo siya dahil di naman tagala siya taga bagong pag-asa diyan lamang siya na rehistro 2 years ago pero ni minsan ay di niya magawang tumira sa lugar na yan. Tama nga ang kanyang hinala natalo nga siya nasa ika-sampong pwesto siya masaya siya sa resulta kasi kahit di siya taga doon, walang kamag anak ni isa man ay nagawa parin niyang makakuha nang marami-raming boto para makuha ang ika-sampong pwesto pero dahil pito lamang ang kukunin ay talo pa rin siya. Nasa kwarter siya ng mga sandaling yun talo silang lahat mula sa kanyang kaalyado sa pagka kapitan hanggang sa konsehal nalulungkot siya para sa mga kasama kasi alam niya ang hirap ng mga ito makamtan lamang ang pagbabago sana sa kanilang Barangay mula sa kurakot na naka upo kaya nga siya tumakbo kahit di naman talaga siya taga doon kasi alam niyang malawak ang kanyang connection at malaki ang maitutong nito sa nasabing Barangay kung pinalad siya pero tila hindi sumang-ayon ang tadhana. Isang tunog ng cell phone ang pumukaw sa kanyang kalungkutan para sa kasama ng mga sandaling yun. Kinuha niya ito sa bulsa at tiningnan kung sino ang nag text si Jakielyn ang girl friend niya excited siya na basahin ang text nito.. “Sorry ha pero di na tayo pweding mag patuloy sa ating relasyon kailangan na nating maghiwalay nalaman na nang parents ko ang tungkol sa atin kaya paalam at mula ngayon wag ka nang tatawag at mag chat sa akin okay?” Tila binagsakan siya ng langit ng mga sandaling yun sino ba ang mag aakala na magagawa yun ng kanyang girl friend alam naman nito na natalo siya sa eleksyon at ngayon nakipaghiwalay ang kanyang nobya? Omg di yata maganda ang nangyari sa kanya parang nasa laro siya na dota na doble kill siya ng mga sandaling yun. Sinubukan niyang tawagan ang numero ng kanyang girl friend ngunit lagi itong busy halatang naka block list ang kanyang numero, nag log-in siya sa kanyang f*******: account ngunit di na niya ito ma message nakalagay kasi sa messenger ng kanyang syota na you can’t replay this conversation halatang na block na siya ng kasintahan. Napabuntong hininga siya na maalala yun mag tatatlong buwan na pala simula ng mangyari yun kaya di niya maiwasang isipin yun. Tinungo nalang niya ang gate at lumabas para kumain at pagka tapos niyon ay umuwi na siya para matulog. Nagising syang mataas na ang sikat ng araw gutom na siya kumakalam na ang kanyang sikmura kaya dumiritso siya sa kusina upang maghilamos pagkatapus ay umalis para mag agahan sa labas. May nakita siyang maganda sa tabi nang kanyang misa kaya agad siyang nag pa cute dito pero di siya pinansin ng babae inirapan siya nito at tumayo ngunit bigla itong bumalik at lumapit sa kanyang inuupuan kumunot ang noo nito. “Tika parang kilala kita ikaw ba yung nasa tv na mapapanood tuwing umaga at hapon?” Anang babae sa excited na tinig. Umiling siya sabay ngiti .. hindi po baka kambal ko yun “ sa sarkastikong boses. Ikaw nga!!!” Na may pagka mangha sa tining nito nang ma bosesan siya nito kaya agad na kinuha ng babae ang kanyang cell phone number at nagpa kilala dito siya daw si Maria Teh umiling nalang siya habang kumakain tinitingnan ang babaeng paalis na siya naman ay tumayo na pagkatapos tinungo ang counter at nagbayad ng kanyang kinaing almusal. pagka tapos niyang kumain umuwi na siya sa kanyang apartment para mag pahinga. Araw ng linggo wala siyang pasok kaya panay lang siya sa pag scroll down and up sa kanyang f*******: account wala naman siyang ka chat na iba bukod sa mga importanteng bagay mula sa kanya kapwa media practioners may group chat kasi sila para mas mapadali ang kanilang source of information. Biglang may nag chat sa kanya . “hi po musta kana dj?” Kumunot ang kanyang noo pinindot niya ang larawan ng isang babae na nangahas nag chat sa kanya. Siya nga nang mamukhaan ang nag chat si Maria Teh yung kausap niya kahapon sa carenderia. Nag replay siya . “ hello po okay lang naman ako ikaw ba?” “ okay lang naman dj i greet mo naman ako pag nag program ka laging nakikinig nanay ko sayo” “Hehe talaga ?? Nanay mo nalang kaya ang babatiin ko eh di mo naman mapapakinggan kung babatiin kita kasi di ka naman nakikinig ehh.” Tila hinuhuli niya ang kasusap kung nakikinig ba ito sa kanya. “ hahaha ikaw talaga dj ehh nakikinig naman ako sayo tuwing hapon may klase pa kasi ako nang umaga ehh.” “Ahh kaya pala sige bukas babatiin kita.” “Talaga dj ??” Naniniguradong replay nito.. “salamat talaga dj makikinig ako pag sabihan ko rin mga kaibigan ko hehe” halatang excited at masaya ang kanyang kausap. Napailing nalang siya dito at pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga. Nag patuloy siya sa pag scroll down hanggang mapuna ng kanyang paningin ang isang commercial sa isang dating apps pinapanood niya ito may haba itong 30 seconds commercial. Napaisip siya pagkatapos mapanuod ang isang dating site sa commercial nito 21 years nang walang gf and bf ang nandoon at nang pasukin niyon ang nasabing dating site nagkaroon sila ng true love. Kumislap ang kanyang mga mata tila may pag-asa siya kung sakali man na makahanap ng kanyang true love matapos ang ilang beses na pagkabigo sa pag-ibig. Pero biglang may lungkot sa kanyang mga mata ng mga sandaling iyon nang maalala ang isang babae na minahal nang lubos nakilala niya ito sa text sa isang text clan studyante siya nang mga panahong iyon. NAALALA NI JAKE ANG NAKARAAN “Hi guys dont be snob ha ipakilala ko sa inyo ang ating bagong member si ms. Fantastic 0948445**** kayo na ang bahalang mag message sa kanya.” Text iyon ng kanilang founder si emotera. Agad niyang naisave ang number nito sa kanya phonebook list pagkatapos ay nag text siya nito nag pakilala siya bilang loverboy yun ang code name niya sa clan. Mula noon panay na ang kanilang palitan ng mga sweet message at lagi na silang nag tatawagan hanggang sa maging sila. Nabuwag ang kanilang clan na sinasalihan nagkaroon din siya ng maraming syota sa text ngunit si ms fantastic lang ang kanyang minahal, minahal niya ito nang higit pa sa kanyang buhay 8 months bago sila nagkitang dalawa dahil sa distansya na pagitan nila nakilala niya ang tunay na pangalan ng babaeng minahal niya siya si Cindy Go isang mistisang Chinese maganda pero tamsi ika-nga tambok nga seksi sa kanilang lingwahe (mataba pero seksi) umabot ng tatlong taon ang kanilang relasyon, ang akala nga niya ay yun na ang kanyang the one si Cindy na ang kanyang makakatuluyan kaya nga umalis siya sa semenaryo para ipadama dito ang kanyang pag mamahal. Ngunit biglang nagbago ang lahat simula nang mag aral sa koleheyo ang nobya, lagi na itong walang oras sa kanya dati-rati ay naiinis ito sa kanya dahil nagsisimula na rin siya sa kanyang trabaho isang part time job bilang Disc Jockey (Dj) sa isang sikat na radio station sa syudad ng Davao kung saan siya nag aaral. Isang araw tila naipit siya sa kalagitnaan ng langit at lupa ng malamang ipinagpalit pala siya sa isang tomboy malaking dagok ito sa kanya buhay isang malaking insulto iyon sa kanyang pagka lalaki. Mula noon wala na siyang seryosong relasyon para sa kanya isang malaking pagkatalo ang magmahal ng totoo. ***************************************** Napabuntong hininga siya nang mga sandaling yun di niya namalayan na na download na pala nito ang apps at nag simula na nga siyang naghahanap ng kanyang mapaglilibangan. “Tama nga ba mapaglilibangan o kanyang mamahalin?” Bigla niyang naisip, “ ang tanong handa na ba kaya siyang mag mahal ulit matapos ng ilang sunod-sunod na pagkabigo?.. kumawala ang isang malalim na bunting hininga. Napatitig siya sa isang maamong mukha ng babae chinita ito maganda at di niya maitago na sa unang tingin palang niya sa babae ay malaki na ang paghanga niya dito tila nababaliw siya lalo na’t chinita ang kanyang nakikita pinusuan niya ang nasabing litrato. “ sana ay pusuan din nito ang kanyang litrato para makapag usap sila.” Lihim niyang dasal iwan ba niya kanina lang ay lungkot na lungkot siya tapos ngayon ay ang saya-saya niya bakit kaya? “ tanong niya sa sarili. pagkatapos nun di niya namalayan nakatulog siya. Nagising siya dahil sa tunog ng kanyang cell phone si Romy ang tumawag sa kanya ang kanilang admin officer. “Hello” sabi niya sa antok na boses. “Ay sir hello po na istorbo ba kita ? “ nag aalalang boses nito. “ ahhmm hindi naman kagigising ko lang ano ba atin at napatawag ka? “ “ ano kasi sir ehh pinapapasa kasi ni Atty yung inventory sa stocks doon sa opisina galing sa marketing department i foward ko daw sayo nasa email mo na po sir baka kasi kukunin yun ni atty ngayon ikaw na daw ang mag print” “Ahh ganun ba ? Ehh linggo ngayon ehh tsaka trabaho nyo yan di ba? Ehh bakit ako pa ang gagawa ? Nag papahinga ako ehh.” “Iwan ko nga po ehh basta yun ang sabi niya po alam nyo naman na parang ikaw na ang boss naming lahat dyan ehh kasi kahit di mo hawak na trabaho kailangan dumaan pa sayo bago doon sa kanya.” Nagkibit balikat nalang siya at bumuntong hininga sabay patay ng kanyang cell phone. Sinipat niya ang orasan alas singko na pala ng hapon di nya namalayan na nakatulog pala siya kanina habang pinag-masdan ang mukha nang babaeng nakita niya sa dating site. Binuksan niya ang kanyang email gamit ang kanyang cell phone tapus tiningnan niya muna kung okay ba ang ginawang report ng kanilang admin nang mapagtantong wala namang problema agad niya itong ipinasa doon sa secretary mismo ni Atty. Florencia Hernan si Atty Hernan ang General Manager ng kompanyang pinasukan niya asawa ito ng kanya boss na may ari ng network kung saan siya nag broadcast. Tapus niyang gawin ang kanyang trabaho nag text siya doon sa secretary at inutusan ito na siya na ang mag print ng mga yun at iabot doon kay Atty. Kinabukasan. Nag out na siya doon sa email niya ngunit bago pa niya mailagay ang cell phone niya sa mesa isa ang nakatawag nang kanyang pansin ang babaeng pinupusuan niya kanila doon sa bagong download niyang app pinusuan din pala ang kanyang picture at dahil don pwedi na silang mag-uusap mag chat or mag palit ng cell phone number. Masayang masaya siya sa nangyari biglang kinakabahan siya, imagine nag heart back Ang kanyang Babaeng gusto. di niya maipaliwanag kung bakit siya nagkaka ganito, kailan ba siya ulit umibig ng totoo ? Isa lang ang maalala niya noong panahon na sila pa ni Cindy Go kaya nga mabilis lang siyang nag move on sa kanyang previous relationship ehh dahil di Naman ganun Ang pag Mamahal niya kay Jackielyn. Habang nag iisip siya nang ganun bigla may nag flash sa kanyang ala-ala kaya sinipat niya ulit Ang larawan doon sa dating apps, TanTan Ang tawag sa dating apps na yun, makinis Ang babae, maputi, chinita at mahaba Ang buhok, bigla siyang natutulala, and sunod-sunod Ang sambit sa kanyang sarili, "ito yun ito nga siya nga siya nga talaga " coinsidence lang ba talaga or parang sa pelikula lang nangyari ito ehh. Kaya pala grabi Ang kabog ng kanyang dibdib kasi Ang Babaeng napupusuan niya sa dating na yun ay yun Ang Babaeng matagal na niyang nakikita sa kanyang panaginip. Oo totoo matagal nang nag papakita Ang Babaeng yun sa kanyang panaginip wala namang ginawa Ang babae sa kanyang panaginip nakangiti lang ito sa kanya tapos biglang nawawala. Kaya nga nag tataka siya kung diwata ba yung nag papakita sa kanya sa panaginip ehh. Di niya lubos maisip na darating Ang panahon na may ganito talagang mukha sa totoong buhay at may pagkakataon pang maka usap sila ngayon lalo't-lalo nang open na Ang kanilang communication. Nag iisip siya I message niya ba kaya Ang babae? hmm nag aalangan siya pero bahala na. kailangan niyang subukan halata Naman na gusto din siya ng babae ehh kasi nag heart back ito sa kanya. Habang nag dadalawang isip siya kung I message niya ba to tumingin muna siya sa labas, nga pala madilim na kailangan na niyang lumabas at kumain mamaya na Lang niya ito I message pagka tapos niyang kumain. Kaya dali-dali na siyang lumabas ng apartment niya pumunta sa karenderya at nag hapunan. Ganito lagi Ang buhay niya mula umaga, tanghali, at hapunan sa labas siya kumakain tamad kasi siyang magluto. Pagka tapos niyang kumain agad siyang umuwi sa apartment niya nag lakad lang siya di naman kasi malayo ang kinainan niyang karenderya. Nang makauwi na agad siyang pumasok sa kwarto niya nanuod lang siya ng Balita sa TV at pagka tapos niyang manuod agad niya ito pinatay. kinuha niya Ang cell phone niya at Hindi na siya nag dalawang isip agad niya pinadalhan Ang Chinitang babae ng mensahe. " hi po miss Chinita salamat po sa pag heart back Ang Ganda Ganda niyo po talaga Sana makilala pa Kita ng lubusan, ako nga pala si Jake, 26 years old ikaw po ba?" laman ng kanyang mensahe naisip niya tama ba kaya Ang pinadala niyang mensahe Hindi ba ito oa ? bakit walang pang reply? nakita niya online naman ang babae. Maya-Maya pa tumonog Ang cell phone niya agad niyang tingnanan Replay ng babae Ang nandoon. excited siyang basahin iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook