4Minute entered the stage cheerfully and performed their opening performance while Zeke and his colleagues went to the waiting room, where they watch the live performance of the idols.
Tutok na tutok naman sa panunuod sa live si Zeke. Syempre, and focus nya lang naman talaga ay kay Hyuna. He's amazed and impressed on Hyuna's baby-like voice when she rap and the group's vocal range.
Sa isip-isip nya ay bakit ba pag sila Hyuna ang pinapanuod nya eh ayos lang sakanya at hindi masakit sa tenga pag naririnig niya ang kanta nila, samantalang kung dati ay inis na inis talaga siya pag nakakarinig siya ng mga kanta ng kpop na pinapatugtog ng mga kasamahan nya sa trabaho.
I think I'm starting to like kpop. Is this because of her? tanong nya sa sarili nya na siya na din mismo ang sumagot. Kung pinagtuunan ko pala sila Paul ng pansin kakapilit manuod ng kung ano-anong MV ng kpop, siguro ngayon adik na din ako. Hindi naman na din siguro masama na maging silent kpop fan diba?
Sila Paul naman ay nagtataka na sa kinikilos ni Zeke habang nakatingin sa TV habang pinipigilan ang pagtawa.
Hala? Kinikilig ba to? Natuluyan na ata talagang mainlove si gago kay Hyuna. Mukhang may nahikayat nanaman akong maging fan ah. Minsan lang naman to matulala eh pagbigyan nalang natin magdaydream. Ah! Mai-video nga ng may pang blackmail hahahaha. sabi ni paul at pasimple nyang kinuha yung cellphone nya at vinideohan si Zeke.
Nakita naman ni Zeke si Paul na vini-videohan sya nito pero hindi nalang niya pinansin, focus na muna siya na panuorin sila Hyuna sa live video backstage.
Habang pinapanuod niya ang 4Minute na magperform ay napaisip sya na hindi pala niya dapat hinusgahan ang KPOP. Well he's not a basher or hater tho, ayaw nya lang pakinggan kase nga hindi naman nya maintindihan.
Ngayon narealize nya na tama ang sabi nila na "Music is a universal language." hindi basehan ang language as long as you can convey and inintindi mong mabuti ang feelings na gustong ipahiwatig ng singer sa pamamagitan ng kanta.
At nakita niya din na hindi basta basta magprepare ang mga kpop idols. Ngayon lang kase siya nasama sa project na kpop ang clients so he learned so many things about kpop throughout their preparation up to the day of the concert.
"Oppa, hey Earth to Zeke oppa?" saka lang siya nabalik sa ulirat ng marinig niyang tinawag siya ni Sohyun.
"There! Nakabalik ka na din sa wakas!" she pouted. Hala siya, ganon ba talaga ko katagal nakatunganga sa TV at di ko namalayan na tapos na pala ang concert.
"Sorry girls, na space out lang sa galing nyo magperform sa stage." palusot ko.
"Gwaenchana. We're tired but we enjoyed it a lot." Jiyoon
"Congrats girls!"
"We will have an celebration tomorrow night before we go back to Korea. We hope to see you all guys there." ngiting sabi ng manager nila
"We'll be there. Thank you" Paul
Umupo sila Hyuna sa upuan sa harapan ko at nagkwentuhan about sa kaninang concert habang nagliligpit ang manager at ibang organizers. Tumayo na din ako at tumulong para mabilis matapos.
Habang nagliligpit ay napaisip ako kung ano na ang mangyayare ngayong tapos na ang concert nila dito sa Pilipinas. Magkakaron parin ba kami ng contact pag bumalik na sila? Magkakalimutan na ba kami?
Hanggang sa paguwi ng bahy ay dala dala ko parin ang isiping iyon hanggang sa makatulog ako.