(D-DAY: HYUNA'S POV:)
The stage is lit! They really pulled out every detail of our requests. I can't hide my excitement as hours from now we will perform on this fabulous stage that Zeke's company organized.
All our Filipino fans are so cute and lovely! I just hope that they'll love our performance tonight.
We've been practicing here every day and right now, nagd-dry run nalang kami and just double-checking all of the equipment that will be used tonight.
As of Zeke, eto nakatingin nanaman ako sakanya sa malayo. He's looking at some paperwork habang kausap nya sila Paul and sa ilang araw na nakasama ko sya, nalaman ko na perfectionist sya in terms of doing his work. He's also passionate and calm kapag kausap mo sya.
He's a total package kumbaga. And during those times na kausap at nakasama ko sya, nagising nalang ako one-time na in love na pala ko sakanya. Siguro na love at first sight ako nung una kaming magkita sa company nila.
Simula non, gusto ko na lagi ko na syang kasama, kausap, kasabay kumain at kung ano-anong mga ginagawa nya and gusto kong malaman ang lahat sakanya. Pero bumagsak balikat ko nung nalaman ko sa mga kasama nya na hindi pala sya mahilig sa KPOP.
I almost gave up nung nalaman ko yon. Pero as what they've said, never give up! Hindi ako susuko. Kung kinakailangang gamitin ko ang kagandahan, kacute-an at kasexy-han ko gagawin ko, para lang magkagusto sya sakin. Ang landi ko! HAHAHA
And I am planning on confessing my feelings for him the day after our concert. Mas kinakabahan pa nga ako sa balak kong pag-amin ng feelings sakanya kesa sa sarili naming concert. Am I being crazy? Siguro nga oo. Pero ano magagawa ko, in love lang naman ako sa napakagwapong nilalang na ang pangalan ay Ezekiel. Shhh.
"Eonnie stop daydreaming already! Masyado ka ng napapaghalataan eh! Focus ka muna sa concert!"
I almost jump on my place nang narinig kong nagsalita si Sohyun. Gosh, di ko namalayan na ang silip lang san ana gagawin ko ay naging tulala na. Ramdam ko ding namula ako sa sinabi ni Sohyun and when I saw them giggling.
"Mianhae Sohyun-ah. Let's go and resume our practice." I glanced at him one more time and returned to my position to resume our practice.
3rd POV:
One by one, napupuno ang Arena. Lahat ay excited na mapanuod and 4Minute. Kanya-kanyang dala ng banners, light sticks at pictures ng bias nila ang mga fans nila and they're chanting their names already.
At the same time, Hyuna and the other members were already done in their makeup and opening stage outfits. Their staff was just putting their lapels as they're ready to rock the stage for their opening act.
Habang nag aantay sa waiting room ay nagk-kwentuhan muna ang mga members when Zeke knocked on the door and told them that it's time.
Just when they are about to go to the stage, Zeke called Hyuna and everyone teased them. Namula naman ang dalawa sa tilian ng lahat. Ngumiti nalang si Zeke para itago ang hiyang nararamdaman. "Goodluck, galingan nyo ha."
Dahil dito, ang dalagang si Hyuna ay namula ng todo dahil na rin sa kilig. "T-thank you, Zeke." Tanging nasabi nya.
"Mukhang may mahihimatay sa kilig dito ah." Natatawang sabi ni Jiyoon.
"Shhh wag nyo na asarin, mukha na ngang kamatis eh hahaha" sabi ni Jihyun.
"What's that term again. Sana all?" Gayoon said.
"Yes eonnie, mapapa sana all nalang talaga tayo." Sohyun added at nagtawanan ang lahat.
Si Hyuna naman ay hiyang hiya sa mga pinagsasabi ng mga kasama nya. May balak pa ata ang mga to na ibuking sya. Mabuti nalang at hindi narinig ni Zeke yon kung hindi baka napaamin pa sya ng maaga. She sighed and they went to the stage to start their concert. Saka nya nya iisipin ang mga bagay bagay at kung anong mangyayare. Sa ngayon, itong concert na muna ang ip-priority nya.