After 3 years... Sean's POV "Andito na pala kayo", sabi ko sa walong kasama ko. Nandito kami sa f*******n garden. Ginawa na namin itong tambayan. Wala kaming pasok ngayon dahil next week pa ang simula ng klase. Nasa higher level na kami ngayon. Ito yung parang college sa mortal world pero dito walang course dahil lahat pinag-aaralan namin. 3 years na ang nakalipas pagkatapos ng digmaan na iyon at ang dark at magic world ay nag-isa. Nung namatay si Nikka, bumalik na sa dati ang itsura ng f*******n garden. Hindi na siya kasing ganda tulad nung nandito pa si Nikka. At naging mas maganda ang technology ng Magic and Dark World. Nasabi na rin sa lahat nina Tita Avery at Tito Sidney ang totoo. Ang buong katotohanan ng aming pamilya. "Siyempre wala kami doon", pilosopong sagot ni Shiela. "Sw

