Cloud's POV Napatingin ako kay Kieffer na nakahawak sa braso ko. "Ayos ka lang? tanong niya. Nanghihinang tumango ako. "Cloud, Iha!" Napatingin kami ni Kieffer sa sumigaw. Si Manang Celia pala ito. "Anong nangyari sa iyo, Cloud?", tanong ni Manang Celia. "Sumakit lang ho ang ulo ko. Salamat nga pala Kieffer", sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin at nagpaalam dahil tinatawag na daw siya. Napatingin ako kay Manang Celia na nakatingin ngayon sa larawan ng prinsesa. Napatingin ako sa ibabang bahagi ng larawan. Princess Asela Nikka Xandra Celestine Daughter of Prince Haides Celestine and Xylene Forester Date of Birth: December 5, 1997 Date of Death: December 3, 2014 She is in the History now. Kung kailan malapit na birthday niya, dun pa siya namatay. "Anong sabi sa iyo nung batang iyon?

