Magic

890 Words
Shane's POV Nakatingin lang ako sa bintana buong biyahe namin pauwi. Di ko alam pero parang may mangyayari kaya hindi ako mapalagay. "Young lady nakauwi na po tayo" "Sige po Mang Edward kaya ko na po itong mga gamit ko ipark niyo na lang po itong sasakyan" Pumasok agad ako sa bahay at nakita ko si mommy na umiiyak sa lap ni daddy. "Mommy why are you crying po?" Pinahid agad ni mommy ang mga luha niya at umupo ng maayos sa sofa. "Anak sabi sa amin ng totoong mga magulang mo kapag umilaw na daw itong kuwintas na toh iuuwi ka na namin sa kanila." "Akala ko ba mommy nakita nyo lang ako sa labas ng bahay nyo?"  "Oo nga anak nakita ka namin doon pero mga 5 years old ka pa lang ata nung nakita ka namin. Pumunta dito noong last year yung mga magulang mo anak at binigay sa amin itong kuwintas. Sabi nila sa iyo daw ito at kapag umilaw ibibigay daw namin ito sayo at susunduin ka na raw ng guardian mo" Habang sinasabi nila iyon malalaman mong sila'y malungkot sa kanilang gagawin pero that's the good thing to do. "At ipapaliwanag daw namin sayo kung saan ka at kaming mundo nagmula"  Wait mundo may iba pang mundo dito maliban sa Earth baka sa Mars kami na katira. "Mommy naguguluhan po ako ano pong ibang mundo? Yung parang Mars po ba? Di ko po kayo maintindihan"  "Anak totoo ang magic" Agad akong napahalakhak. "Shems, Daddy, parang baliw naman toh. Dad, nakahithit ka ba ng shabu? O 'di kaya ay masyado ka ng nalulong sa kapapanood mo ng Harry Potter, 'di ba sabi ko na sa iyo dati na idelete mo na ang mga movies na iyon dahil halos isang daang beses mo ng pinaulit ulit iyon" Kung hindi ko ito mga magulang mapaghihinalaan ko itong takas sa mental biruin mo, totoo daw ang magic? Pfft. "Anak, totoo iyon. Isa akong teleporter at kaya kong pumunta sa ibang lugar sa loob lamang ng isang segundo", sabi ni Daddy. "Ako naman ay isang time controller", dugtong naman ni Mommy. "Sabihin na nating totoo po yang sinasabi nyo kung totoo po iyan, pero bakit ako po wala?", naguguluhan kong tanong. "Meron ka anak na kapangyarihan kaya lang di mo pa napapalabas dahil bata ka pa pero ngayon tuturuan ka ng mga guardians mo na ipalabas iyan" "Guardians? Ano po 'yun? Parang guardians of the galaxy? Ganun?" "Hindi, sila ang magsisilbing gabay mo" Pinigilan ko ang sarili ko na matawa sa mga sinasabi nila dahil mukhang seryoso talaga sila. "Kung ganon, bakit umilaw yung bracelet? Kung totoo yung sinasabi niyo, babalik na ba ako sa mundong kinabibilangan ko 'daw'? Wait, bakit ko naman kailangang bumalik? May magic sila, right? Hindi na nila ako kailangan kung ganon?" "Makinig ka sa amin at ikukuwento namin sa iyo", seryosong sabi sa akin ni Daddy. Tumango na lang ako bilang tugon. "May isang mundong puno ng mahika ang, Magic World. Dito nakatira ang mga taong may kakaibang kakayahan. May namumuno dito ito ay si King Stuart at Queen Hailey sila ang pinakamakapangyarihan sa magic world nung time na iyon. Nagkaroon sila ng dalawang anak si Prince Sidney at Prince Haides. Ang panganay na si Prince Haides ay isang matapang ngunit mapangmataas na tao habang ang kaniyang kapatod na si Prince Sidney ay isang mabait at maawaing tao. Nung araw ng koronasyon para sa susunod na hari ibinigay ni King Stuart ang kaniyang trono kay Prince Sidney. Ang reyna ay di pumayag dahil ang kaniyang paboritong anak na si Prince Haides ang nararapat. Dahil doon nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng hari at reyna. Napatay ni Prince Haides ang kaniyang ama ngunit napatay rin siya ng kaniyang kapatid. Dahil doon nilabanan ng reyna ang kaniyang anak ngunit hindi nila napatay ang isa't isa. Nilisan ng reyna at ng kaniyang mga tapat na alagad ang Magic World at gumawa ang reyna ng kaniyang kaharian ang Darkanian Kingdom. Nagkaroon ng asawa si King Sidney ito ay si Queen Avery. Hinati hati ni King Sidney ang Magic World sa Lima. Ito ang Air ,Fire, Wind, Earth at Magic Kingdom. Pinamumunuan ng mga kaibigan ni King Sidney na may kapangyarihan ng apat na elemento ang bawat kaharian. Nagpagawa si King Sidney ng isang akademya na naglalayong turuan ang mga mamamayan upang magamit sa digmaang hindi natapos. Ito ay kaniyang ipinangalanang Avery Academy na kinuha sa pangalan ng kaniyang minamahal na asawa. Nagkaroon siya at ang kaniyang mga kaibigan na anak sila ang pinakamakapangyarihang tao sa buong Magic World. Ngunit ang anak ni King Sidney ang pinakamakapangyarihan at pinakamalakas sa lahat ng aspekto. Siya ay si Asela Nikka Xandra Celestine. Ikaw iyon Shane. Ikaw ay may taglay ng lahat ng elemento,kakayahan at abilidad. Kaya ka dito napunta dahil sa isang portal na itinakda ng oracle. Bukas ka na ng madaling araw makakaalis. Susunduin ka ng iyong guardian. Kaya magpahinga ka na." "Wait, wait, wait, wait, wait, kung ako ang prinsesa, anong mangyayari sa akin dito?" "Kami na ang bahala sa bagay na iyon" "Basta magpakabait ka ha"  "Sandali lang, hindi pa masyadong nagsisink in sa akin ang lahat, medyo may kalawang na ata itong utak ko, ano? Uhm, wait, hindi ko maintindihan!", naguguluhan kong sabi. "Masasagot din ng iyong guardian ang lahat ng tanong mo. Kaya't umakyat ka na sa kwarto mo para magimpake at aalis ka bukas", utos ni Daddy. "But-" "No, but, but. Go to your room, now!" Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang utos nila. Ano bang nangyayari? Paano ako naging prinsesa? Aish! Makatulog na nga muna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD