Shane/Nikka's POV
"Anak, gising na nasa baba na ang iyong guardian"
Rinig ko ang sigaw ni mommy mula sa baba. Hayst, pagkagising na pagkagising koo, iyan na naman ang tungkol saa guardian at magic na yan.
Nakaimpake na yung mga damit ko, kahit labag sa loob ko pero parang may nakalimutan ako. Napaisip ako at tinitigan ang mga gamit ko. Hanggang sa biglang naalala ko ang box na nasa ilalim ng kama ko. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang necklace ko. Mukha itong friendship necklace at mukhang may kabiyak pa ito. Sinarado ko na ang box at pinasok ito sa maleta.
Naligo na ako at ginawa ang mga dapat kong gawin. Pagkatapos nito ay lumabas na ako dala dala ang maleta ko.
Pababa na ako ng biglang nakakita ako ng isang lalaking nakaitim na cloak sa labas ng gate. Nakatingin ito diretso sa akin ngunit agad ding nawala.
Pagdating ko sa living room ay agad kong nakita ang isang babae na mukhang mas matanda lang sa akin ng ilang years, siya ay katabi nina mommy at daddy.
"Hello Shane or should I say Nikka, I'm Yuri Granger but you can call me Ms. Yuri. It's a pleasure to be the guardian of the princess of the Magic Kingdom.", sabi niya at nagbow sa akin.
Mukhang siniseryoso talaga nila itong magic thingy na ito.
"Anak siya ang iyong ability guardian siya ang hahasa sa iyong abilidad gaya na teleportation, telepathy, mind reading, etc.", sabi ni Daddy.
"Isa ako sa iyong MGA guardian, Ako muna ang magtuturo sa iyo. Inuna kasi naming turuan ka sa physical. Para kung may time na hindi mo magamit ang iyong powers, may panlaban ka pa rin."
Tumango tango na lang ako at pilit na ngumiti kahit wala talaga akong naiintindihan sa mga sinasabi nila.
"Anak magpakabait ka doon ha", baling sa akin ni mommy.
"Opo mommy", sagot ko. Makikijoin ride na lang ako sa gusto niyo.
Hinatid ako nina mommy at daddy sa garden ng bahay namin. Kala ko pa naman kung saan kami pupunta.
"Dito bubuksan ni Ms. Yuri ang portal papuntang Crystal World, ang tahanan ng mga gods, goddesses at ng mga guardians. Dito ka daw nila sasanayin", pagpapaliwanag sa akin ni Daddy.
Ang dami namang ibang mundo, jusko. Paano kaya nila, gagawin ang portal achuchu na yun?
"OUVREZ LE PORTAIL DU!!", sigaw ni Ms. Yuri. Nakakagulat naman iyon.
Pagkasigaw niya ay may lumabas na isang portal. Agad ko itong nilapitan at inusisa. Shems! Totoo nga! Legit!
"Princess Nikka, ano pong ginagawa niyo?", rinig kong tanong ni Ms. Yuri.
"Hinahanap kung may daya-I mean ang galing, bravo. Pagigihan mong mabuti ah. Hehehe, tara pasok na tayo?", awkward kong sabi.
Naunang pumasok si Ms. Yuri habang ako naman ang sumunod. Nilingon ko ang mga magulang ko bago tuluyang nakapasok sa portal.
________________
Pagdilat ng mga mata ko, nakita ko ang isang malaparaiso na lugar. Akala ko hindi ko masasabi ito pero MAGIC IS REAL!
Napahawak ako sa isang puno ng maramdaman kong naout of balance ako. Medyo nakakahilo pala pumasok sa portal. Pero keri lang yan, masasanay din naman ako.
"Mahal na prinsesa, magpahinga po muna kayo bago natin simulan ang training ninyo", sabi sa akin ni Ms. Yuri.
Nakangiting tumango-tango lang ako.
Woah! Totoo talaga ang magic! Waahhh! Excited much!
__________________
Xander's POV
(Habang nasa Crystal World si Nikka/Shane)
Mark Xander Francisco. Red hair and red eyes. Nagcontact lens lang ako para hindi masabihang weird. Childish, playboy at ampon. Yes I'm an orphan. Alam ko na iyon simula nung bata pa ako. Sabi nila nakita daw nila ako sa gubat. Habang naghahanap daw sila ng kahoy para sa camp fire nila nakita daw nila ako. Sabi din nila baka 5 o 6 years old daw ako noon.
"Bro, nagtransfer na daw si Shane ng school", balita sa akin ni Nathan.
"Bakit daw?", tanong ko. Aba, first time kong magkaroon ng kaibigang babae tapos nagtransfer siya? Sayang!
"Di ko rin alam bro, basta yun lang ang balitang nakalap ko"
Tsk. Tsk. Chismoso.
Brain: Tinanong mo din 'diba?
Ayt! Shut up!
"Di ba sa kanila tong school bakit sya lumipat?", tanong ko ulit. Okay, ako na chismoso.
Nagkibit balikat lang siya at nagcellphone na. Galing. Nice talking.
Narinig ko naman na naguusap ang mga babae sa likod ko.
"Girls! May balita ako! Si Shane daw nagtransfer na", sabi ni Jade.
"Mabuti na iyon,para wala ng magrereyna-reynahan dito", masayang sagot ni Sapphire. Sus. Ikaw nga ang nagrereynareynahan dito eh.
"Porket sa kanila itong school, di tayo papatalo", sabi naman ni Pearl.
" Bakit daw ba sya nagtransfer?", yan din ang tanong ko Sapphire. Sana naman masagot ng mga chismosang ito.
"Hindi nga nila sinabi kung bakit, napakamisteryoso talaga nila", sagot ni Jade. Hayst, wala din naman pala akong napala pero tama sila, napakamisteryoso nga nila. Ikaw ang anak ng may-ari ng isang prestigious school kaya bakit mo gugustuhing umalis kung may benefits ka namang natatanggap?
Nakita ko ang mga best friend ni Shane. Tatanungin ko na lang sila baka alam nila ang nangyayari. Umupo ako sa tabi ni Agatha.
"Ummm, Agatha alam mo ba kung bakit nagtransfer si Shane?", tanong ko.
Umiling siya. "Hindi ehh, walang sinabi yung mommy ni Shane, ang alam ko lang sa ibang bansa sya ngayon nag-aaral"
"Nakakatampo nga ehh, iniwan kami ni Shane", malungkot na sabi ni Xiara.
"Sige salamat na lang"
Puntahan ko na lang kaya siya sa hahay nila at doon magtanong? Sandali nga lang, bakit ba ako concern? Ow, right, kaibigan ko si Shane kaya magtatanong ako. Tama, kaibigan.