Nikka/Cloud's POV "Ate oh", sabi ni Blue at binato sa akin ang isang papel na lukot-lukot na. "Ano toh?", tanong ko. "Schedule mo", napanganga naman ako sa sinabi niya. "Alam mo naman kung anong kapangyarihan ko di ba?", tumango naman siya sa tanong ko. "Oh, yun naman pala ehh. Bakit mo pa binigay sa akin ito?", tanong ko. "Kailangan iyang ipakita sa guard kung lalabas ka ng academy. Parang pass iyan. Di ko nga alam kung bakit may paganiyan- ganuyaniyan pa. Wala namang ganyan dati", napatango na lang ako sa kaniya at tinapos ang paglalagay ng mga damit ko sa cabinet na nandito sa dorm. Magkadorm kami ni Blue pero may 2 pa kaming kasama. Di ko lang alam kung sino. Sabi ni HM magpahinga daw muna kami at bukas na pumasok. Okay na rin ata iyon. Excited pa naman sana ako kanina, yun pala

