Nikka/Cloud's POV Humarap na ako sa life size na salamin. Ano, Cloud. Ayos na ba? 'Hindi, ibahin mo. Magdress ka' Ha? Ayoko nga. 'Tsk. Girly ako at hindi boyish. Kaya magbihis ka na para makatulog ulit ako' Wala na akong nagawa at pumunta na lang sa cr at nagbihis. Pinili ni Cloud yung black dress para daw kitang kita ang kaputian ko. Syempre sinabi lang niya sa isip ko. Oh, di ba? May taga-pili na ako ng damit. Humarap ulit ako sa salamin. Ayan, okay na ba? Tss, tulog na naman. -_- Pumunta na ako sa sala dahil doon daw ang mga magulang ko. Nakita ko si Manang Celia, isang maputi at magandang babae at isang gwapong matipunong lalaki. Cloud iyan ba ang mga magulang mo? 'Yap, ang ganda ng lahi namin noh?' Tss, oo na maganda na ang lahi nyo. 'Asdfghjklqwertzuiopyxcvbnm' Ano Cloud?

