Chapter 3

1687 Words
January 2013 - Present Ngayon ang araw ng pagkikita namin ni Oscar mula ng araw na iyon na itinuturing kong isa sa pinakamasaklap na pangyayari sa buhay ko. Labing tatlong taon na ang lumipas kaya wala na akong dapat maramdaman. Hindi ko na rin siya dapat paglaanan ng oras, kahit isang segundo pa iyon, dahil wala na siyang puwang sa buhay ko. Pero saan ba nanggagaling ang emosyon ko ngayon? Naiinis ako dahil hindi ko kayang itanggi na may maliit na parte ng puso ko na patuloy na nasasaktan. Hindi ko na dapat hayaang may makasakit pa ng damdamin ko, lalo na ang lalaking iyon na itinuring ko pang isang kaibigan. Si Ninong kasi kung bakit ako pa ang napiling maging alalay ng kumag na lalaking iyon. O, nagkataon lang kaya na noong dumalaw ako sa kanila, ako ang nakita niyang perfect solution sa problema niya. Ang malas ko naman talaga! I couldn't deny that what he told me was explosive though. Parang sariwa pa rin sa alaala ko ang pinag-usapan namin. "Chloe, it's good to see you! Do you know that I'm just thinking of you?" bungad sa akin ni Ninong noong dumalaw ako two weeks ago sa bahay nila. Nasa study room siya at nakaupo sa mahogany desk. People around me stopped calling me Elle when I entered college. Actually, I told them to start addressing me as Chloe. Tingin ko mas dalaga ang dating niyon. "Hi, Ninong!" bati ko sabay halik sa pisngi niya. "Well, maybe I'd acquired a new skill, reading people's mind?" Umikot ako sa mesa niya at umupo sa silyang nasa harap nito. Tumawa siya. Lumabas ang ilang guhit sa gilid ng kaniyang mga mata. May edad na siya ngunit hindi maipagkakaila na maraming babae pa rin ang magkakagusto sa kaniya. Napanatili niya ang ganda ng pangangatawan bukod pa sa matikas na anyo niya. “Ikaw talaga, Iha. Actually, I need your help. It's easy and this will even make you happy!" Pansin ko, para nga siyang excited. Nagniningning ang mga mata at malapad ang pagkakangiti niya. "Really, Ninong? Let me take a guess.” Pabirong inilagay ko sa sentido ang hintuturo ko. “Malaki ang kita ng kompanya. You decided to splurge and take me with you for a shopping spree!" Tumango siya at nagkunyaring napabilib ko sa ginawa kong panghuhula. "Well, the part about the shopping spree is true but not with me. Ang kasama mo ay 'yong dating best friend mo... si Oscar!" sabi ni Ninong na para bang naghihintay na tatalon ako sa tuwa. "Si Oscar?" Dumagundong ang dibdib ko pagkarinig sa pangalang iyon. "Yes, Iha. Remember your childhood friend? Teka, I think you used to call him Oskay, right?" pagmamalaki pang sabi niya. Lumaki ang mata ko sa kabiglan at saglit din na nawalan ako ng kibo. Nanuyo ang lalamunan ko kaya makailang beses akong lumunok. Akala ni Ninong ay matutuwa ako sa sinabi niya, subalit kabaliktaran niyon ang talagang naramdaman ko. Nakapagtataka ang kakaibang saya niya. “Mabuti na lang at napapayag ko s’yang dito na tumira. S’ya na rin ang gagawin kong tagapamahala ng ibang negosyo ko!” Ano nga ba ang koneksyon ng mapanghusgang Oscar na iyon kay Ninong at ganito na lang ang tiwalang ibibigay nito? “Matagal nang wala rito si Oscar, Ninong. Bakit napakalaki naman yata ng kumpiyansa n’yo sa kaniya?” “Matagal na ngang wala, pero sinubaybayan ko ang paglaki n’ya. Nakapagtapos na s’ya ng pag-aaral. Sa katunayan, accountant na s’ya at kailan lang ay pumasa s’ya sa bar exam. Abogado na s’ya ngayon!” “Sinubaybayan? Bakit n’yo naman gagawin ‘yon, Ninong?” kunot-noong tanong ko. Mabilis naglaho ang pagkakangiti niya. Nagpakawala rin siya ng malakas na buntong-hininga. “I guess I have to tell you the truth.” “Tell me what?” “That he is my son,” mahina ngunit seryosong saad niya. Napasandal ako sa upuan. Naitutop ko ang aking palad sa bibig at mariing ipinikit ko ang mga mata. Nabawasan ang mataas na pagtingin ko sa kaniya. Hindi pala siya naging tapat kay Ninang. Napansin ni Ninong iyon kaya nagsimula siyang magpaliwanag. Nagkaroon siya ng affair sa mother ni Oscar noong time na on the rock ang marriage nila. Naging sobrang selosa si Ninang mula nang malamang wala siyang kakayahang magkaanak. To be fair sa ina ni Oscar, hindi niya alam na kasal na si Ninong sa iba at kusa siyang humiwalay nang malaman niya na may asawa na ito. Napag-alaman ni Ninong na may anak siya noong mamatay ang ina ni Oscar. To make the long story short, iyon ang simula kaya nakarating ng Maynila si Oscar at ang Tita nito. Nalaman naman ni Ninang ang tunay na pagkatao ni Oscar nang makarating sa kaniyang kaalaman na bastardo si Oscar. Doon namuo ang hinala niya at nagsagawa siya ng imbestigasyon. Bumalik sa Cotabato sina Oscar na bitbit ang kaalamang ako ang nagsabi kay Ninang at nagkalat ng balita sa school tungkol sa kaniyang pagkatao. “I don’t want to justify my actions, but sometimes things just happen. Paggising mo, nasa isang sitwasyon ka na na hindi mo alam kung pa’no ka napunta ro’n at kung pa’no mo aayusin. I regret hurting my wife. I loved her and I still do.” Humugot siya nang malalim na hininga. “I’m not proud, because in a way, I wasn’t honest with her and to Oscar’s mother. Pero sa lahat ng nangyari, I do not regret having Oscar as my son.” Tinitigan niya ako nang mataman. Tila nangungusap din ang mga mata niya at nagsasabing sana unawain ko siya. Who am I to judge? Kung si Ninang nga natanggap uli si Ninong. At nakita ko naman na masaya silang nagsasama noon. Ngumiti ako. “It’s all in the past, Ninong. Ang mahalaga, sinikap mong itama ang lahat ng pagkakamali mo.” Nanumbalik uli ang saya niya. “So, you’ll help Oscar, then? Madali lang naman ‘yong gagawin mo. Sasamahan mo s’yang mamili ng gamit n’ya, pa’no ang tamang kilos, all the things that are necessary before I introduce him to society.” "I'm glad that you thought I can help him." Halos hindi ko mabigkas ang mga katagang iyon. "But I don't think I'm the right person. Marami namang iba r’yan who's more qualified. P’wede kayong kumuha ng stylist para mamili ng damit na babagay sa kaniya. I think, there's even a camp who can train him on how to talk and behave in a given situation. Parang beauty pageant school! There's also your friend's son, male companion, that I think is more appropriate," nakangiting panghihikayat ko. Nasa debate mode na ako nito. Naglalakad ako papunta-pabalik habang pataas-pababa naman ang kanang kamay. "Kaya nga ikaw ang pinili ko. You're a total package!" Nasa negotiation mode naman si Ninong. Lahat ng alas ilalabas para lang manalo sa argumentong ito. "You're all rolled into one. You know fashion, you know the trend. You're the epitome of class and elegance!” Inisa-isa niya sa kamay ang lahat ng katangian ko. “You have the connection and you even have some of them eating at your own hands! You just know what buttons to push and when to push it. That's what I want my son to emulate!" Yeah, right. I knw what buttons to push because I'd learned the art of eavesdropping. Ilan din ang mga bigating tao ang naging kliyente ni Mommy. I know their secrets. I know what made them tick. Noong bata pa ako, habang nasa session si Mommy with her patients, nasa adjoining room lang ako. It was just a tiny room. Kapag may pasyente si Mommy, sinasadya kong nakaawang iyong pinto para naririnig ko sila. Gustong-gusto kong makinig sa kaniya. She has a very soothing voice. Malimit ko siyang gayahin kaya nga ang galing kong mag-advice. I never told even a single soul kung ano man ang narinig ko roon. alam ko naman iyong doctor-patient confidentiality, "Thank you, Ninong, for the vote of confidence," mahinahong sabi ko. "But I still have to say no. I'm just not the right person for this.” Dahan-dahang isinandal ni Ninong ang likod niya sa upuan. Malungkot ang mga mata at laglag ang balikat niya. Mistula siyang isang magiting na mandirigma ngunit sa huli ay napagtanto niyang oras na para sumuko. Nakaka-guilty. "I thought you'll be able to lend a helping hand. Naalala mo no'ng first year high school ka?" malungkot na sambit niya. Nakapako ang mga mata sa isang bahagi ng mesa niya. Susulyap tapos iaalis din ang tingin sa akin. "Tinawagan mo ako mula sa school n’yo, begging for my help. Nadulas 'yong classmate mo dahil ‘di sinasadyang natisod mo." Did he just smirk? Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Na-fracture ‘yong braso n’ya dahil masama 'yong pagkakabagsak n’ya. ‘Di ba akong tumayong guardian mo kahit na nandito naman sa Pilipinas sina Pare? Ayaw mo kasing ipaalam sa kanila ang nangyari. ‘Di ba ako pa nga ang sumagot sa lahat ng gastos sa ospital?" Huminga ng malalim si Ninong. "Naalala mo no'ng foundation day n’yo? ‘Di b-" "Okay! Stop! Stop!" nanggagalaiting sabi ko. How will I know that Ninong will resort to blackmail just to get what he wants! Napaka-unfair talaga! "I'll try my best, Ninong, but-" "That's good enough for me, Chloe!" masayang sabi niya. Aba! Ang bilis maka-recover ni Ninong! Kanina malungkot lang, ngayon masaya agad! “But I still thi-” Sumabat agad siya. "Thank you, I know you wouldn't disappoint me!" nakangising sabi niya. Hindi ako makasingit kaya pinaikot ko na lang ang mga mata ko. "No need to thank me, because I'll work for a fee!" Hinablot ko iyong bag ko sa upuan at nagmamadali nang umalis doon. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa niya. Tsk! Naisahan ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD