Chapter 4

1653 Words
Bakit naman kasi hindi pa ako nagtapat kay Ninong? Sana sinabi ko na lang ang totoong dahilan na bitter enemy na kami ng anak niya. Kaya lang, paano naman kung pagdudahan niya rin ang integridad ko? Maaaring marami akong kapintasan pero kahit kailan ay hindi ako sumira sa tiwalang ibinigay sa akin. Parang nananadya pa yata na kung kailan darating ang anak niya, doon pa itinaon ang pagpunta niya sa Hongkong. Ako pa ang ginawang welcome party. Kahapon dumating si Oscar mula Cotabato, but he stayed overnight in a friend's house. Sabi ni Ninong, Oscar will be at their residence around 10:00AM. I got plenty of time, it is only half past six. That is what I thought! Paalis na ako kanina nang biglang humilab ang tiyan ko. Dala na rin marahil ng tensyon. Pasado alas-nuwebe na pero nandito pa rin ako sa bahay. Nagtagal ako sa toilet. On top of that, I have to change because my dress looks wrinkly. I have to retouch my make-up as well. Not that I am vain, but I just need to look my best. Nakarating ako sa destinasyon ko sa loob ng isang oras. Papasok na sana ako nang may maulinigan akong boses mula sa loob. I can safely say they are from Sophia and her loser boyfriend. Nagmamadaling akong pumasok para marinig ang usapan nila. I swear, I am not eavesdropping! Tama ba ang narinig ko? Inutusan ni Sophia si Oscar na kumuha ng inumin nila! Wala nang bago roon. Hanggang ngayon hindi niya kilala ang mga kasambahay ng Uncle niya. Palibhasa, mababa ang tingin niya sa mga ito, mga utusan lang, kaya hindi niya pinag-aaksayahan ng oras na makilala sila. Anyway, now is the right time to announce my presence. I schooled my expression to look cool and unaffected. Kahit alam kong magkikita kami ngayon, seeing Oscar face to face is certainly a shock on my system. Nakakainis dahil para akong namalikmata nang magtama ang paningin namin. Sino ba ang hindi maaapektuhan? He is so guwapo! On second thought...Yuck! Ano ba iyong suot niya? Slacks and barong? Kaya naman pala siya inutusan, mukha siyang body guard. At bitin pa ang slacks niya! I just saw his white socks peeping! Seriously, white socks and black leather shoes! Ano siya, grade 1? "I'm sorry I'm late, Attorney. I hope you've been introduced to Trevor and Sophia?" pambungad kong bati habang palapit sa kanila. Sinadya kong gamitin ang attorney para ipamukha kay Sophia ang pagkakamali niya. Ewan ko kung bakit kailangan kong ipagtanggol ang mokong na ito pero hindi ko napigilan ang makaramdam ng kaunting habag sa kaniya. Halatang asiwa siya sa sitwasyon. "Is he your visitor? Oh gosh! I thought he's one of the hel-" Bago pa man maituloy ni Sophia ang sasabihin, sumabat na agad si Trevor. "Don't tell me he's one of your suitors!” Tumawa si Trevor nang malakas, may kalakip na insulto rin sa boses niya. Matapobre din siya, bagay talaga sila ng nobya niya. “Getting desperate, are you?" "As it happens, Trevor, he's not my suitor. Anyway, I'd like you to meet Attorney Oscar... Gamboa." Pumihit akong paharap kay Oscar. "I hope you still remember me, Oskay?" halos pabulong na sabi ko. Sa tingin ko, noon niya lang napagtanto na ako iyong kababata niya nang banggitin ko ang palayaw niyang Oskay. Ako lang ang tumatawag sa kaniya ng ganoon. Kinastigo ko ang sarili. Bakit ba nadulas ang dila ko at nabanggit ko ang pangalang iyon? Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Kani-kanina lang ay naroon ang labis na paghanga sa mga mata niya. Ngayon ay napalitan na ito ng galit. "I do. How will I not?" mariing sagot niya. Nakatiim ang bagang at titig na titig siya sa akin. Nakaramdam ako ng alinsangan kahit malamig sa loob dahil sa tindi ng aircon. But I just play it cool and act as if I do not have a care in the world. I meet his gaze head on. “Or, shall we call you Attorney Oscar Zamora, Junior?” tanong ko. Nabaling ang atensiyon ko kay Sophia nang pagalit na nagsalita ito. Lumingon din si Oscar sa kaniya. "What did you mean Oscar Zamora, Junior?" bulyaw ni Sophia. Naniningkit ang matang ipinukol niya ang tingin kay Oscar. "Just a minute, I think I recognize you now. You're that bastard kid, aren't you?" Dinuro niya ito. "If I were you, I'll be careful with my words. I may be a bastard, but I'm no longer that helpless boy," malamig na sabi ni Oscar. "Who do you think you are? Utusan ka lang kaya wala kang karapatang sagutin ako!" Namumula na sa galit si Sophia. "Is it really that hard to understand? I thought Elle has already made that clear," ganting sagot ni Oscar. Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ko ang tawag niya sa akin. “I no longer go by that name. I’m Chloe now.” Tinalikuran niya sina Sophia at lumapit sa akin. “Then don’t call me Oskay because you’ve lost that privilege!” nagtitimping sabi niya. “I don’t intend to.” Umismid ako. Lumiit ang mga mata niya. “Good!” "Care to explain what this is all about, Chloe? Anong Oscar Zamora Junior ang pinagsasabi mo!" iritang tanong sa akin ni Sophia. Humarap uli si Oscar sa kanila. Sumulyap siya sa akin at hinintay ang paliwanag ko. Kahit masama ang loob ko sa lalaking ito, inunawa ko na lang dahil biktima rin siya ng mga kasinungalingan ni Sophia. "Simple lang, he's the biological son of Ninong. Inaayos na lahat ng papeles to legalize his claim as Ninong's legitimate heir. As soon as all the legal proceedings have been finalized, he'll be a Zamora." “That is ridiculous!” ‘di makapaniwalang saad ni Trevor. Hinagod ng daliri niya ang buhok. I wonder why he looks as upset as Sophia. "That isn't possible," nang-uuyam na sabi ni Sophia. "I don't believe you." "Ipagpaumanhin mo, Sophia, pero mas makabubuti yata kung si Papa ang kausapin mo tungkol dito." Talaga bang plano ni Oscar na gamitin ang salitang Papa? Sa tingin ko, ginagatungan niya lang ang galit nito. Marahil dahil sa panlalait na ginawa nito sa kaniya noon. "Papa? Ang kapal naman ng-" naputol ang sasabihin ni Sophia nang sumabat si Trevor. "This is going nowhere. Umalis na tayo, p’wede?" tanong ni Trevor. "No! I want this issue clarified right now! Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito? Surely, Tito Oscar will not withheld from me something as important as this," giit nito. "Maybe he didn't consider you important to warrant any explanations from him?" patay-malisyang suhestiyon ko. Bumunghalit ng tawa si Oscar na lalong nagpainit ng dugo ni Sophia. "Shut up! Just shut up!" sigaw ni Sophia. "For Pete's sake! Hindi mo ba nakikita na pinagtutulungan ka nitong dalawa? Tayo na!" Hindi na hinintay ni Trevor ang sagot ni Sophia. Hinablot niya ito sa braso at hinilang palabas. Narinig ko ang walang puknat na pagtatalak nito kahit malayo na sila. Napatingin ako sa gawi ni Oscar, we share a secret smile. Hindi ko namalayan na matagal kaming nagkatitigan. Kapwa namin inaalam ang bawat pagbabago sa aming pisikal na itsura sa lumipas na labing tatlong taon. Nawala ang nakapagkit na ngiti sa aming mga labi nang maalala namin kung ano kami sa isa't isa. Umiwas ako ng tingin. Tumagal din ng ilang saglit na walang kibuan sa aming dalawa. Ako na ang unang bumasag ng katahimikan. "Whew! That went well. Didn't it?" "Yeah," tipid na sagot niya. "Umm..." Walang akong maisip sabihin, medyo nakaramdam din ako ng pagkailang. Nakakatindig balahibo naman kasing tumitig ang taong ito. Saglit ko tuloy nakalimutan ang sama ng loob sa kaniya. To compose myself, kinuha ko ang ballpen at notebook mula sa bag ko. Hinanap ang pahina kung saan ko isinulat ang itinerary para sa araw na iyon at nagkunyaring binasa iyon. "I'm supposed to tour you around the house. Malaki na rin kasi ang pinagbago nito mula nang umalis ka. Kaso, I don't think we have enough time. So, I'll just show you to your room." Nagpatiuna na ako sa paglalakad. Hindi naman siya mawawala sa loob ng mansyon. Sa ilang taong inilagi niya rito noon, tingin ko kabisado niya pa rin ito. Gusto ko lang siyang ilibot para makita ang reaksyon niya sa mga pagbabago rito. Ako kasi ang nagdisenyo at nag-decorate nito nang magdesisyon si Ninong na i-renovate ito. "Napag-usapan namin ni Ninong na ibigay sa 'yo 'yong k’warto sa dulo, para mas magkakaroon ka ng privacy. This is also the next largest room after the master's bedroom." Tuluy-tuloy na paliwanag ko upang mapagtakpan ang kabang nararamdaman. Wala akong narinig ni isang salita mula sa kausap ko. “So okay lang ba kung nasa dulo ang silid-tulugan mo?” “Yeah.” “Kumusta pala ang biyahe mo?” “Mabuti.” “Nanibago ka ba sa pagluwas mo rito sa Maynila?” “Medyo.” Gustong tumirik ng mga mata ko sa inis. Nagtimpi lang ako. Paisa-isang salita lang ba ang kaya niyang sabihin? “May paborito ka bang kulay?” Naisip kong itanong para may basehan ako sa pagpili ng damit niya. Lumingon ako sa kaniya. Nakasunod siya sa likod ko kahit puwede namang siyang sumabay sa akin sa paglalakad. Sumulyap siya sa akin at umiling. “Black and white.” Tuluyan nang umikot ang mata ko. Black and white. Halata naman. Black slacks, white barong. Black shoes, white socks. Pero at least, nag-improve iyong sagot niya. “May preference ka ba pagdating sa mga damit? Tulad ng fitting o texture ng tela?” Tumingin uli ako sa kaniya. Nagtatakang kumunot ang noo niya. Hindi ba ipinaalam ni Ninong na ako ang kasama niyang mamimili ng gamit niya? “Wala!” sagot niya. Uh-uh. This is going to be a long day indeed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD