Chapter 7

2139 Words
Malayo pa lang ay dinig ko na ang malakas na sigaw ni Mr. Zamora, iyan pa rin ang tawag ko sa kaniya hanggang ngayon. Nagmamadaling tinungo ko ang study room na nagsisilbing opisina rito sa bahay. Nasalubong ko si Chloe sa pasilyo na sa tingin ko ay roon din patungo. Tango ang tugon niya sa pagbati ko. “What’s wrong with him?” tanong niya. “I’ve no idea.” Sinuyod ko siya ng tingin. She looks beautiful, too damn beautiful for my own peace of mind. “I need to talk to you.” “You need me.” Ngumiti siya at sinadya talagang baguhin ang ibig kong sabihin upang asarin ako. “Bago ‘yon, ha.” “Cut the crap,” sita ko. Seryoso ako. “Tinawagan kita pero hindi ka sumasagot.” Napawi ang ngiti niya sa labi. Ikiniling niya ang ulo sa kanan at humalukipkip siya. “Wala akong obligasyong sagutin ang tawag mo. Besides, I’m busy.” “Common courtesy dictates that you should at least answer your phone when somebody rings you.” “I agree if it’s my business line. Personal number ko ang tinawagan mo kaso wala ka sa contacts ko kaya ‘di ko sinagot.” Hindi ako naniniwala sa palusot niya. “I left a message in your voicemail.” “Which happens to be too terse and demanding. At tulad ng sinabi ko kanina, wala akong obligasyong sagutin ‘yon.” Pumunit sa usapan namin ni Chloe ang malakas na boses ni Mr. Zamora. Parehong kaming napalingon sa direksyon ng study room. Humakbang si Choe papunta roon. Hinayaan ko siyang magpatiuna sa akin. Huminto siya sa bungad, gayun din ako. Tumayo ako sa bandang likuran niya. "Tumawag ka sa bangko, Dotti. Magreklamo ka at mukhang na-hack ‘yon credit card ko! Pa-close mo na agad at baka may madagdag pa na charges," namumula ang mukhang sabi ni Mr. Zamora. "Bakit ho, Sir? Magkano ba ang na-charge?" tanong ni Dotti. Siya ang personal assistant nito. Minsan, dito sa bahay muna siya tumutuloy bago pumunta sa opisina. "Kulang-kulang isang milyon!" sagot ni Mr. Zamora. "Ha! Kailan ho na-charge? Anong credit card 'yon?" "Last week lang, no'ng nasa Hongkong ako. Gold Mastercard ko ang ginamit." "Eh, ‘di ho ba 'yon ang card na ibinigay n’yo kay Chloe last week?" Nagpatuloy pumasok sa loob si Chloe, samantalang nanatili ako sa kinatatayuan ko. Sumandal ako sa hamba ng pinto. Isinuksok ko ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon at pinag-ekis ko ang paa. “She’s right. Iyon nga ang ibinigay n’yo sa akin.” Humalik si Chloe sa pisngi ni Mr. Zamora at umupo sa silyang nasa tapat ng mesa nito. “May problema ba, Ninong?” "Tama ba na halos isang milyon ang napamili n’yo?" ani Mr. Zamora. "Parang mga gano’n nga po. ‘Di ba inabot ko sa 'yo, Dotti, 'yong lahat ng resibo? Nakalagay 'yon sa isang brown envelope," sabi ni Chloe. “Itinago ko. Teka’t ilalabas ko.” Pumunta si Dotti sa filing cabinet. Iniabot niya ang isang busog na busog na envelope kay Mr. Zamora. Muli siyang bumalik sa mesa niya at nagsimulang tumipa sa laptop niya. Napatayo ako nang tuwid. Tumambol ang dibdib ko sa lakas ng kabang nararamdaman. Balak bang siraan ako ni Chloe sa mata ng ama ko at palabasing gahaman ako sa salapi nito? Natatawang nagpalipat-lipat ang mata ni Chloe sa amin ni Mr. Zamora na bumuka-sara ang bibig ngunit wala namang tinig na lumalabas doon. Samantalang ako, namumutla sa kabiglaan. Inilabas ni Mr. Zamora ang mga resibo at tiningnan iyon isa-isa. "Bakit ang daming bags nito?" Umayos ng upo si Chloe. "Kaya marami kasi depende ‘yan sa purpose. Bumili ako ng luggage bag pang overseas. May bag na pang one week local travel. Mayroon ding bag pang overnight,” mahinahong paliwanag niya. “Nabanggit mo po na isasama mo siya sa mga laro mo sa tennis kaya binilhan ko na rin siya ng bag pang tennis. I’m sure pupunta siya sa gym, kaya kumuha na rin ako ng bag para doon. Dapat may bag siya pang opisina” – inisa-isa niya sa kamay ang iba pang kakailanganin ko – “bag pang casual wear at ‘yong iba ay spare para kung may masira may kapalit agad." Halos mahilo ako sa dami ng klase ng bag na sinabi niya. Isa nga lang ang bag na gamit ko. All purpose na iyon. "Bakit bumili ka ng luggage bags? Wala pa naman siyang plans to travel!" "Eventually he will, so I saved you the trouble of buying it later," kibit-balikat na sabi niya. Cool pa rin siya samantalang ako ay umuusok pati bumbunan. Gusto kong pilipitin ang leeg niya. Kung magsalita ay parang balewala ang isang milyong piso. "Hmm," sabi ni Mr. Zamora at nakita kong tumango pa. “I think you’re right.” I can't believe it! Are they for real! “Hindi pa naman ho nagagamit ang mga ‘yon. Palagay ko p’wede pang ibalik lahat ‘yon,” sabat ko. Umiling lang si Mr. Zamora at nagpatuloy sa pagbabasa ng mga resibo. "Ano 'tong ladies bag at shoes? Don't tell me they're for him!" Pinandilatan nito si Chloe. Tinawanan niya lang ito. "Of course not! They’re mine. That's the payment for my services rendered." Ngumiti siya nang ubod tamis. “Naisahan na naman kayo ng inaanak n’yo, Sir,” sabi ni Dotti. Saglit siyang huminto sa ginagawa para mangantiyaw. “Oo nga, hindi na ako nadala,” sang-ayon ni Mr. Zamora. Pinasadahan ng tingin niya ang iba pang resibo. "Five dozens brief and boxers!" Balewalang tumango si Chloe. "Ten dozens sana 'yan. Kaso ayaw magsuot ng anak n’yo ng underwear bukod sa white or dark colours. Bibili din sana ako ng pink, yellow, purple para terno sana sa shirts niya." Seryoso ba siya o nambubuska lang? “One dozen is more than enough for me. I’ll return the rest,” giit ko. “Gusto ko ‘yong rainbow colour na underwear. Sana binili mo,” humahagikgik na sabi ni Dotti. Tulalang napatitig naman si Mr. Zamora kay Chloe. "Pink, yellow...I think I need to see those shirts," manghang sabi nito. Nagmamadaling tumayo siya at naglakad. “Would you lead the way, Son?" "Of course, Sir," sabi ko. Nagpanting ang tainga ko nang marinig ko ang masayang biruan ng dalawang naiwan sa silid. I have been betrayed for the second time by that woman. Hirap man, pinilit kong kontrolin ang sarili ko. "Look, Sir. I'm really sorry about this. When those things arrived, I knew there was a mistake. Tumawa lang kayo nang sinabi ko ho sa inyo ‘yon. I tried ringing Chloe, but she was not answering her phone. I haven't worn anything, so I’ll return everything!" "Just let me take a look at what that girl bought for you." Ngumiti siya na lalong nagpakonsensya sa akin. Pumasok kami sa silid ko. Binuksan ko ang lahat ng cabinet, mga drawer at shoe racks. Tumambad sa paningin ni Mr. Zamora ang maayos na pagkakasabit ng mga business shirts in white and pastel colours, several pairs of suits in different colours, sport coats, jeans, casual khaki pants. Maayos ding nakasalansan ang polo shirts, t-shirts, sweaters and hoodies. Sa drawer nakalagay ang mga leather belt, necktie, sleepwear, underwear and other men's accessories. Maliban sa presyo, walang puwedeng ipintas sa mga ito, lalo na sa mga sapatos. Kompleto rin iyon from casual sneakers to fancy dress shoes. Hindi pa rin ako makabawi sa panggigilalas habang sabay naming sinusuri ni Mr. Zamora ang mga pinamiling gamit. That woman is insane! Isang milyon ang nawaldas sa loob lamang ng isang araw at ginastos sa walang katuturang bagay! "These are...” He seems lost for words. “Impressive! I like them. Beautiful. It’s awesome. These are just want you need, Son. I knew that girl wouldn't disappoint me," sabi ni Mr. Zamora na halatang natuwa. Hindi iyon ang inaasahan kong reaksyon niya. "What? Aanhin ko ang ganito karaming damit? Hindi naman ako modelo. Aside from that, these things cost the earth!" 'di makapaniwalang saad ko. "Well, that's because you bought everything in one go. Besides, you deserve every one of them, Son!" Tinapik-tapik ako sa balikat ni Mr. Zamora. “I owe that girl a favor, wala na akong dapat isipin pa dahil nabili na niya lahat ng kakailanganin mo." Nang bumalik kami sa study room, nakaupo pa rin si Chloe sa dating puwesto niya. Bored na pinagmamasdan ang kuko sa kamay. Umaliwalas ang mukha niya nang makita kami. "What do you think, Ninong?" excited na tanong niya, parang batang tuwang-tuwa. "I like them! I can't wait for my son to wear them. Maganda talaga ang taste mo, Iha," nakangiting sagot ni Mr. Zamora. Pumalakpak si Choe. "Of course! That's where I'm really good at," nagmamalaking sabi niya. “Yes! Ang galing mo!” sabi ni Dotti. Walang dudang doon siya mahusay, ang gumastos. Ano pa nga ba ang dapat asahan sa isang taong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig? "Akala ko matingkad na kulay ang binili mo at magmumukhang bading ang anak ko kapag isinuot ang mga 'yon.” Tumikwas ang mga daliri ni Mr. Zamora na ikinatawa ng dalawang babae. “I really like those pastel colour shirts, mukhang babagay sa kaniya ang mga 'yon." "Gano’n ang usong colour ngayon, Ninong. Why don't you try it? Para hindi masyadong conservative ang ayos mo," suhestiyon ni Chloe. "I might, Iha. One of these days, I might just do that." Tumango-tango ito. "I can offer my services, Ninong, if you need them." "Well, masakit pa rin sa bulsa 'yong kapalit na bag at sandals." Nakangiti si Mr. Zamora nang sabihin iyon kaya alam ko na nagbibiruan sila. "Mura lang. I’ll charge you two thousand pesos an hour. Discounted na ‘yon." "Don't you think that’s overrated?" Hindi ako makapaniwala sa naririnig na palitan ng salita nilang dalawa. Gusto ko nang umalis ngunit nagtimpi ako. Kailangan kong makausap si Chloe. Nagpaalam na siya kay Mr. Zamora at Dotti. Nilagpasan niya lang ako nang dumaan siya sa tabi ko. Sumunod ako sa kaniya. “I told you that I need to talk to you,” tiim-bagang na sabi ko. “I don’t appreciate what you did. Ginawa mo akong tanga!” Huminto siya at hinarap ako. Muntik na siyang bumangga sa dibdib ko. Hindi siya umatras at wala akong balak humakbang patalikod. Tumingala siya at sa sobrang lapit namin sa isa’t isa, naramdaman ko ang buga ng hangin mula sa kaniya na tumama sa bandang leeg ko. “I did what Ninong told me to do,” malamig na sabi niya. “But you know that I’m going to pay for those!” Tumaas ang isang kilay niya. “I can’t remember you setting a limit.” “And that’s my biggest mistake. I forgot that you can not be trusted!” Napasinghap siya. She staggers backwards. Namutla ang kani-kanina lang na namumula niyang pisngi. Naniningkit ang matang tinitigan niya ako. “We shouldn’t forget what happened in the past, right? Big of you to remind me!” “Some things don’t really change. Ano bang gusto mong mangyari? Siraan ako sa mata ng ama ko?” “I’ll let you decide for yourself.” Nanunuyang tinitigan niya ako. “Matalino ka naman.” Tumalikod siya. Nakakailang hakbang pa lang siya ay muli niya akong hinarap. May hinanap siya sa loob ng bag niya habang naglalakad palapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at lumagapak ang inilagay niya roon na isang puting supot. “That’s the reason why I’m here. Naisama ‘yan sa shopping bag ko at naiuwi ko sa bahay. Hindi ko na inaasahan na magpapasalamat ka. So I’m going to give myself a big pat on my back.” Tinapik niya ng dalawang beses ang sariling balikat. “Thank you, Chloe, for doing a great job!” “You don’t expect me to say that,” marahas na saad ko, sabay ang pag-iling. “Obviously, we see things differently.” “I know. How sad, right?” mahinang sabi niya. Tumalikod siya at muling humakbang palabas. “That thing about you paying all those bills? Forget it. That’s ridiculous from the very start.” Naikuyom ko ang mga palad ko. Saka ko lang naalala ang bagay na hawak ko. Sinilip ko ang laman niyon, tatlong maliliit na kahon ng mga mamahaling relo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD