Chapter VI: D.I.D. Club

1643 Words
Hermes' Point of View Nandito ako sa isang clubroom ng school. Ganito kasi ang nangyari ng nakaraan araw ( Flashback *a few days ago* ) May pinapakuha sakin si kuya Apollo kaya nandito ako ngayon sa isang crime scene na isang bahay kahit na tanghaling tapat. Palihim akong pumasok sa harang at nakita ko ang target ko, ang Deducting and Investigating Detectives Club o D.I.D. Club kailangan ko kasi pasukin ang club na ito dahil itong club na ito ay ang club na nag-iimbestiga sa U.W.A.C. at dahil isa itong lihim ang organisasyon kaya kailangan ko silang iligaw at ang umpisa nito ay ang pagkuha ko sa isang Flashdrive. " Ang hirap naman nito!! Ang mga clue ay nandirito kaya anong kulang?! " sigaw ng isang babae na kaedad ko sa kasama nyang lalaki Ang babae ay may mahabang itim na buhok na abot hanggang beywang na naka-ponytail, bangs na halos tumakip ng kanyang mata, dark brown na mata, matangos na ilong, pink lips, flat chest at nakasuot ng school uniform. Ang lalaki naman ay mukhang grade 10 na may semi kalbo na gupit, itim na mata, pango na ilong, maitim na labi, batak na katawan, at suot din ang school uniform. " Lagyan mo ng logic. Paano nga ba ginawa ng kriminal ang krimen? " sabi ko " At paano naman lalagyan ng logic yan kung meron na ito umpisa palang!! At sino ka at ano ginagawa mo dito!!?? " sabi ng babae sakin " Kalma ka lang Rose, ako nga pala si Chris Domingo. " sabi ng lalaki na kasama nito at inilahad ang kamay para sa handshake " Hermes Ibarra. " sabi ko at nakipagkamay sa kanya Isang murder scene ang nandito. Tinignan ko ang mga traces ng crime scene at pumunta sa isang taob na upuan di kalayuan sa isang trace ng tao at May dugo na nakakalat. Ini-imagine ko ang pangyayari, isang tao ang pumasok dito, nakilala sya ng biktima kaya pinilit nyang sinara ang pinto at ng hindi nya ito maisara ay tumakbo sya papuntang kusina. Kukuha sana sya ng isang bagay na pangprotekta sa sarili pero bago nya pa ito makuha ay binatukan sya ng upuan. Pagkatapos ay sinaksak sya ng salarin. Tinignan ko ang upuan at nakita ko ang bahid ng dugo, pumunta ako sa pwesto kung saan posibleng binato ang upuan at napansin ko rin na imposible na matamaan sa ulo ang biktima maliban nalang kung hindi ordinaryo ang salarin. Tinignan ko ang paligid kung saan natagpuan ang katawan at nakita ko sa isang sulok ang isang kutsilyo na sa tingin ko ay hindi ordinaryo dahil sa mga nakaukit sa hawakan nito. " That's weird. Only something enhance could lift that chair and throw it like that. " sabi ni Chris " Napansin mo pala. " sabi ko " Nakita ko kasi na tumingin ka sa upuan at mukhang tama ka. Ang biktima ay tinamaan sa ulo ng isang upuan. Pero bakit sya nandito sa kusina? " sabi nya " Kukuha sya ng pang-depensa nya. " sabi ko at tumingin silang dalawa sakin " Mukhang nakilala ng biktima ang suspek kaya pinilit nyang isinara ang pinto. At ng hindi nya ito maisara ay mabilis syang pumunta ng kusina para kumuha ng pang-depensa nya pero bago pa sya makakuha ng sandata nya ay natumba sya dahil binato sa kanya ang upuan na iyon at bago pa sya makatayo ay tumakbo ang suspek na mukhang may dalang patalim at sinaksak sya. " pag-explain ko sa kanila " At paano natin malalaman kung sino ang suspek? " tanong isang pulis na pumasok " Ang tanging tao na wala dito ay syang suspek dahil isa itong assassination. " sabi ko " Huh, wala namang kaalitan ang biktima kaya papaaano naging isang assassination ito? " sabi ng babae sakin alam ko sa sarili ko na kailangan kong magsinungaling sa irarason ko " Simple lang naman, tumingin kayo doon. " turo ko doon sa sulok kung saan nakita ko ang kutsilyo Tumingin sila sila doon at nakita ang kutsilyo. Tinignan nila ito ng maigi at tumingin sakin na para akong isang baliw. " Sa tingin ko ay hindi ito ordinaryong kutsilyo at nagkaroon ng interes ang nagpapatay. Sa aking palagay ay hindi pumayag ang biktima sa gusto ng nagpapatay kaya ito ang nangyari. " sabi ko " Officer may kamag-anak ba o pamilya ang biktima? " tanong ko sa pulis na kasama namin na may maikling buhok,dark brown na mata, pangong ilong, maitim na labi, brown na balat, at payat na katawan. " Meron syang anak na sa elelementary, grade 6. Nag-aaral sya sa Olongapo City Elementary School at kinuha na sya ng kasama namin. " sabi nya at saktong pumasok ang isa pang pulis kasama ang isa pang pulis kasama ang isang batang lalaki na may kulot na itim na buhok, singkit na mata, pango na ilong, mapulang labi, at at sakto ang pangangatawan. ( End of Flashback ) Nung tinanong ko ang bata ay nalaman ko na ang kutsilyo ay isang pamana ng lolo nya sa tuhod. Nagkaroon ng interes dito ang boss ng tatay nya dahil sa pinaniniwalaan ng pamilya nya na mabibigyan ang kung sinuman may hawak nito ng kapangyarihan. Ibinigay ko ang kutsilyo sa bata habang ang mga pulis ay hinahanap ngayon ang dating boss ng tatay nya. " Okay, Welcome to the D.I.D. Club Hermes, ako nga pala si Ember Hernandez, " sabi ng isang babae na may maikling buhok, dark brown na mata na nakasalamin, pango na ilong, mapulang labi, flat chest at payat na katawan " ( turo ni Ember sa babaeng may brunette hair na abot hanggang dibdib, dark brown na mata, matangos na ilong, mapulang labi, maputing balat, balingkinitang katawan at sakto na laki ng dibdib ) sya naman si Katherine Escobar, ( turo ni Ember sa lalaking patpatin na may itim na buhok, itim na mata, maputlang labi , maputlang balat at nakasuot ng gusot na uniform ) Sya si Arthur Dela Cruz,( turo ni Ember sa babaeng may itim na buhok na abot hanggang dibdib, dark brown na mata, pango na ilong, maputlang labi, maputlang balat, balingkinitang katawan at sakto na laki ng dibdib ) sya si Estrella De Guzman o Esther, ( turo ni Ember sa lalaking sakto ang pangangatawan na may itim na buhok, dark brown na mata, mapulang labi, kayumangging balat at nakabukas ang polo ) sya si Jeremiah Del Rosario, ( turo ni Ember sa lalaking patpatin na may itim na buhok, dark brown na mata, mapulang labi, kayumangging balat at nakasuot ng jacket na asul) sya naman si Jake Domingo at syempre nakilala mo na sina Chris Domingo at Rose Anne Andres. Ang pagmi-meeting-an natin ay papanatilihin nating lihim hanggang sa malaman natin kung ano nga ba ang organisasyon na ito at bakit sila konektado sa kasong ating din iniimbestigahan. Sa mga nakaraang buwan na pag-iimbestiga namin ay nalaman namin na hindi lang kami ang nag-iimbestiga sa kasong ito. Ang organisasyon na tinatawag na U.W.A.C. ang inimbestigahan namin dahil narin sa curiosity na malaman kung ano ang pakay nila sa kaso at ang tanging lead lang na nahanap namin ay ang misteryosong koneksyon ng lolo ni Katherine at itong kasong ito. " sabi ni Ember Kinuha nya ang isang flashdrive na aking target at doon na ang aking Plan A. Namatay na ang mga ilaw at mabilisan kong binulong ang spell na Reaksyon ng mga Kadena para sa nakakatakot na sound effects at panghila sa iba pang mga tao. Sinimulan ko ang paghila sa kanila na magiging distraction at kinuha ang flashdrive. Natapos ito at lahat sila ay confused sa nangyari. Rose's Point of View Ang weird, nung pumasok sa clubroom ang lalaking may itim na buhok na may bangs, dark brown na mata, matangos na ilong, maputlang labi, medyo patpatin na katawan na nagngangalang Hermes Ibarra ay nakaramdam na ako ng isang mysterious vibe na nagmumula sa kanya at nangyari na habang nagsasalita si ate Ember ay namatay ang ilaw at may pumulupot na kadena samin at ilang saglit ay nawala din ito at nagbukas na ang ilaw. " Anong nangyari? " sabi ni Hermes at feeling ko na parang pinepeke nya lang ang pagiging confused " AAAHHHHH!!! ANG FLASHDRIVE!!!! " sigaw ni Ember at nakita namin na wala na ang flashdrive " Mukhang sinadya itong ginawa para makuha ang flashdrive. " sabi ni kuya Arthur " Sa tingin ko ay nandidito parin yung flashdrive. " sabi naman ni kuya Jeremiah at tumingin ako kay Hermes " Bakit ka nakatingin sakin? " tanong nya " Dahil sa nakapagtataka naman na dito ka sumali sa club na ito kahit marami kang mapagpipilian, tanong ko lang ano ang pakay mo at sumali ka ng club na ito? " sagot ko sa kanya " Ang totoo nyan ay hinahanap ko ang kuya ko na ilang taon na ring nawawala. " sabi nya " Hindi bale tutulungan ka namin na mahanap ang kuya mo. " sabi ni Ember Magsasalita na sana sya ng may nag-ring na cellphone at kinuha nya ang phone nya sa bulsa nya at sinagot ito. " Hello ate Arty? Ano?! Sige bibilisan ko na. Sorry at nandyan na ang sundo namin, salamat at mauuna na ako! " sabi nya at umalis na ng clubroom " Alam nyo parang may mali sa sinabi nya. Parang may kulang. " pagpuna ko sa sinabi nya " Kung gusto mo ay imbestigahan mo sya. " sabi ni kuya Jeremiah " Tulungan pa kita!! " sabi sakin ni kuya Jake " Una nako. " sabi ni kuya Arthur " Hoy, wait lang!! " sabi ni Ember kay Arthur Ember's Point of View Hinabol ko si Arthur palabas ng clubroom at huminto sya " Huwag ka mag-alala dahil may copy ako ng laman ng flashdrive, papasa ko sayo ito. " sabi nya at nag-walk out. End of Chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD