Rose's Point of View
Nandito ako ngayon at sinusundan si Hermes. Ilang araw ko na sya iniimbestigahan pero wala parin ako makitang mga kakaiba sa kanya at sa lahat ng mga pagkakataon na sinusundan ko sya ay nawawala ko sya pero hindi ko na hahayaan na mawala sya sa paningin ko ngayon. Nakita ko sya na pumasok sa isang eskinita kaya sinundan ko sya at pagkapasok ko sa eskinita ay nakita ko sya na nakaharap sakin. Nanlilisik ang mga mata nya habang nakatingin sakin.
" Bakit mo ba ako sinusundan,huh? " tanong nya at pansin ko na ang boses nya ay walang emosyon.
" At bakit ko naman sasabihin sayo? " sagot ko sa kanya.
Magsasalita na sana sya ng may narininig kaming isang nakakakilabot na tunog na nagpataas ng mga balahibo ko at lumabas mula sa mga anino ang isang maliit na nilalang na makikita lang sa mga fairytales, isang duwende. Pero hindi sa duwende nanggaling ang nakakakilabot na tunog dahil may lumabas na isang maligno.
" Lupang Harang! " narinig kong sabi ng duwende at may diblang umangat na lupa sa harapan ko
" Tch, takbo na! " sabi nya sabay hablot sakin sa braso
Mabilis syang tumatakbo habang hawak ang braso ko at medyo malayo na rin ng huminto kami. Magsasalita na sana ako ng may naramdaman ako at dibla akong nahilo at natumba. bago magdilim ang paningin ko ay narinig akong sinabi nya
" Sorry pero hindi mo ito pwede malaman. "
Hermes' Point of View
Nung nawalan na sya ng malay ay napapikit ako at huminga ng malalim at nag-indian seat at pumikit para mag-concentrate. Ilang araw na ang nakakalipas ay nalaman ko na may kakayahan akong pumasok sa isipan ng tao sa pamamagitan ng astral projection. Naramadaman ko na naghiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko kaya binuksan ko na ang mata ko at nakita ko na nakahiwalay na ako sa katawan ko at tinignan ko ang katawan nya at pumasok dito.
( Mindscape )
Nandito ako at nakatingin sa mala-maze na pag-iisip ni Rose at hinanap ang memorya ng pangyayari kanina. Nang nakita ko ay lumapit ako dito at tinignan ng maigi atsaka isinara ito sa isang sulok at lumabas na.
( Labas ng Mindscape )
Bumalik na ako sa aking katawan at dinilat ko na ang mata ko atsaka mabilisang umalis at bumalik ulit dahil alam ko na magigising na sya. Narinig ko na umungol sya at pinilit nya na bumangon at bago pa sya matumba ay inalalayan ko sya.
" Ayos ka lang ba? " tanong ko sa kanya
" Anong sa tingin mo? " sabi nya na may pagkairita
" Ano ba kasi ang nangyari? " tanong ko sa kanya
" Hindi ko alam, sinusundan kita tapos........ Bakit ko nga pala sinasabi sayo ito? " sabi nya at sya pa talaga nagalit
" Tinutulungan ka na nga, atsaka bakit mo ba ako sinusundan? " tanong ko
" Dahil napaka-mysterious mo at ayaw ko ng mga mysterious na tao dahil naaalala ko ang daddy ko na walang awa na pinatay ng mga ganoong klaseng tao! " Sabi nya at nakita ko ang halo-halong mga emosyon ang nakita ko sa kanya at dibla syang umiyak
" Bakit hindi mo inimbestigahan iyon? " tanong ko sa kanya habang hinihimas ang likod nya
" Maraming mga bagay ang hindi ko maitindihan eh! Maraming mga nakatago at marami syang inilihim, sya at si mommy! " sabi nya at atsaka umiyak ulit
" Tutulungan kita kung gusto mo. " sabi ko sa kanya at tumingin sya sakin
" Talaga? " tanong nya atsaka ako tumango
" Oo, tutulungan kita kaya wag ka na umiyak dyan yung ganda mo nawawala. " sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya ng kaunti
Binitawan ko na sya dahil alam ko na kaya na nya maglakad at hindi nga ako nagulat pero ang lakad nya ay parang sa lasing na tao. Hinila ko sya papunta sa isang Carinderia at pinaupo sya.
" Nagugutom ka ba? Mukha kang lasing kung maglakad ka. " sabi ko sa kanya at bago pa sya sumagot ay inunahan na sya ng kulo ng tiyan nya at nakita ko na namumula sya sa hiya at tahimik akong tumawa sa kanya. um-order ako ng pagkain at kinain naman nya ang share nya at hindi nakuntento dahil hiningi pa share ko.
Pagkatapos ay umalis na kami sa Carinderia at sinabi ko sa kanya namay pupuntahan pa ako kaso bago pa ako umalis ay hinawakan nya ang braso ko at tumingin sakin ng seryoso na para ba ako inuusisa atsaka binitawan ako at tumakbo paalis. Bumuntong hininga ako at umalis na rin.
Rose's Point of View
Sino ka nga ba Hermes? Bakit ba ako tumakbo ng gano'n? Bakit para bang meron syang tinatago? Pero salamat sa kanya at gumaan ang saloobin ko.
( Kinagabihan )
?????'s Point of View
Sinusundan ko ang tatlong misteryosong lalaki na nakasuot ng face mask. Noong nagsimula akong mag-hunting ng mga aswang ay hindi pa ako nakapatay kahit isa pero sa tingin ko ay ito na ang pagkakataon ko. Mayamaya ay may nakita akong kaharap nila na isang manananggal, maligno at tiyanak.
" Anong ginagawa nyo dito, mga salamangkero? At sinama nyo pa talaga ang traydor na iyan. " tanong ng manananggal sa kanila na ikinataka ko dahil
" Pigilan kayo. " sabi ng isa sa kanila
Ikinagalit ito ng mananaggal at susugod na ito ng may naramdaman akong init sa paligid at mayamaya ay diblang nag-apoy ang isa sa kanila na ikinagulat ko.
" Elementong Apoy: Apoy na Baluti! " sabi ng nag-aapoy na lalaki at nagulat ako dahil hindi sya nasunog o ang suot nya
Sumugod na sila at palapit na sila ng nakaramdam ako ng makaramdam ako ng init at nakita ko na ang isa sa kanila na may traditional Pilipino tattoo sa buong magkabilang braso ay umilaw at nagsimula itong kumalat sa buong katawan nya at pagkatapos ay naging isa syang nakakatakot na aso at naalala ko na ang sinabi ng aking master noong tinuturo nya ang pagkakaiba ng mga iba't-ibang aswang
" Ang asbo ay kumakain ng lamang loob at nagiging isang malaking aso. "
Bago pa ako sumugod ay may nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa pwesto nila at nakita ko ang natitirang lalaki na may itim na pakpak.
" Apoy ng Araw: Sinag ng Araw! " sabi ng lalaking may pakpak at diblang lumiwanag at nasunog ang manananggal
Umatake ang tiyanak pero dibla syang huminto dahil sa mga apoy at liwanag na papunta sa kanya. Ang asbo naman ay nakikipaglaban sa maligno at mukhang nananalo naman
" Pagtawag: Espada ng Katapangan: Kagitingan! " sabi ng nag-aapoy na lalaki at may lumitaw na broadsword na ang blade ay hugis ng isang kalasag ng mga Bagobo.
" Sayaw ng Apoy: Ang Paraan ng mga Fire Giant: Nagliliyab na hiwa! " Sabi ng nag-aapoy na lalaki at iniwas-iwas ang espada at nag-iwan ito ng mga fire s***h.
Natamaan ang tiyanak at namatay ito sa pagkasunog at nakita ko na tapos na ang asno sa maligno.
" Tara na Orion, tapos na tayo dito at kailangan pa natin mag-report sa Sage Director. " sabi ng lalaki na may pakpak na bumalik na sa dati pati narin ang nag-aapoy na lalaki.
Umalis na sila at susunod na sana ako ng may nakatutok na kung ano sa likod ng ulo ko. Lumingon ako ay nakita ko na isang arnis ang nakatutok sakin na hawak ng isa sa lalaki at nakakatakot ang tingin nya.
" Sino ka? Anong ginagawa mo dito? " tanong nya sakin
" Um, aaaaaahhhhhh, eeeeeehhhhhh, iiiiiihhhhhh, oooooohhhhhh, uuuuuuhhhhhh? " sabi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko
" Uulitin ko, sino ka at anong ginagawa mo dito? " tanong ulit nya
End of Chapter