Nakaraang Chapter
" Uulitin ko, sino ka at anong ginagawa mo dito? " tanong ulit nya
Apollo's Point of View
Habang kinakalaban namin ang manananggal na si Rosetta at ang kasama nyang tiyanak at maligno ay naramdaman ko na may nanonood samin kaya pagkatapos ay palihim ko pinuntahan ang taong iyon at nakita ko ang isang babaeng may mahabang itim na buhok, dark brown na mata, pango na ilong, mapulang labi, morenang balat, perpektong katawan, nasa edad namin nina Oliver at Alejandro Trinidad at may dalang malaking backpack. Itinutok ko sa kanya ang Sinag at tinanong sya. Bago pa sya magsalita ulit ay may nagbukas na Portal at lumabas ang isang dosena na mga aswang at isang Engkanto na nakasuot ng asul at berdeng marangyang kasuotan at Maligno na kulay puti. Ang anim sa kanila ay mga Tiktik habang Asbo naman ang anim na iba. Mukhang naglalaban sila at nagtatalo.
" Bakit kayo kumampi sa mga mahihinang tao?! " sabi ng isang tiktik
" Dahil sa buhay na nilalang din sila. " sagot ng isang Engkanto
Ikinagalit ng mga aswang ang sinabi ng engkanto kaya sabay-sabay silang umatake. Nakita kong susugot din ang taong tinutukan ko ng sandata ko kaya tumakbo ako kasunod nya.
" Reaksyon ng mga Kadena. " sabi ko at naglitawan ang mga kadena na pumulupot sa kanila.
" Elementong Apoy: Hiningang Apoy! " sabi ni Oliver at nagbuga sya ng apoy kahit natatakpan ang bibig nya ng face mask at buti nalang ang mask ay may release and protect magic seal.
Nasunog ang isang tiktik at asbo at nakalayo ang ilan. Ang kasama naming asbo na si Alejandro Trinidad ay nagpalit anyo at sumugot sa isang tiktik at kinalmot sya ng tiktik habang kinagat nya naman ito.
" Mahina pala kaming mga tao! " natatawang sabi ni Oliver samin
" Mga salamangkero! " sabi Maligno na may halong pagkahanga at saya ang boses
" Kumbinasyon ng mga elemento: Tubig at Lupa: Halaman: Gumagapos na Baging! " sabi ng engkanto at may mga baging na naglitawan at ginapos ang mga aswang.
" Elementong Apoy: Panga ng Ahas! " sabi ni Oliver at bumalot ang braso nya sa apoy at pwumesto sya sa fighting style na tinawag nyang beast fang, itinaas nya ang kanang braso nya at nasa baba naman ang kaliwa at pinosisyon nya ito na para bang mga panga ang kanya mga braso at ini- release ang apoy na naging hugis ulo ng ahas
" Elementong Hangin: Malakas na Ihip ng Hangin! " sabi ng Maligno at lumakas ang apoy na nilabas ni Oliver
Natamaan ang mga aswang at nasunog sila at tuluyan ng namatay. Tumingin ako sa babaeng nanood sa laban namin at nakita kong wala na sya. Napahinga nalang ako ng malalim at tumingin sa engkanto at maligno
" Ano ba ang nangyayari? " tanong ko sa kanila
" Sumama kayo samin para malaman mo. " sabi ng maligno
" Akini aki o aki ahika, Uksa mo a into abali sa undo ng La Elementasia, Umuka an Agusa!( Makinig sakin oh aking mahika, Buksan mo ang pinto pabalik sa mundo ng La Elementasia, Bumukas kang Lagusan!! ) " sabi ng engkanto sa Elementasian Language at bumukas ang isang portal at pumasok kami
?????'s Point of View
" Akini aki o aki ahika, Uksa mo a into abali sa undo ng La Elementasia, Umuka an Agusa! " sabi ng engkanto sa hindi kong alam na salita at bumukas ang isang portal at pumasok sila at mabilis akong tumakbo at pumasok sa portal bago ito magsara.
Nakita ko ang isang napakagarang mga gusali at mga engkanto na naglalakad. Nakakamanghang isipin na ang mga ito ay nakatago o hindi makita. Nagsimula akong maglakad ng may nabunggo ako at tinignan ko kung sino. Sya ang isa sa mga misteryosong lalaki na nakita ko. Nakita ko ang mga tattoo nya sa mga braso nya at ang suot nya na sleeveless na trench coat, combat boots, maong na pantalon at itim na t-shirt. Meron syang itim na mahaba at magulong straight na buhok, matangos na ilong, at maputlang balat.
" Ano ang ginagawa ng isang ordinaryong tao dito? " narinig kong bulong nya sa sarili nya
" Delikado dito binibini, kaya kailangan mo ng umalis. " sabi nya sakin
" Hindi, gusto ko malaman kung saan ito atsaka sino ka ba, huh?! " sabi ko sa kanya
" Diba dapat ako magtanong kung sino ka dahil sa pumasok ka sa portal ng walang pahintulot. " sabi nya
" Ako si Gracia Romano, pangarap ko lang naman mahanap ang mga aswang na pumatay sa magulang ko at patayin sila! " sabi ko sa kanya
" Sumama ka sakin para hindi ka mapahamak dyan. " sabi nya sakin
Alejandro's Point of View
" Ako si Gracia Romano, pangarap ko lang naman mahanap ang mga aswang na pumatay sa magulang ko at patayin sila! " sabi nya sakin
Muntikan ko na malabas ang pagkagulat ko dahil kilala ko sya, sya lang naman ang batang babae na kalaro ko noon sa baryo na tinitirhan namin. Ang pinakamakulit na babae na nakilala ko at naalala ko na pinatay ang mga magulang nya ng isa sa dating tauhan ng tatay ko at nagbago sya mula noon. Lumayas ako pagkatapos ng ilang araw dahil nalaman ko na umalis na sya at ipinangako ko na hindi ako kakain ng tao.
" Sumama ka sakin para hindi ka mapahamak dyan. " sabi ko sa kanya dahil alam ko na magagalit ang mga engkanto sa ginawa nya
Sumunod sya sakin at pumunta kami sa pinakamagandang gusali dito.
" Nandito tayo sa Biringan sa mundo na humiwalay sa mundo natin na tinatawag na La Elementasia. Makikita dito ang mga nilalang na makikita lang sa mga kwentong mitolohiya o alamat. " sabi ko sa kanya at nakita ko na nakikinig sya.
Pumasok kami sa kastilyo at pinasunod ko sya papunta sa trono ng pinuno ng Biringan. Sa pagdating namin nakita ko si Apollo at Oliver na kinakausap ng mga engkanto. Ako ay nakita ng isa sa kanila at ngumiti sila pero nung makita si Gracia ay nag-iba ang kanyang tingin at naging seryoso sila.
" Bago tayo magsimula sa pag-uusap mga salamangkero ay dapat natin pabalikin sa Daigdig ang taong ito at burahin ang alaala nya. " sabi ng isa sa kanila at tumango sila
" Pero hindi namin alam kung paano burahin ang alaala nya dahil hindi namin alam iyon. " sabi ni Oliver sa kanila
" Alam nyo, bakit hindi nalang natin sya isama sa mga ginagawa natin. " sabi ko kay Apollo at Oliver.
" Bakit naman? " tanong ni Oliver at tumingin ako kay Gracia
" Sya si Gracia mga pre, hindi ko mapapatawa ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. " sabi ko sa kanila
" Sige pero kailangan natin kausapin ang Sage Director. " sabi ni Oliver
" Alam nyo mga ginoo, kung hindi nalang sya buburahan ng alaala ay sisimulan na natin ang pagpapaliwanag. " sabi ng isa sa kanila at tumango kami
" Ganito kasi ang nangyari..........................
( Flashback )
Ang Pinuno at mga tagpayong Engkanto ay nagpupulong tungkol sa nangyari sa isa sa Great Beasts, si Minokawa.
" Ang isa sa pinakadakilang elemento-nilalang ay dinukot ng hindi pa nakikilalang salamangkero at ang mga salamangkero na miyembro ng uwak ay iniimbestigahan na kung sino ito, at napagdesisyonan ko na tulungan sila. " sabi ng pinuno at lahat ng mga tagapayo ay sumang-ayon
" Ano naman ang dahilan, mahal na pinuno? " tanong ng isa sa pinakabatang engkanto
" Dahil masama ang kutob ko sa mangyayari kung lahat ng dakilang elemento-nilalang ay nakuha ng salamangkerong iyon. " sabi ng pinuno nila
Makalipas ang ilang linggo ay nalaman ng mga iba pang elemento-nilalang ang naging desisyon ng Biringan at ang ilan ay nagalit dahil doon
( Flashback Ends )
....... At ang mga di sumang-ayon sa desisyon namin ay inaatake kami. " sabi ng pinuno at tumango kaming tatlo habang si Gracia naman ay nakikinig lang
" Sa tingin ko ay dapat magsama kayo ng isa sa amin para malaman namin ang mga nangyayari. " suggest ng isa sa mga engkanto
" Ako nalang po ang sasama!! " masayang sabi ng isang batang engkanto na nakasuot ng ginto at puting damit
" Hindi pwede Apolaki dahil delikado! " sabi ng pinuno
" Pero ama, paano ako makakatulong sa kaharian natin kung wala akong gagawin? " sabi ng bata sa pinuno
'sumasabat din pala pati mga engkanto' sabi ko sa isip ko
" Mapanganib, baka masaktan ka at--- Poprotektahan namin sya mahal na hari, wag ka mag-alala. " sabi ng isa pang engkanto na nakasuot ng asul na damit
" Sige Sinaya, pero isama mo si Aman. " sabi ng hari
" Sige po. " sabi ni Sinaya at umalis
" Pwede muna kayo umupo habang hinihintay natin si Aman at Sinaya. " sabi ng pinuno
Umupo kami habang naghihintay at mayamaya ay nakita ko na dumating si Sinaya na may kasama ang isang engkanto na nakasuot din ng asul na kasuotan pero may bandana na pula sa ulo
" Nandito na kami, pinuno. " sabi nila ng sabay at tumango naman ang pinuno
" Ang ipapagawa ko sa inyo ay makakatulong sa ating hadhikain na tulungan ang mga miyembro ng uwak at bantayan ang si Apolaki. " sabi ng pinuno at tumayo na kami
" Sige na at babalik na kami, halina kayo.
Makinig sakin oh aking mahika,
Buksan mo ang pinto pabalik sa mundo ng Daigdig,
Bumukas kang Lagusan!! " sabi ni Apollo at bumakas na ang portal at pumasok na si Oliver habang hinawakan ko ang kamay ni Gracia at timingin sa kanya ng seryoso.
" Kumapit ka lang. " sabi ko at pumasok na kami sa portal
End of Chapter