Habang binabaybay nila ang expressway palabas ng airport. Tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Maya at hindi nililingon si Alex na ramdam niya na kanina pa patingin-tingin sa kanila ni Klaus. Wala siyang planong makipag-usap dito o makipag plastikan. May plano naman siyang makipag kita dito pero masyadong napaaga at hindi inasahan. Tapos na meet agad nito ang isa sa triplets. At tulad ng inaasahan na niya hindi talaga ito maniniwala dahil kahit siya din ng mag miss siya ng period gulat na gulat din siya. Hindi pa siya makapaniwala ng una, akala lang niya sobrang stress niya kaya nasira ang monthly period niya. Todo panalangin pa siya na sana false alarm lang pero nang mag PT na sila ni Donna doon nila nakita na buntis nga siya. Nabuntis nanaman siya ni Alex sa kabila ng pak

