Habang papalapit ng papalapit sila Maya sa Tizon mansion pabilis ng pabilis nag kabog ng puso niya dahil finally after 3 years makikita na ulit niya ang anak niyang si Trixie na pinili muna niyang iwan para sa ikabubuti at ikatatahimik ng lahat. Pero kahit ganun hindi naputol ang communication nilang mag-ina sa tulong na din ng ina ni Alex na siyang naging gabay niya sa paglayong para maka-iwas sa mas malaking gulo na maaring makasakit kay Trixie. Kaya alang-alang sa anak siya na ang nag sakripisyo na lumayo at iwan ito kay Alex. Nagalit sa kanya ng una si Trixie halos 3 araw din ayaw nitong makipag-usap sa kanya pero sa huli sa wakas na himok na ito ni Mama Helena. Kaya naman ng makausap na niya ito, iyak ito ng iyak dahil iniwan niya ito pero buti nalang matalino si Trixie at ipinaliwa

