Medyo kabado si Maya ng dahan-dahang humihinto ang sasakyan nila sa harapan ng isang mataas na gate at kita ang magagarang sasakyan na halos naka pila na papasok ng malaki at magarang gate for inspection ata. Sa labas palang halata mo ng bigatin ang taong may paparty. Meron kang makikitang dancing light sa kalangitan kaya natitiyak niyang hindi mga simpleng tao ang nasa loob ng venue. Kinuha ni Maya ang maliit na lipgloss mula sa clutch niya at compact mirror para mag retouch ng konti ng make-up niya. Huminga siya nang malalim bago ito dahan-dahang ipahid sa labi. Maingat at iningatan na may lumampas kahit lipgloss lang naman iyon, masyado siyang magada ngayon gabi kaya kailangan niyang ingatan ang ganda niya dahil haharap siya kay Arianna, gusto niya may wow factor ang dating niya sa ma

