Panay ang ngiwi ni Luther. Hindi talaga niya inaasahan na sa mismong araw pa ng birthday party na ilang linggo nilang pinaghandaan ni Helena siya aatakehin ng matinding pananakit ng tuhod. Hindi ito ‘yung simpleng kirot na puwedeng balewalain lang, ito ‘yung sakit na kapag gumalaw ka ng mali, mapapamura ka na lang sa sakit. Nasa conservatory siya at nakaupo sa paborito niyang couch, bahagyang nakaunat ang binti, habang hawak ang dalawang eleganteng invitation na may embossed na pangalan ng celebrant. Nang isang kilalang curator na matagal na niyang matalik na kaibigan. “This isn’t just discomfort,” ngibit pa din ni Luther na gusto ng sumimangot. “This is my body telling me to sit down and shut up.” napangiti naman si Helena habang busy na nag co-crossed stitch. “You’ve been pushing

