Please don’t look for me. What happened last night was a mistake. I’m getting married soon, and I don’t want to ruin my future life or your future too. Forget me, just like how I’ll try to forget everything that happened. Thank you...
Nakakailang basa na si Alex sa sulat ng babaeng nakas*x niya kagabi at ewan ba niya pero nakakagalit lang talaga kahit wala naman nakakagalit sa sinabi nito. At kung tutuusin dapat nga matuwa pa siya dahil walang hassle pero... Napalingon siya sa white sheet ng kama na may dugo na isang ibendensya lang na meron siyang naka s*x kagabi na virgin.
Kung wala lang talaga ang dugo sa sheet iisipin talaga niya na hindi na virgin ang babae kagabi. Dahil napakagaling nito sa kama, sa dami na ng babaeng nadala niya sa kama, iba't-ibang lahi pa ngunit ang babae kakagabi ay exemptional. Ibang-iba ang atake nito hindi niya kayang i-explain pero nakakapamura sa sarap ang ginawa nila kaya naman dinaig pa talaga niya ang manyak kagabi at hindi na napigilan ang sarili.
Napatingin pa siya sa braso niya na ngayon ay may sugat dahil sa kagat ng babae kagabi, alam niya kung gaano hirap ang inabot nito sa kanya pero hindi ito umurong o nanulak, basta tinanggap lang siya nito ng buong-buo sa kabila ng sakit na dinadanas nito. At dun talaga siya na iintriga. She's a virgin yet she's not innocent at all, mula pa pag gising niya hindi na nawala ang babae sa isip niya. Napalingon si Alex ng marinig ang boses ng assistant sa labas ng kuwarto niya. Kaya naman inayos ang pagkakatali ng suot na robe lumabas na siya.
"Nakuha mo ba?" malamig na tanong niya sa assistant saka siya na upo sa sofa.
"Sorry sir, pero sabi ng taga security department under maintenance ang mga CCTV camera kahapon sa buong hotel ng ganun oras."
"F**k!" mura ni Alex na napatingin sa pinto ng kuwarto. Inutos niya sa assistant niya na alamin kung sino ang babaeng kasama niya kagabi dahil hindi niya maalala ang mukha ng babae kagabi dahil ng hilo niya at kalasingan. Pero hindi sapat para kalimutan niya ang nangyari. Malakas ang kutob niya na planado ang lahat dahil habang pinapanood niya kagabi sa isang bar ang isang magandang babae na nag sasayaw sa gitna ng dance floor, hindi na niya mapigilan ang pagnasaan ang ganda ng balakang ng babae.
She's to beautiful to resist, hindi niya maalis ang mata niya dito lalo na sa katawan nito. Para bang isa itong magnet na humahatak sa kanya. And he's really getting hard just by watching her move na para bang hinahamon siya ng isang steamy hot s*x. Until lumapit ang isang babaeng katabi nito sa dance floor na kausap ng babae. The woman flirt with him at pinatulan naman niya hindi para landiin ito, kundi para alamin kung anong pangalan ng kaibigan nito na sinagot naman nitong Hagedorn daw na medyo tinawanan niya sabay lingon sa babaeng pinag nanasaan niya ngunit bigla na turn off siya rito ng makita na nakikipag dirty dance na ito sa isang lalaki na halata naman tulad niya na mamanyak na rin rito.
Kaya naman bago pa siya mag wala ng wala naman dahilan minabuti na niyang umalis, ngunit habang nasa biyahe siya nakaramdam siya ng hilo at pang lalabo ng mata. Tinanong pa siya ng assistant niya kung gusto niyang magpadala ng hospital pero tumanggi na lang siya at sinabing ideretso na lang sa hotel kung saan siya naka check-in. Nasa Pilipinas lang siya dahil sa kasal ng kapatid niya pero aalis din siya after babalik din siya ng Florida kung saan talaga siya tunay na nakatira.
8 years old palang siya ng maghiwalay ang parents nila, sa Mommy niya siya sumama at si Alejandro naman ay napunta sa ama nila ng mag laban ang mga ito sa custody. And to make the story short sa America na sila tumira ng Mama niya at nagkaroon na ng bagong pamilya ang Mommy niya at ganun din naman ang ama niya kaya madalas sila lang ni Aly ang madalas na mag kita na kahit pa nag kalayo sila still naging intact pa rin ang pagiging magkapatid nila. halos 10 months lang ang pagitan ng age nila kaya naman napapagkamalan silang palaging kambal.
Ang kaibahan lang nila low key si Aly ayaw nito sa maingay na industriya ng mayayaman. Habang siya naman ay sikat sa larangan ng business at mga foundation company na tinutulungan niya. Parang siyang celebrity na palaging kasama ng ama sa mga flash news about sa business habang si Aly ay bihirang-bihira na makasama.
"Sir, may napulot nga pala po akong kuwintas sa may pinto." ani Jun sabay abot sa kanya ng isang kuwintas na pang babae na sigurado siyang dun iyon sa babaeng naka talik niya kagabi. Wala iyong pendant pero may flatted bar sa gitna na siyang nag sisilbing pendant ng kuwintas.
"M.D.V." basa niya sa naka engrave na mga letter. Tumayo si Alex pabalik sa kuwarto niya, habang may inuutos sa assistant.
"Find the woman from the bar who approached me at the counter. I’m certain she put something in my drink last night. I need to find the woman I had a one-night stand with last night."
"Bakit sir? Mag-aasawa na din po ba kayo?" ngiti na tanong ni Jun na sinamaan naman ng tingin ni Alex na ikinabura ng ngiti ni Jun na parang izinipper ang bibig na nag yuko ng ulo.
"She has my seed and I don’t want to end up having my first child out of wedlock. I have no plans of getting married. But that woman might be carrying my child by accident, and that's exactly what I don’t want to happen. So find the woman from the bar. She might know the girl I was with." utos ni Alex at ewan ba niya dahil kapag pinipikit n'ya ang mata ang mukha ng babae sa bar ang na aalala niyang ka s*x niya.
"Pero ang sabi n'yo sir kanina, guest din siya ng hotel na ito so baka possible na may record siya dito or ibang footage na puwedeng maging hint." naningkit naman ang mata ni Alex na ngali-ngaling batukan ang assistant niya.
"Tingin mo ipapahanap ko sa'yo ang footage kagabi kung kilala ko siya kung na tatandaan ko ang mukha niya. Anong gusto mo isa-isahin ko ang bawat kuwarto dito tingnan ang mga babae." ani Alex na hinubad ang isang suot na tsinelas saka humakbang papalapit kay Jun.
"Kalimutan n'yo na po ang sinabi ko sir, alis na po ako." ani Jun saka nag mamadali ng umalis. Napailing naman si Alex na mag bibihis na sana ng tamaan ulit ng mata nya ang note na iniwan ng babae.
Please don’t look for me. What happened last night was a mistake. I’m getting married soon, and I don’t want to ruin my future life or your future too. Forget me, just like how I’ll try to forget everything that happened. Thank you..
"It was a mistake cleary sa part ko, pero sa part mo I don't know... ikakasal ka na pero talagang nakipag one-night stand ka pa sa akin. Imbis na ibigay mo sa future husband mo ang virginity mo ibinigay mo pa sa ibang lalaki." ani Alex sabay inis na kinuyumos ang papel saka inihagis sa bin.
"Ayaw masira ang future pero lumandi, I really hate woman." iling na lang ni Alex na nag simula ng mag bihis.
-
-
-
-
-
-
"Umayos ka naman Maya, kasal ito ng kapatid mo." mariin na wika ng ina habang nasa tabi niya na parang kanina pa nito binabantayan ang kilos niya. Pangatlong balik na kasi niya ito sa buffet table sa reception ng kasal ni Arianna at alam niyang pinag uusapan na siya ng lahat pero wala siyang paki-alam. Nagugutom siya anong masama kung kumain e buffet naman yun.
"Wala akong kapatid Ma."
"Kung ganun umalis ka na lang, wala naman nag sabi sa'yo na pumunta ka dito. Ikaw na din ang tumanggi na maging maid of honor ni Arianna. Ang sabi mo wala kang planong pumunta, so bakit ka pa pumunta dito "
"Simple, gutom ako at wala akong perang pang bili ng pakain kasi yung ina ko. Pinabayaan na ako."
"Tumigil ka! Ikaw ang lumayas."
"You made me do it!"
"You force me too. Umalis ka na Maya, wag mong gawing katawa-tawa ang kasal na ito."
"Don't worry aalis ako kapag busog na ako." tamad na sagot ni Maya na hindi nililingon ang ina na basta nalang siyang iniwan. Sumimangot naman si Maya na tumingin sa waiter na naka assign sa buffet.
"Bawal bang masarapan sa pagkain n'yo?"
"Naku hindi naman po ma'am, kumain lang po kayo hanggat gusto n'yo." wika pa nito.
"Kaya nga diba! Kaya nga ito buffet e... eat all you can diba, epal tung si mudra e. Ayaw akong pakainin, nagugutom nga ako." tumawa naman ang waiter.
"Pero ang sexy n'yo pa rin ma'am kahit nakakailang balik na kayo ng kain."
"Sus! Maliit na bagay. puwede bang magbalot ako nito mamaya pag-uwi ko. Secret lang natin baka kasi ibalik ako ng nanay ko sa matress niya." bulong pa ni Maya na humagikgik na tinawanan pa ng waiter pero biglang nag seryoso ng makarinig ng tikhim mula sa likuran, nabura din ang ngiti ni Maya ng biglang humangin at maamoy niya ang amoy ng downy na humahalo sa scent ng amoy ng isang male perfume.
Bigla napangiwi si Maya ng maalala ang lalaki ng gabing yun 2 months ago. Alam niyang mag ku-krus pa talaga ang landas nila ng lalaking ito. At ito din ang dahilan kung bakit ayaw niyang umattend ng kasal ni Arianna dahil na tatakot siya na baka makilala siya nito. Pero hindi naman siya puwede habang buhay na mag tago kailangan niyang harapin ang kagagahan niya. Kaya naman nag lakas loob na siyang pumunta ng reception ng kasal ni Arianna at nakita nga niya si Alex, tumingin lang ito sa kanya habang may kausap itong mga VIP guest ng kasal ni Arianna. At nakahinga siya ng maluwag ng maramdaman niya na mukhang hindi talaga siya nito na recognize. Kaya kahit papaano nakahinga na siya.
"Fancy meeting you here!' wika ng lalaki sa likuran niya. Napalunok naman si Maya pero nag panggap lang siyang deadma.
"Sorry pero sabi ng Mama ko don't talk to stranger." Ani Maya habang tuloy ang kuha ng pagkain sa buffet.
"Stranger? Really? You think I don't know you?" muntik nag madapa si Maya at mabitawan ang plato niya dahil sa sinabi nito pero naging maagap ang lalaki at nayakap siya nito sa bewang at nahawakan ang plato niya. Kaya naman napalingon na lang si Maya kay Alex habang halos yakap na siya nito at siya naman ay naka sandal sa dibdib nito. Parang napapasong mabilis na lumayo si Maya.
"Hey watch out!" wika pa ni Alex na hinila siya sa kamay pero sa pag hila nito sa kanya sumama sa takong niya ang tablet cloth ng wine glass na patong-patong na para bang center piece ng buffet na meron ng mga laman na wine ng buhusan kanina nila Arianna at Alejandro. Awang ang labi na napatingin na lang si Maya at Alex ng kasabay ng pag hila nito sa kanya ang pag ka tumba ng lahat ng baso at nahulog isa-isa sa sahig at lumikha ng malakas na ingay na ikinalingon ng lahat na gulat na gulat.
"OMG anong ginawa mo!" mahinang bulong ni Maya kay Alex na mabilis na umatras sa binata habang nakatingin sa mga basag na basa na nasa sahig.
"It was an accident. You were about to — Hey!" bulalas ni Alex ng magulat ng bigla sampalin ng ina ng bride ang babaeng tulala pa pero nagulat sa lakas ng sampal na kung hindi nahawakan ni Alex possible pang natumba ang babae.
"Anong ginawa mo, kanina pa kita pina aalis ayaw mong umalis tapos ngayon—."
"Ma! Ma! Please tama na po.. mas lalaki pa po ang eskandalo." ani Arianna na niyakap ang inang si Lia.
"You, all of you pakilinis na lang po ng mabilis." utos ni Arianna sa mga waiter.
"Umalis ka na! Wala ka ng ginawang tama, puro kahihiyan na lang ang ibinibigay mo sa — Maya!" galit na bulalas ni Lia ng walang ano-anong tumalikod si Maya para umalis pero bago umalis si Maya lumapit pa siya sa buffet at kinuha ang isang medyo mainit na layer ng food warmer ng pagkain na nasarapan siya binitbit niya iyon literal na sinubukan pa sana na pigilan ng waiter pero hinarang ni Alex at sinabi na hayaan na lang at napasunod na lang ng tingin sa dalagang palabas ng event hall. Hindi niya maiwasan na mapangiti sa inasal nito na parang batang nag rerebelde habang napalingon naman kay Arianna at matandang babae na ina nito na nanampal nalang bigla sa babaeng nag ngangalang Maya na hindi muna nag tanong kung anong nangyari.