Paalis na sana si Alex sa hotel kung saan ginanap ang venue ng kasal ng kapatid ng matanaw sa di kalayuan ang babaeng nalaman niyang kapatid pala ni Arianna. Anak ng step-mother nito na basta na lang sinampal sa harapan ng lahat ng bisita na hindi manlang muna nag tanong kung anong nangyari or kung nasaktan ba ito, knowing na anak pala nitong tunay ang babaeng tinawag nitong Maya at pinalayas.
"Stop the car, Jun." utos niya sa assistant na inihinto naman nito.
"Saan kayo pupunta boss."
"Wag ka ng magtanong intayin mo na lang ako." Ani Alex na hinubad na ang suot na coat at inihagis sa loob ng backseat saka ni roll ang suot na puting longsleeve. Sabay ngisi nang makita ang sugat sa braso na tuyo na ngayon, bago humakbang patungon sa babaeng nilapitan niya kanina nag nag ngangalan na maya. Hindi siya sigurado kung ito ang babae na kasama niya sa hotel pero ang tattoo nitong malaking shooting star sa likod ng tenga nito ang isang proof niya na possibleng ito ang babae sa hotel.
Kukuha lang sana siya ng maiinom sa buffet kanina ng matanaw niya ang likod ng tenga ng babaeng nakatalikod, hindi malinaw sa kanya ang mukha ng babae pero ang tattoo nito sa likod ng tenga nito ang nakita niya ng malinaw habang hinahalikan ito sa leeg. Pero ng humarap ito mas lalo siyang nagulat ng maalala na ito yung babaeng nakita niya sa bar na nakikipag landian sa isang lalaki. kaya napaisip siya, dahil sa alala niya naiwan ito sa bar ng umalis siya. Imposible naman na sundan siya nito sa hotel at makipag one night stand sa kanya.
"Kakapal ng mukha nila, kasalanan ko ba yun? Bakit ako lang ang sinampal niya. Dapat pati yung lalaking yun kasalanan naman niya kung bakit na basag yung mga baso dun." hikbi ni Maya habang tuloy ang kain sa pagkain na tinangay niya.
"Hindi na masarap kainis!" ani Maya na ibinato pabalik sa food warmer ang kinakain.
"Excuse me!" tikhim ni Alex napa-angat naman ang tingin ni Maya na biglang napatayo sa pagkakasalampak ng upo sa gilid ng sidewalk sa likod ng hotel. Tambayan ng mga empleyadong lalaki ng hotel na mga nag yoyosi. Mabilis na pinahid ni Maya ang mga luha.
"Ano nanaman ba? Bakit ka ba lapit ng lapit sa akin, hindi ako bibili ng insurance okay." ani Maya saka mabilis na tumalikod at iniwan na ang foodwarmer na may lamang pagkain.
"Mukha ba akong nag bebenta ng insurance. I know you know me?" ani Alex na may dalawang meaning gusto niyang makita kung anong reaction nito. Bigla naman itong huminto at lumingon sa kanya na masama ang tingin.
"Natural kilala kita, Alexandro De Santibañez. Sinong tanga ang hindi nakakakilala sa'yo e para kayong pinagbiyak na inidoro ng kapatid mo." ani Maya sabay talikod.
"Ano? Inidoro? ako mukhang inidoro?" di makapaniwalang tanong ni Alex na di malaman kung mapipikon o matutuwa sa babaeng ito. Muli naman huminto ang babae sa paghakbang at napaatras bigla si Alex na hindi naman niya alam kung bakit siya umatras ng humakbang ito paabante sa kanya.
"Mayaman ka diba? Isa ang pamilya n'yo sa pinakamayaman dito sa Pilipinas. Bakit ginagawa mong pabango ang downy mystique." galit na wika ni Maya.
"Hindi ko ginawang pabango ang—."
"Tumahimik ka nalang, wag ka ng lumapit sa akin puwede ba! Marunong akong mangkulam baka pag nabuwisit ako kulamin kita." ani Maya saka muling tumalikod. Napapaisip si Alex, hindi niya nakuha ang reaction na gusto niya possible bang coincidence lang ang tattoo sa likod ng tenga nito.
"Yung babaeng kasama mo sa bar, puwede ko bang malaman ang pangalan niya?"
"Bar? Hindi naman ako napunta ng bar." pag sisinungaling pa ni Maya.
"Cut it out! Nagkita tayo sa bar 2 months ago, may kasama kang babae na nag sasayaw." kunwari naman nag isip si Maya pero sa isip niya, mukhang tama nga si Donna. Type ito ng lalaking ito noon kaya ito tingin ng tingin sa kanila, akala niya sa kanya ito nakatingin yun pala sa kaibigan talaga niya.
"Anong bar? Hindi ko maalala."
"Hindi ko maalala ang pangalan ng bar pero nagkita talaga tayo sa bar na yun. May kasama kang babae na medyo maliit na may brace sa ngipin."
"Ah si Solomon." sagot nalang ni Maya.
"Pinag loloko n'yo ba ako?" galit na tanong ni Alex na ikinlingon naman ni Maya dito.
"Tinanong mo ako, sinagot kita tapos tatanungin mo ako ng ganyan, abnormal ka pala e." awang naman ang bibig ni Alex sa mga word na lumalabas sa bibig ng babaeng ito.
"She said ang pangalan mo Hagedorn now I'm asking her name sagot mo Solomon? Ano to movie ni Fernado Poe Jr." iritang tanong ni Alex.
"Oh! Puwes wag kang magtanong... Wag kang feeling close na basta na lang lalapit at makikipag usap sa akin na akala mo magkakilala talaga tayo. Hindi ko kapatid si Arianna, nag iisang anak lang ako ng ina ko. Kaya wala tayong kailangan na maging bond. Kuha mo." napailing naman si Alex, malabong ito nga ang babae na naka one night stand niya baka coincidence lang talaga.
"You know what forget it! Bakit nga ba ako lumapit pa sa'yo. No wonder kung bakit ayaw sa'yo ng sarili mong ina," wika pa nito.
"Wow! Kapal ng mukha mo parang may alam ka sa buhay ko ah..." ani Maya na this time siya naman ang napasunod kay Alex.
"Wala nga! At wala din akong balak na alamin. Ayoko sa lahat ng babae yung eksaktong ugali na meron ka." anito sabay bukas ng backseat ng sasakyan nito at pumasok. Tatalikod na sana si Maya pero nakita niya ang ina na kausap ang security guard ng hotel at bitbit ang bag niya na naiwan niya sa event hall. Obviously siya ang hinahanap nito pero wala siyang panahon na humarap rito dahil tiyak niyang pagagalitan lang siya nito kaya naman walang sabi-sabi na bigla niyang binuksan ang backseat ng kotse at pumasok na ikinagulat ni Alex.
"Labas." galit na utos nito.
"Teka lang naman, kailangan ko lang ng konting minuto. Konti lang saka may atraso ka pa sa akin, nasampal ako kanina at napahiya dahil sa'yo."
"Wala akong kasalanan sa'yo, afterall mababangga mo din naman yun mesa ng umatras ka kaya mangyayari din ang nangyari."
"I doubt it! Kung... naku.. naku! naku... kuya pogi.. andar na tayo please... please." bigla bulalas ni Maya ng makita ang ina na parang ang kotse ni Alex ang tinutumbok nito kaya panay ang kulbit ni Maya sa driver ng sasakyan na nasa driver seat.
"Pogi? Ayos ka din talaga ano? Kanina tinawag mo kami ng kapatid ko na mukhang inidoro tapos ang assistant ko pogi." mabilis naman na pinag dikit ni Maya ang dalawang kamay na akala mo isang batang nakiki-usap.
"Parang awa mo na! Umalis na tayo...please... Ang totoo niyan, ikaw pa lang ang pinaka guwapong lalaking nakilala ko sa buong mundo tapos ang ganda pa ng built ng katawan mo." wika pa ni Maya na pinisil pa ang braso ni Alex. Inis naman na iniiwas ni Alex ang braso sa dalaga.
"Bakit nakilala mo na ba ang lahat ng lalaki sa buong mundo, para sabihin yan."
"Ano ba naman yan, hoy tanda!" bulalas naman ni Maya na ikinaawang ng bibig ni Alex ganun din si Jun na bagamat na gulat halatang gusto nalang din matawa.
"Anong sinabi mo, ako matanda? 27 palang ako." bulalas ni Alex, kasabay ng pagkatok mula sa bintana sa side ni Alex na napatingin saka napatawa ito bigla ng makita kung sino ang nakatakot kaya naman pala natataranta ang babaeng ito dahil nakita nito ang sarili nitong ina.
"Mukhang may masasabunutan palabas." ani Alex na pinindot ang isang button ng bintana pero bago pa yun tuluyan na mabuksan na hablot na ni Maya nag coat na naroon at isinaklob nito sa ulo saka walang sabi-sabi na sumobsob siya sa kandungan ni Alex na gulat na gulat din kaya hindi natuloy ang pag bukas sa bintana.
"What the hell—"
"Donna Revero ang pangalan ng kaibigan ko na kasama ko sa bar. Ibibigay ko sa'yo ang cellphone number at address niya kung aalis na tayo please." ani Maya.
"Damn it!" ani Alex na itinutulak pa ang ulo ni Maya na halos dun na mismo ito naka subsob at may kakaibang init ang dala ng posisyon nilang iyon.
"Excuse me! Alex.. have you seen my daughter, nabanggit kasi sa akin ng isang guard na nakita daw niya na kausap mo siya kanina." tanong ni Lia na halos hirap na hirap silipin ang likod ng backseat sa sobrang liit ng pagakabukas ng bintana.
"She already left—she took a taxi. Excuse me, Mrs. Alcaraz, I need to go." ani Alex na muli ng isinarado ang bintana at senenyasan si Jun na paandarin na ang sasakyan. Saka palang inalis ni Maya ang coat na nakatabon sa ulo niya habang parang nanghihina na umayos ng upo sa backseat at inihilig ang likod. Pasimpleng pinag masdan ni Alex ang dalaga, kita pa sa pisngi nito ang bakas ng sampal ng ina nito.
"Akina ang phone mo."
"Bakit?"
"As a promise, ibibigay ko ang cellphone number ng kaibigan ko at address niya."
"Jun, ibigay mo ang phone mo." utos nito sa assistant, tumaas naman ang kilay ni Maya.
Sus kala mo naman kung sino... manyak naman... naku kung alam mo lang na ako yung babaeng nakasama mo sa hotel baka atakihin ka sa puso. Bulong ni Maya sa isip niya dahil malakas ang kutob niya na pinag hihinalaan na siya nito kaya hinahanap nito ang kaibigan niya, hindi dahil sa romantic way. Tiyak siyang, siya ang hinahanap talaga nito since nalaman din nito ang tungkol sa tawagan nilang magkaibigan na Solomon at Hagedorn. Kinuha ni Maya ang cellphone ng assistant nito saka inilagay dun ang pangalan ni Donna pero syempre hindi naman talaga Revero ang apelido ng kaibigan niya kundi Vargas. Iba din ang cellphone number na binigay niya.
"Ayan na, pakigilid nalang ng kotse baba na ako." ani Maya.
"Jun, igilid mo." malamig naman na utos ni Alex, na sinunod naman nito pero hindi agad bumaba si Maya na nakakagat labi pa.
"Anong iniintay mo, baba na. Masyado ka ng nakakaabala, hindi tayo magkakilala remember. Hindi din tayo close kaya baba." supladong utos ni Alex.
"May problema kasi ako Kuya."
"F*ck!" mariin pero mahinang bulalas ni Alex.
"Kanina, mukhang inidoro, tapos tinawag mo akong tanda. Ngayon naman Kuya! Hindi ka man lang ba nahihiya sa akin."
"Ano bang gusto mong itawag ko sa'yo, baby? Babe? Honey? Love."
"Damn it!" parang masasagad ang pasensya na bulalas ni Alex.
"Labas na!" angil nito na itinuro pa ang pinto.
"Baka puwedeng pautang naman kahit 1k lang, singilin mo lang sa mudrabells ko. Wala lang akong pang bili ng—"
"Kapal din talaga ng mukha mo e no." ani Alex.
"Sige na, kung may trabaho lang sana ako saka wala yung bag ko naiwan ko dun sa event kaya wala akong pera talaga."
"Paano ka mag tatrabaho e mas inuuna mo ang pag babar at paglandi." ani Alex.
"Hindi ako na landi huh! sobra ka sa part na yun. 19 lang ako at maniwala ka man o sa hindi. Nakikipag date at nakikipag flirt lang ako sa mga lalaki para lang makakain ako ng libre at mabigyan ako ng pera pero hanggang dun lang yun."
"At bakit mo naman gagawin yun, may nanay ka na kaya kang supportahan."
"Ayokong magsalita against sa mother earth. Basta, basta hindi ako malandi. Mukha lang talaga dahil ... basta! Pautangin mo nalang ako or puwede din naman na kay Donna mo nalang din singlin."
"Nagpapaawa ka lang ba? Bakit ako maniniwala sa'yo. Yang hitsura mong yan 19 puwede ba."
"Hindi naman kita pinipilit na maniwala e, sige na. Pautangin mo na lang ako." huminga ng malalim si Alex kahit na inis dinukot na lang niya ang wallet at inilabas ang lahat ng cash na meron siya sa wallet. Sabay lagay sa kandungan ng dalaga.
"1k lang inuutang ko." gulat na bulalas ni Maya ng makita ang maraming pera.
"Hindi ko alam kung magkano yan, hindi ko rin inaasahan na mababayaran mo ako. Pero wag mong intayin na mag cross ulit ang landas natin dahil sisingilin kita kasama ang tubo pag nagkita ulit tayo pero kundi. Sa'yo na lahat yan, at tigilan mo na ang makikipag harutan sa mga lalaki kung pera lang ang dahilan." nag labas pa si Alex ang calling card.
"Punatahan mo yan, mag trabaho ka ng maayos, kung wala kang makuhang supporta sa mama mo. Matutu kang maging indipendent. Labas na!" utos ni Alex.
"Dalahin mo na yan coat ko." utos pa nito na sinunod naman ni Maya dahil wala nga siyang bulsa or bag. Wala siyang pag lalagyan ng maraming pera. Sinuot niya ang coat saka lumabas bago tumalikod, pasimpleng pinunit ang calling card na binigay nito.
"Hindi na mag ku-krus ang landas natin. NEVER!" ani Maya na napangiti sa perang nahahawakan niya sa loob ng coat.
"Hay! Mga lalaki talaga uto-uto, ito nalang ang bayad mo sa virginity ko na nasayang sa'yo." napabuga nalang na napatingila sa langit si Maya.
"Marami ka pa po bang pag subok na ibibigay sa akin? Hinay-hinay lang po...mahina ang kalaban." wika na lang ni Maya sabay lingon sa sasakyan na papalayo na.