Chapter 5- Prince charming to the rescue

2181 Words
"So, son, when do you plan to go back to the U.S.? Or are you thinking about my offer?" Ani Angelo habang sabay-sabay silang nag hahapunan. Napatingin si Alex sa amang nasa kabisera ng mesa. Sa kanan nito ay si Aly at sa kaliwa naman ay ang stepmom niyang si Soledad. Nasa mesang iyon din ang mga pamilya Alcaraz na kasabay nilang nag hahapuna. Syempre katabi ni Aly ang asawa nitong si Arianna, bago ang mag asawang sila Dominic at Lia na parents naman ni Arianna. "No pressure, Dad. I have a lot of work left in Florida. I can’t just walk away from all of that." "But the company you're running isn't yours, and it never will be — you're not a Rutherford." tukoy ng ama sa stepdad niya na isang kilalang pamilya sa US bagong asawa ng Mommy niya. "So instead of exhausting yourself working for someone else’s company, why not work in ours — which will soon belong to you and your brother anyway?" wika pa nito sabay tingin kay Aly. "Tama si Dad, Kuya. Tulungan mo na lang ako dito." ani Aly na nakangiti, bahagya naman siyang nag alangan na tumugon. "As I said, I’ll think about it." Sagot niya na sabay-sabay pa silang napatingin sa gawi ni Lia ng mag ring ang phone nito sa mesa. Nag excuse naman ito na aalis na sang ng pigilan ni Dominic. Nag-alangan naman si Lia pero sa huli sinagot na din nito ang calls. "Where? Oh my God!" napapikit na nasapo naman ni Lia ang noo. "Okay! I'll be there." paalam ni Lia sa kausap. "What's wrong?" tanong ni Dominic "Si Maya," "Anong pong ginawa ni Maya?" nag-aalalang tanong ni Arianna. "Nothing serious," ani Lia na halatang parang napapagod. "I told you na mali na pinatigil mo siya sa pag-aaral. Lalo lang talaga yang mag rerebelde, sa panahon ngayon iba na ang kabataan. Mahirap silang tumanggap ng pagkakamali nila." wika pa ni Dominic. "Ang gusto ko lang naman mapabuti ang—." "Excuse me, but I have a meeting" paalam na ni Alex na agad ng tumayo. Wala siyang panahon na pakinggan ang personal na issue ng mga hindi naman niya kaano-ano. Tumango naman ang ama kaya agad na siyang tumalikod. Habang papalabas siya ng komedor na dinig pa niya ang usapan ng mga ito tungkol kay Maya kung gaano katigas ang ulo ng dalaga at kung gaano pasaway. It's been 2 weeks ng huli niya itong makita at obviously gaya ng inaasahan niya pinag tataguan talaga siya nito after siyang lokohin about sa kaibigan nito. Isang funural home ang address na ibinigay ni Maya at isang number ng isang embalsamador sa Las Piñas ang ibinigay nito. "Sir, nasa hotel na po ang PI na inupahan n'yo." anusyo ni Jun habang sakay na sila ng sasakyan. "Okay!" tipid na sagot niya sabay tingin sa labas ng bintana. Hindi niya maiwasan na isipin si Maya at kung ano kaya ang ginawa nito. Totoo pa lang hindi na nga ito pinag-aral ng ina nito na siyang posibilidad na dahilan kaya ito nag rerebelde. - - - - - - - - "Today marks the 20th birthday of Maya De Vera. As requested, ito na po ang full behavioural and background report." wika ng Private investagation na inupahan ni Alex. Nag-flash ang larawan ni Maya sa screen — isang magandang dalagang may malamlam na mata at malakas ang dating. "So, birthday niya ngayon." tanong ni Alex. "Yes, sir." tumango naman si Alex na inutusan na itong ituloy. "Si Maya ay dating nursing student. Pinahinto siya ng ina, Lia De Vera, nang madiskubre nitong nagsinungaling ang bata tungkol sa kanyang whereabouts. According sa ilang nakakaalam, ang dahilan daw ni Lia kaya pinahinto ito sa pag-aaral ay dahil sumama raw sa isang lalaking may asawa ang anak niya para makarating ng Singapore." tahimik naman si Alex na nakikinig lang sa reporting ng PI. "However, based on my investigation — that was a lie. Wala pong lalaking kasama si Maya. Mag-isa siyang lumipad papuntang Singapore." Napatingin naman si Alex ng lumipat ang slide. Mga CCTV footage ni Maya, may backpack, maleta. Mag-isa na pumasok ng departure pero bago dun ipinakita din ang imbestigador ang sampalan na naganap sa airport. Totoong may kasamang lalaki na aalis sana si Maya pero nahuli ng asawa ang lalaki kaya nagkagulo ang mga ito sa airport ngunit matapang itong hinarap ni Maya. Bago ito umalis na mag-isa na parang walang paki-alam, mukhang kontrabida talaga sa mga teleserye. Yung tipong pinaratangan ka ng kabit pero ikaw pa ang matapang. "At sa loob ng halos dalawang linggo, hindi siya nag-shopping, hindi nag-tour, hindi nag-nightlife. Ayon sa immigration check-ins at surveillance, may isa lang siyang lugar na pinupuntahan." Nagpakita ang next photo — isang sementeryo. Marble tomb, may pangalan, may mga bulaklak na tuyo. "Manny De Vera." usal ni Alex. "Lolo niya. Namatay limang taon na ang nakalilipas. Almost everyday, napupunta siya doon. Hours. Nakahiga sa tabi ng puntod. Minsan umiiyak. Minsan tahimik lang at most of the time…" Pinindot muli ng PI ang remote saka lumabas ang screenshot mula sa telephoto lens si Maya naka-earphones, nakahiga sa damuhan, hawak ang phone. "Nag-lalaro ng online games habang nakahiga sa tabi ng libingan." tumaas ang kilay ni Alex. "Bakit niya ginawa ‘yun?" "Wala pong makapag sabi pero according to old records from a guidance counselor… staight ace ang lahat ng grades ni Maya. Isang consistent honor noon bata siya. Masayahin at kalog, mas malapit siya sa mga lalaki kesa sa mga babae kaya kadalasan na mimisinterpret siya ng marami but Maya started dating at 14. Not for romance — but for ‘privileges’." tumaas muli ang kilay ni Alex so far hindi naman pala ito nag sisinungaling sa mga sinabi nito sa kanya. "According to her‘Mas madali ang buhay pag may boyfriend na mayaman.’" naalala ni Alex ang sinabi ni Maya sa backseat ng kotse niya na inamin nitong pera lang ang kailangan niya. Maturity born not from growth, but from survival. Bulong ni Alex sa isipan niya. "Ngunit ng mag-asawa ulit ang Mama niya nag simula ang pagbabago ni Maya, ayon sa mga katulong ng bahay ng mga Alcaraz madalas daw mag-away ang mag-ina dahil mas kinakampihan ni Lia si Ms. Alcaraz, kaya madalas daw na mag-away sila Maya at Arianna. Pero likas daw na mabait ang stepsister na si Arianna at si Maya daw ang evil stepsister ayon sa mga katulong." "Kaya daw napalayas sa mga Alcaraz si Maya 5 buwan na ang lumilipas dahil sinunog ni Maya ang wedding gown ni Arianna. At nag pakalat ng balita na hindi na tuloy ang kasal. Lahat daw ginagawa ni Maya para hindi matuloy ang kasal ng stepsister niya. Kaya na sagad na ang pasensya ng ina kaya pinalayas na ito at pinutol ang lahat ng sustento na nakukuha ni Maya galing sa ina. "So anong nangyari kay Maya after that?" "Kinumkop po siya ng matalik niyang kaibigan. Si Donna Vargas." Solomon ng maalala ang sinabing pangalan ni Maya at dahil sa sobrang frustration at galit niya kay Maya napilitan na siyang umupa ng isang private imbestigator. Dahil ang address at cellphone number na binigay ni Maya ay isang funeral homes at number ng isang embalsabador. "The girl lied not to chase love…" wika ng private investagator. "but to chase someone she already lost." sagot naman ni Alex sa isip dahil malinaw na attention seeker si Maya kaya ito nag rerebelde, gusto nitong mabawi ang sariling ina nito na napunta kay Arianna. Napatingin siya sa kuwintas na hawak na may naka engrave na 3 letter. M.D.V coinsidence naman masyado na Maya De Vera ang ibig sabihin nun at ang tattoo sa likod ng tenga ni Maya. Kung ito man ang babaeng nakapareha niya ng gabing iyon, ibig sabihin lang hindi kasing sama ng nakuhang impormasyon ng private investagor na evil stepsister si Maya. Oo, nag rerebelde ito pero hindi ito masamang babae. They made her like that. Since nag bago ang lahat ng mag-asawa ulit ang ina nito kaya malinaw na iba hindi magkatugma ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Maya. Dahik kung pag babasehan niya ang pagiging playgirl nito na ayun sa haka-haka at sa iniisip niyang ito ang babaeng naka one night stand niya. Malinaw na mali lahat ng paratang dito dahil he is 100% sure na virgin ito. - - - - - - - Napailing si Alex habang na nonood kay Maya na maharot na sumasayaw sa gitna ng dance floor at syempre kasama nanaman nito si Donna na sumasayaw din. Halatang mga lasing na at wala ng paki alam kung anong mga hitsura ng mga ito sa gitna ng dance floor. Ang iiksi pa ng suot at kulang na lang lumuwa ang dibdib ng mga ito sa suot na damit. Kapag may lalapit na lalaki agad na itutulak ni Maya, ayaw nitong may na dikit na lalaki habang nag sasayaw ito na parang wala ng bukas. Kaya naman lahat ng mata ng lalaki kitang-kita ang matitinding pag nanasa sa dalaga. Birthday nito ngayon kaya na isip lang niya na baka mag cecelebrate ito kasama ng kaibigan kaya nag baka sakali lang siyang makikita ito at di nga siya nag kamali. Ibinaba niya ang bote na hawak sa bar counter saglit lang siya nalingat pero pag lingon niya wala na si Maya sa gitna ng dance floor. Hahanapin na sana niya ito ng magulat sa isang babae na biglang sumulpot sa tabi niya. Na humihingi ng tubig sa bar counter. Paglingon niya nakita niya si Maya na hirap ng tumayo sa kalasingan at basang-basa na ng pawis at sabog na ang make-up nito dahil sa pawis. In short mukha ito tanga at gustong matawa ni Alex habang nakatingin dito. "Hi! Fancy meeting you here!" wika pa niya rito na ikinalingon naman nito saglit na mukhang hindi siya nakilala. "Sorry! Not my type." sagot nito sabay talikod bitbit ang bottle water na tinungga nito habang patungo sa isang direction na tingin niya sa banyo. "Regular customer ba siya dito?" tanong ni Alex sa kaibigang bartender. "Oo, sila ng kaibigan niya." "A hooker." turan naman ni Alex na sinagot naman ng iling ng kausap. "Maldita yan, malakas ang toyo at powertrip kaya walang makalapit diyan. Ilang beses na yan na ipa banned dito kasi nambabasag ng bote sa ulo ng lalaking manyak." kumunot ang noo ni Alex, parang hindi ganun ang nakita niya noon. "But I saw her one-time nakikipag dirty dance sa isang lalaki?" nag salubong ang kilay ng bartender. "Kelan yun? Never ko pa siyang makitang makipag saway sa lalaki dito, ayaw niyang nadidikitan. Lalo at mabaho ang lalaki, maarte at picky yan." Mag sasalita na sana ulit si Alex ng mapansin ang tatlong lalaki na lumampas sa tapat niya na nag bubulungan. Mukhang hindi niya gusto ang binabalak ng mga ito lalo na at papunta sa restroom ang mga ito. Ang mga lalaki ay ang mga lalaking tumatabi kanina kay Maya sa dance floor na itinutulak ng dalaga. Walang pag dadalawang isip na tumayo na din si Alex at sumunod sa restroom upang tingnan ang dalaga, medyo na ligaw pa siya at di niya alam kung saan ang ladies room, normally kadikit lang yun ng men's room pero sa bar na yun hindi nasa kabilang side daw sa bandang dulo. Sabi ng napag tanungan niya sakto naman na malapit na siya nakarinig na siya ng mga kalabog at impit na daing ng isang babae na halatang may pumipigil ditong sumigaw kaya naman mabilis na siyang napatakbo at doon nga niya natagpuan si Maya na pinag tutulungan ng tatlong lalaki na hubaran habang kinukunan ng video. Ang isa naka hawak sa dalawang braso nito at ang isa naman ay nakatakip sa bibig ang isang kamay habang pinapapak na ng halik ang leeg at dibdib ni Maya na umiiyak na at nag wawala habang ang isa ay naka luhod na hinihila pababa ang underwear ni Maya. Pakiramdam ni Alex puputok sa galit ang ulo niya na gitil na gitil na sinugod ang tatlong lalaki at binasag ang cellphone ng lalaking may hawak sa braso ni Maya habang kinukunan pa ng video ang kababuyang ginawa ng mga ito. Walang humpay ang pag suntok at sipa niya sa tatlong lalaking naka handusay na sasahig at may ilang tao na din ang naroon na umaawat kay Alex. Nag pupuyos pa rin sa galit si Alex ng malingunan si Maya na nasa sulok hindi na ito umiiyak pero kita ang takot sa mukha nito at hawak ang puson na parang may iniinda itong masakit. Mabilis niyang hinubad ang suot na jacket at mabilis na ipapasuot sana dito pero ng hindi ito pumayag. Kaya ipinilit pa niya pero ayaw mag pahawak sa kanya ng dalaga. "Ano ba Maya!" gitil na gitil na sigaw niya sa dalaga na biglang napataas ang tingin sa kanya kasunod noon bigla na lang itong humikbi na parang bata na nakatingin sa kanya. "Mama!" iyak pa nito na pilas na pilas ang mukha sa pag-iyak na ikinasapo ni Alex ng noo at napatingala sa taas habang nagmumura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD