Halos hindi na magawang bungon ni Lia sa tindi ng bugbog na inabot niya dahil sa pagkakamali ni Arianna sa pagtatapon nito ng 20 million sa auction. Sa kanya nanaman ibinunton ni Dominic ang init ng ulo nito kay Arianna, basta mainit ang ulo nito sa kanya nito ibinubuhos lahat. Pero as usual kapalit ng sakit ng katawan at pang bababoy ni Dominic sa kanya malaking pera ang pumapasok sa account niya. Ilang beses na niya itong sinubukang iwan pero sa huli magmamakaawa lang ito, hihingi ng sorry at mangangako na magbabago na. Pero paulit-ulit lang at walang pag babago, sinubukan na niyang pag taguan ito noon pero sa huli nakikita lang din siya nito at na ibabalik sa bahay nila. Ilang buwan na magiging mabait, shopping grande pero kapag nagalit balik nanaman sa dati. Tiniis nalang niya hangga

