Nakatingala si Maya sa mataas na building ng Rutherford Corporation, ngayon na ang simula ng tunay na laban niya para ipakita na karapat dapat siya, noon unang punta niya roon napahiya siya ng sugurin niya ang pader. Ngayon ang unang araw niya at dama na agad niya ang bigat ng paligid. Mga taga top exclusive lang ang nakakakila kung sino talaga siya pero the rest ng empleyado walang nakakaalam kung sino ba talaga siya. Hindi ito iyong tipikal na opisina na puro salamin at mga mayayabang na empleyado. Agad niyang napansin sa company nang unang punata niya. Disiplinado ang bawat hakbang ng mga empleyado ay may direksiyon, parang lahat alam ang pupuntahan at oras na dapat naroon sila. Walang paligoy-ligoy. Walang arte at lahat halata mong professional talaga. Pag lapit niya sa guard agad

