Sabi ng matatanda delikado daw ang katahimikan kapag meron apat na batang maliligalig na biglang tumahimik bigla, dahil may dalang delubyo kapag biglang wala kang maramdaman na kakaiba. Sa loob ng playroom na dating music room na pinagawang laruan na nilang magkakapatid na pinuno ng laruan ng mga lolo at lola nila. May maliit na mesa sa ibabaw ng mesa may mga papel, krayola, isang luma at baluktot ng notebook saka 4 na batang naka palibot ng upo doon. Na agad mong mahuhulaan na may binubuong plano sa hitsura palang ng mga ito. Sa gitna, nakaupo si Trixie, legs crossed sa upuan, hawak ang ballpen na parang CEO sa board meeting. Naka-seryoso ang mukha niya—ang seryosong hindi tugma sa edad niya syempre ginagaya niya ang Daddy niya kapag nasa meeting ito. Sa kanan niya si Nero, nakasandal

