Medyo mabigat ang ulo ni Alex na minasahe pa niya ang batok, hindi siya lasing, pero sapat na para antukin siya at kalimutan muna niya sandali si Maya. Galing siya sa isang corporate meeting sa isang hotel at medyo nag hain ng alak at hindi niya naiwasan na mapainom ng konti. Napahinto siya sa pag pasok ng kuwarto niya ng buksan niya ang pinto at nakita ang mga anak niya. Naroon ang apat na bata—magkakatabi sa improvised na higaan sa sahig. Napangiti si Alex na lumuhod siya, isa-isa silang hinalikan sa noo. Kay Trixie, bahagyang hinaplos ang buhok. Bahagya siyang kumuha ng isang unan at iniharang sa pagitan ni Trixie sa mga boys dahil baka kawawa naman ang prinsesa niya kapag na side kick. “Goodnight, my little troublemakers,” bulong niya sabay ngiti. Hinahanap ng mga mata niya si Maya.

