“Halika na, apo. Dito ka muna kay Lola. Dito tayo matutulog,” masayang sabi ng ginang habang yumakap agad si Trixie ng umakyat sa kama ng matanda dala ang si Junny at dedee nito. Tuwang-tuwa naman ang dalawa na akala mo naman ay hindi nag kita sa loob ng maghapon. “Mommy, I’m sleeping here tonight.” sabi ni Trixie kay Maya, malambing at excited. Ayaw sana ni Maya. Hindi dahil hindi niya pinagkakatiwalaan si Helena, kundi dahil may kaba siyang nararamdaman sa mga titig ni Alex mula pa kaninan dinner. Malambing at sweet ang mga ngitian nito kapag si Trixie ang kausap pero kapag siya ang mga titig nito parang gusto na siyang makaladkad palayo sa mga kaharap nila. Kaya mas mabuti ng ilayo na muna niya si Trixie baka matakot nanaman ito at lagnatin nanaman. Ang silid ng lola nito ang pinaka

