Nakatayo sa gilid ng hallway si Maya nakasandal sa mismong pader sa labas ng silid ni Madam Helena. Wala na siyang dalang tray ngayon—wala siyang kahit ano sa kamay, para kung sakaling lumabas si Arianna, may laban na siya at isa lang ang sigurado niya, hindi siya aalis sa puwesto niya ngayong ng hindi na ibabalik ang sampal na ibinigay nito sa kanya kanina. Pero bago pa man iyon mangyari, hindi niya maiwasang makinig at mapangiti habang naririnig ang pag-iyak ni Arianna sa loob, sabihin ng masama talaga ugali niya sa tunay na buhay pero kinikilig siya sa iyak nito. Nakakatuwang marinig ang hikbi nito ito iyong iyak na hindi niya narinig kahit kailan, dahil Arianna is a princess type na nakukuha ang lahat ng gusto. Ang mabait at hindi maka basag pinggan ang napaka bait at ulirang anak.

