Magaang ang hakbang ni Maya habang palabas mula sa silid ng among tuwang-tuwa ng sabihin niya na hindi na sila tutuloy na umalis, hindi na niya sinabi ang tunay na dahilan na tinakot nanaman siya ni Alex. Idinahilan na lang niya na nag-aalala siya sa kalusugan nito. Bitbit ang tray ng gamot at water flask tuluyan na siyang lumabas ng silid. Kakagising lang ng ginang kanina, at sinabihan siya nitong i-check ang BP nito dahil para daw nasakit ang ulo nito na alam naman ni Maya na nagpapaawa lang talaga ito, kaya ng sabihin niyang hindi na sila tutuloy ng alis ni Trixie bigla nalang itong naging masigla. Hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niya ang utak niya litong-lito na, nasa pagitan na siya ng pag-iisip kung aaminin na ba niya ang totoo o sumabay na lang sa agos ng buhay habang si A

