“Ma—Maya.” Napahinto siya sa paghakbang ng makita si Alex sa mezzanine, naka cross-arm na parang sinadya talaga siyang hintayin. Napalunok ang dalaga parang may kung anong nanlamig sa batok niya ng makita si Alex na naka abang sa pag-akyat niya. Sa liwanag na nanggagaling sa mga chandelier, kita niya ang lalim ng titig ni Alex sa kanya “Alex?” mahina niyang tugon, hindi sigurado kung lalapitan o iiwasan ito. Humakbang ito papalapit pero si Maya ewan niya kung bakit bigla siyang napa-atras ng bahagya. Paglapit nito, hindi pa man siya nakakapagsalita, binitawan na nito ang mga salitang halos ikabagsak ng tuhod niya. “I want a DNA test.” Parang may malamig na humampas sa mukha ni Maya. Napaatras siya, napahawak sa console table sa tabi ng hagdan dahil biglang nanghina ang tuhod niya at bu

